KABANATA 2
Ang Bibliya—Isang Aklat Galing sa Diyos
1, 2. Bakit magandang regalo galing sa Diyos ang Bibliya?
ANO ang mararamdaman mo kapag niregaluhan ka ng kaibigan mo? Gusto mo sigurong buksan ito agad, at masayang-masaya ka kasi naalaala ka niya. Siguradong magpapasalamat ka sa kaniya.
2 Ang Bibliya ay isang regalo galing sa Diyos. May mga impormasyon ito na hindi mo makikita kahit saan. Halimbawa, sinasabi nito na nilalang ng Diyos ang langit, ang lupa, at ang unang lalaki at babae. May mga prinsipyo rito na makakatulong sa atin kapag may problema tayo. Sa Bibliya, makikita natin kung paano gagawin ng Diyos ang layunin niya para maging magandang tirahan ang lupa. Isa ngang napakagandang regalo ang Bibliya!
3. Ano ang matututuhan mo habang pinag-aaralan mo ang Bibliya?
3 Habang pinag-aaralan mo ang Bibliya, makikita mo na gusto kang maging kaibigan ng Diyos. Habang mas nakikilala mo siya, mas magiging malapít mo siyang kaibigan.
4. Ano ang hinahangaan mo sa Bibliya?
4 Naisalin na ang Bibliya sa mga 2,600 wika, at bilyon-bilyong kopya na ang naimprenta. Mahigit 90 porsiyento ng mga tao sa mundo ang makakabasa ng Bibliya sa sarili nilang wika. At bawat linggo, mahigit isang milyon ang nagkakaroon ng Bibliya! Oo, walang ibang aklat na gaya ng Bibliya.
5. Bakit masasabing “mula sa Diyos” ang Bibliya?
2 Timoteo 3:16.) Pero baka isipin ng iba, ‘Tao lang ang sumulat ng Bibliya, kaya paano masasabing galing ito sa Diyos?’ Ganito ang sagot ng Bibliya: “Ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.” (2 Pedro 1:21) Katulad ito ng isang negosyante na nagpapagawa ng sulat sa sekretarya niya. Kanino galing ang sulat? Sa negosyante, hindi sa sekretarya. Ganiyan din ang Bibliya. Ang Diyos ang Awtor nito, hindi ang mga lalaking sumulat nito. Ginagabayan sila ng Diyos habang isinusulat nila ang kaisipan niya. Talagang “salita ng Diyos” ang Bibliya.—1 Tesalonica 2:13; tingnan ang Karagdagang Impormasyon 2.
5 Ang Bibliya ay “mula sa Diyos.” (Basahin angTUMPAK ANG NILALAMAN NG BIBLIYA
6, 7. Bakit masasabing magkakatugma ang nilalaman ng Bibliya?
6 Isinulat ang Bibliya sa loob ng mahigit 1,600 taon. Nabuhay sa magkakaibang panahon ang mga sumulat nito. Ang ilan ay may pinag-aralan, at ang iba naman ay wala. Halimbawa, ang isa ay doktor. Ang iba ay magsasaka, mangingisda, pastol, propeta, hukom, at hari. Kahit magkakaiba ang sumulat ng Bibliya, lahat ng bahagi nito ay magkakatugma. Wala itong sinasabi na kasalungat ng ibang bahagi nito. *
7 Ipinapaliwanag ng unang mga kabanata ng Bibliya kung paano nagsimula ang mga problema sa mundo, at ipinapaliwanag naman ng huling mga kabanata na gagawin ng Diyos na paraiso ang lupa bilang solusyon sa mga problemang iyon. Mababasa sa Bibliya ang kasaysayan ng tao sa loob ng libo-libong taon at ipinapakita nito na laging natutupad ang layunin ng Diyos.
8. Magbigay ng mga halimbawa na nagpapakitang tama ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa siyensiya.
8 Hindi isinulat ang Bibliya para magturo ng siyensiya o para maging aklat sa eskuwelahan, pero laging tama ang sinasabi nito tungkol sa siyensiya. Iyan naman talaga ang aasahan natin sa isang aklat na galing sa Diyos. Halimbawa, ang aklat ng Levitico ay naglalaman ng mga instruksiyon ng Diyos sa mga Israelita para hindi kumalat ang sakit. Isinulat ito matagal na bago pa matuklasan ng tao na pinagmumulan ng sakit ang mga baktirya at virus. Tama rin ang itinuturo ng Bibliya na ang mundo ay nakabitin sa kawalan. (Job 26:7) At noong ang karamihan ng tao ay naniniwalang lapád ang mundo, sinabi ng Bibliya na bilog ito.—Isaias 40:22.
