Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TANONG 10

Matutulungan Ba Ako ng Bibliya?

Matutulungan Ba Ako ng Bibliya?

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA

Sinasabi ng Bibliya na “ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) Kung totoo ito, ang Bibliya ay makapagbibigay sa iyo ng patnubay na kailangan mo.

ANO ANG GAGAWIN MO?

Pag-isipan ang senaryong ito: Si David ay nagmamaneho sa isang lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Dahil iba ang mga karatula at landmark sa kalye na nakikita niya, alam niyang naliligaw na siya. Tiyak na may mali siyang nalikuan.

Kung ikaw si David, ano ang gagawin mo?

MAG-ISIP MUNA!

Mayroon kang ilang mapagpipilian:

  1. Magtanong ng direksiyon.

  2. Tumingin sa mapa, o gumamit ng GPS.

  3. Magpatuloy sa pagmamaneho, at umasang makikita mo rin ang tamang daan.

Maliwanag, C ang hindi epektibo sa tatlong mapagpipilian.

Mas epektibo ang B kaysa sa A. Tutal, mas madaling tumingin sa mapa o sa GPS na dala mo.

Sa ganiyang paraan ka rin matutulungan ng Bibliya!

Ang popular na aklat na ito ay

  • papatnubay sa iyo sa pagharap sa mga problema sa buhay

  • tutulong sa iyo na makilala ang iyong sarili at maging mas mabuting tao

  • magtuturo sa iyo kung paano magkakaroon ng pinakamagandang buhay

SAGOT SA MAHAHALAGANG TANONG SA BUHAY

Mula nang matuto tayong magsalita, marami na tayong tanong.

  • Bakit asul ang langit?

  • Bakit kumukutitap ang mga bituin?

Habang tumatagal, nagtatanong tayo tungkol sa mga nangyayari sa daigdig.

Paano kung ang sagot sa mga tanong na iyan ay nasa Bibliya lang pala?

Marami ang nagsasabing ang Bibliya ay punô ng alamat at kathang-isip lang, na makaluma ito, o napakahirap nitong maintindihan. Pero ganoon nga kaya, o baka iba lang ang iniisip ng mga tao tungkol sa Bibliya? Hindi kaya mali ang natanggap nilang impormasyon?

Halimbawa, iniisip ng mga tao na ayon sa Bibliya, kontrolado ng Diyos ang daigdig. Pero paano mangyayari iyon? Napakagulo ng daigdig! Punong-puno ito ng pagdurusa, sakit at kamatayan, kahirapan at kalamidad. Imposibleng isang maibiging Diyos ang may kagagawan sa mga ito.

Gusto mo bang malaman ang sagot? Baka magulat ka sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa kung sino ang kumokontrol sa daigdig!

Malamang na napansin mong galing sa Bibliya ang mga payo sa brosyur na ito. Kumbinsido ang mga Saksi ni Jehova na ang Bibliya ay isang maaasahang pagkukunan ng patnubay. Iyan ay dahil “kinasihan [ito] ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay.” (2 Timoteo 3:16, 17) Makikinabang ka kung susuriin mo ang makaluma, pero napapanahong aklat na ito!