Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 9

Tamang Paggamit ng Visual Aid

Tamang Paggamit ng Visual Aid

Genesis 15:5

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Gumamit ng mga visual aid para maging mas malinaw at madaling tandaan ang mahahalagang puntong itinuturo mo.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Pumili ng visual aid na makakatulong sa pagtuturo mo. Gumamit ng mga larawan, dayagram, mapa, time line, o iba pang visual aid para itampok ang mahahalagang punto, hindi ang mga detalyeng di-gaanong mahalaga. Tulungan ang mga tagapakinig na hindi lang ang visual aid ang matandaan, kundi pati ang puntong itinuturo mo.

  • Siguraduhing makikita ng mga tagapakinig mo ang visual aid.