9. Ano ang ipinapakita ng pagiging tapat ng mga sumulat ng Bibliya?
9 Kapag may sinasabi ang Bibliya tungkol sa kasaysayan, lagi itong tumpak. Pero maraming aklat tungkol sa kasaysayan ang hindi talaga tumpak dahil hindi tapat ang mga sumulat. Halimbawa, hindi nila laging isinusulat ang tungkol sa pagkatalo ng bansa nila. Pero tapat ang mga sumulat ng Bibliya. Isinulat nila ang pagkatalo ng Israel pati na ang sarili nilang mga pagkakamali. Halimbawa, sa aklat ng Mga Bilang, sinabi ni Moises na nakagawa siya ng malubhang pagkakamali kung kaya siya dinisiplina ng Diyos. (Bilang 20:2-12) Ang pagiging tapat ng mga sumulat ng Bibliya ay nagpapakitang galing ito sa Diyos. Ibig sabihin, makapagtitiwala tayo sa Bibliya.
ISANG AKLAT NA PUNÔ NG MAGAGANDANG PAYO
10. Bakit makakatulong sa atin ang mga payo ng Bibliya?
10 Ang Bibliya ay “mula sa Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid.” (2 Timoteo 3:16) Oo, makakatulong sa atin ang mga payo ng Bibliya. Alam ni Jehova kung paano tayo ginawa, kaya naiintindihan niya ang iniisip at nararamdaman natin. Mas kilala niya tayo kaysa sa pagkakilala natin sa ating sarili, at gusto niya tayong maging masaya. Alam niya ang makakabuti at makakasamâ sa atin.
11, 12. (a) Anong magagandang payo ang sinabi ni Jesus sa Mateo kabanata 5 hanggang 7? (b) Ano pa ang matututuhan natin sa Bibliya?
11 Sa Mateo kabanata 5 hanggang 7, may magagandang payo si Jesus kung paano magiging maligaya, kung paano makakasundo ang iba, kung paano mananalangin, at kung ano ang tamang pananaw sa pera. Kahit 2,000 taon na ang nakalipas mula nang banggitin niya ang mga payong iyon, epektibo pa rin sa ngayon ang mga ito.
12 Sa Bibliya, nagtuturo din si Jehova ng mga prinsipyo na tutulong sa atin na magkaroon ng mas masayang pamilya, maging mahusay sa pagtatrabaho, at magkaroon ng mabuting kaugnayan sa iba. Matutulungan tayo ng mga prinsipyo sa Bibliya, sinuman tayo, saanman tayo nakatira, o anuman ang problema natin.—Basahin ang Isaias 48:17; tingnan ang Karagdagang Impormasyon 3.
MAKAPAGTITIWALA KA SA HULA NG BIBLIYA
13. Ano ang sinabi ni Isaias na mangyayari sa Babilonya?
13 Maraming hula sa Bibliya ang natupad na. Halimbawa, inihula ni Isaias na mawawasak ang Babilonya. (Isaias 13:19) Sinabi niya kung paano eksaktong matatalo ang lunsod. Napoprotektahan ang lunsod ng malalaking pintuang-daan at ilog. Pero inihula ni Isaias na matutuyo ang ilog at maiiwang bukás ang mga pintuang-daan. Sasakupin ng mga kalaban ang lunsod nang walang labanan. Inihula pa nga ni Isaias na isang lalaking nagngangalang Ciro ang tatalo sa Babilonya.—Basahin ang Isaias 44:27–45:2; tingnan ang Karagdagang Impormasyon 4.
14, 15. Paano natupad ang hula ni Isaias?
14 Pagkatapos ng 200 taon mula nang isulat ang hulang iyon, may dumating na hukbo para salakayin ang Babilonya. Sino ang lider ng hukbo? Gaya ng sinabi ng hula, siya si Ciro, ang hari ng Persia. Handa na ang mga bagay-bagay para lubusang matupad ang hula.
