Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 13

Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay

Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay

Kawikaan 3:21

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na maunawaan ang kahalagahan ng iyong paksa sa buhay nila, at ipakita kung ano ang gagawin nila sa natutuhan nila.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Isipin ang mga tagapakinig mo. Pag-isipan kung bakit kailangan nilang marinig ang impormasyong sasabihin mo, at isipin kung anong punto sa paksa ang partikular na makakatulong sa kanila.

  • Sa buong pahayag mo o presentasyon, ipakita sa mga tagapakinig kung ano ang gagawin nila. Sa umpisa pa lang, dapat na maisip ng bawat tagapakinig, ‘Makakatulong sa akin ito.’ Sa pagtalakay mo sa bawat pangunahing punto, ipakita kung paano nila ito magagamit. Maging espesipiko.