Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 2

Pagiging Natural

Pagiging Natural

2 Corinto 2:17

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Magsalita sa natural na paraan at mula sa puso.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Manalangin at maghandang mabuti. Hilingin sa panalangin na tulungan kang magpokus, hindi sa sarili, kundi sa mensahe mo. Gawing malinaw sa isip ang pangunahing mga punto na kailangan mong talakayin. Sabihin ang mga ideya sa sarili mong pananalita; huwag lang basta sabihin ang mga nakaimprentang salita.

  • Magsalita mula sa puso. Pag-isipan kung bakit kailangan ng mga tagapakinig mo ang mensahe. Sa kanila ka magpokus. Sa gayon, makikita sa tindig mo, pagkumpas, at ekspresyon ng mukha na taimtim ka at nagmamalasakit sa kanila.

  • Tumingin sa mga tagapakinig. Kung angkop, tumingin sa mata ng tagapakinig mo. Kapag nagpapahayag, tumingin sa mga indibidwal imbes na daanan lang ng mata ang buong kongregasyon.