15 Noong gabing sumalakay ang hukbo, may salusalo
ang mga taga-Babilonya. Pakiramdam nila, protektado sila ng malalaking pader ng lunsod at ng ilog. Sa labas ng lunsod, naghukay ng kanal si Ciro at ang hukbo niya para bumabaw ang tubig ng ilog. Dahil diyan, nakatawid ang mga sundalong Persiano. Pero paano nila mapapasok ang mga pader ng Babilonya? Gaya ng sinabi ng hula, naiwang bukás ang mga pintuang-daan ng lunsod, kaya nakapasok ang mga sundalo at nasakop ang lunsod nang walang labanan.16. (a) Ano ang inihula ni Isaias tungkol sa kahihinatnan ng Babilonya? (b) Paano natin nalaman na natupad ang hula ni Isaias?
16 Inihula ni Isaias na darating ang panahon na hindi na titirhan ang Babilonya. Isinulat niya: “Hindi na siya titirhan kailanman, at wala nang manunuluyan sa kaniya sa lahat ng henerasyon.” (Isaias 13:20) Natupad ba iyan? Sa dating lugar ng Babilonya, mga 80 kilometro sa timog ng Baghdad, Iraq, mga guho na lang ang makikita. Walang nakatira doon hanggang ngayon. Winalis ni Jehova ang Babilonya ng “walis na pamuksa.”—Isaias 14:22, 23. *
17. Bakit tayo makapagtitiwala sa lahat ng pangako ng Diyos?
17 Dahil napakaraming hula sa Bibliya ang natupad na, makapagtitiwala tayo sa sinasabi ng Bibliya tungkol Bilang 23:19.) Oo, tayo ay may pag-asang “buhay na walang hanggan na matagal nang ipinangako ng Diyos, na hindi makapagsisinungaling.”—Tito 1:2. *
sa hinaharap. Makakatiyak tayong tutuparin ni Jehova ang pangako niya na gawing paraiso ang lupa. (Basahin angKAYANG BAGUHIN NG BIBLIYA ANG BUHAY MO
18. Paano inilarawan ni Pablo ang “salita ng Diyos”?
18 Natutuhan natin na walang ibang aklat gaya ng Bibliya. Hindi ito nagkakasalungatan, at kapag may sinasabi ito tungkol sa siyensiya o kasaysayan, lagi itong tumpak. Naglalaman din ito ng magagandang payo at maraming hula na natupad na. Pero hindi lang iyan. Isinulat ni apostol Pablo: “Ang salita ng Diyos ay buháy at malakas.” Ano ang ibig sabihin nito?—Basahin ang Hebreo 4:12.
19, 20. (a) Paano ka matutulungan ng Bibliya na makilala ang sarili mo? (b) Paano mo maipapakitang pinahahalagahan mo ang Bibliya?
19 Kayang baguhin ng Bibliya ang buhay mo. Matutulungan ka nitong makilala ang sarili mo at maintindihan ang laman ng puso at isip mo. Halimbawa, baka sa tingin natin ay mahal natin ang Diyos. Pero para mapatunayan ito, kailangan nating sundin ang sinasabi ng Bibliya.
20 Ang Bibliya ay talagang galing sa Diyos. Gusto niyang basahin mo ito, pag-aralan, at mahalin. Pahalagahan ang regalong ito at patuloy na pag-aralan. Kapag ginawa mo ito, maiintindihan mo ang layunin ng Diyos para sa tao. Sa susunod na kabanata, may matututuhan pa tayo tungkol sa layuning iyan.
^ par. 6 May mga nagsasabing nagkakasalungatan ang sinasabi ng Bibliya, pero hindi totoo iyan. Tingnan ang kabanata 7 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 16 Kung gusto mong matuto pa tungkol sa mga hula ng Bibliya, puwede mong basahin ang pahina 27-29 ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 17 Ang pagkawasak ng Babilonya ay isa lang sa mga hula ng Bibliya na natupad. Makikita mo ang detalye ng mga hula tungkol kay Jesu-Kristo sa Karagdagang Impormasyon 5.