Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 16

Nakapagpapatibay at Positibo

Nakapagpapatibay at Positibo

Job 16:5

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Sa halip na magpokus sa problema, magpokus sa solusyon at sa mga bagay na magpapakilos sa mga tagapakinig.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Magkaroon ng positibong pananaw sa mga tagapakinig. Magtiwalang gusto ng mga kapananampalataya mo na mapasaya si Jehova. Kahit na kailangan mong magpayo, magbigay muna ng taimtim na komendasyon hangga’t posible.

  • Limitahan ang negatibong impormasyon. Bumanggit lang ng negatibong mga bagay may kinalaman sa isang paksa kung makakatulong ito. Dapat na positibo ang kabuoan ng pahayag o presentasyon mo.

  • Gamiting mabuti ang Salita ng Diyos. Itampok ang mga ginawa, ginagawa, at gagawin ni Jehova para sa mga tao. Pasiglahin at patibayin ang mga tagapakinig mo.