Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 1

Epektibong Introduksiyon

Epektibong Introduksiyon

Gawa 17:22

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Sa introduksiyon mo, dapat makuha mo ang interes ng mga tagapakinig at malinaw mong maipakita kung ano ang iyong paksa at kung bakit dapat silang maging interesado rito.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Kunin ang interes ng tagapakinig. Pumili ng tanong, pananalita o kasabihan, totoong karanasan, o balita na makakakuha ng interes ng mga tagapakinig.

  • Linawin kung ano ang paksa. Tiyakin mong malinaw sa introduksiyon mo kung ano ang paksa at layunin ng iyong pahayag o presentasyon.

  • Ipakita kung bakit mahalaga ang paksa. Ibagay ang sinasabi mo sa kung ano ang kailangan ng mga tagapakinig. Dapat na malinaw nilang maintindihan kung paano makakatulong ang paksa sa buhay nila.