Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 10

Pagbabago-bago ng Boses

Pagbabago-bago ng Boses

Kawikaan 8:4, 7

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Itawid nang malinaw ang mga ideya at abutin ang damdamin ng tagapakinig sa pamamagitan ng pagbabago-bago ng lakas at tono ng boses at ng bilis ng pagsasalita.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Iba-ibahin ang lakas ng boses. Lakasan ang boses para idiin ang mahahalagang punto at pakilusin ang mga tagapakinig. Ganoon din ang gawin kapag bumabasa ng mga hatol mula sa Bibliya. Hinaan ang boses para panabikin ang tagapakinig sa susunod mong sasabihin o kapag nagpapahayag ng pagkatakot o pagkabahala.

  • Iba-ibahin ang tono ng boses. Kung angkop sa inyong wika, itaas ang tono ng boses para magpakita ng sigla o magpahiwatig ng laki o layo. Babaan naman ang tono ng boses para magpahayag ng lungkot o pagkabahala.

  • Iba-ibahin ang bilis ng pagsasalita. Magsalita nang mas mabilis para magpahayag ng pananabik. Magsalita nang mas mabagal kapag may sinasabing mahahalagang punto.