Awa
Ano pang ibang katangian ang kasama sa pagpapakita ng awa?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Aw 51:1, 2—Nang magmakaawa si Haring David kay Jehova, hiniling niya na patawarin siya at linisin ang mga kasalanan niya
-
Luc 10:29-37—Itinuro ni Jesus kung paano magpapakita ng awa; ginamit niya ang ilustrasyon tungkol sa isang Samaritano na naging mabait at makonsiderasyon sa isang Judio
-
Bakit kailangan ng lahat ng tao ang awa?
Tingnan din ang 1Ha 8:46-50
Paano natin nalaman na maawain si Jehova?
Exo 34:6; Ne 9:17; Aw 103:8; 2Co 1:3
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Job 42:1, 2, 6-10; San 5:11—Nagpakita ng awa si Jehova kay Job at tinuruan siyang maging maawain din
-
Luc 15:11-32—Ipinakita ni Jesus ang awa ni Jehova nang ilarawan niya kung paano tinrato ng isang ama ang rebelyoso nitong anak na nagsisi
-
Bakit tayo pinagpapakitaan ng awa ni Jehova?
Tingnan din ang Tit 3:4, 5
Bakit mahalaga ang sakripisyo ni Kristo para mapatawad ang mga kasalanan natin?
Bakit dapat tayong humiling ng awa kay Jehova at huwag itong bale-walain?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Aw 51:1-4—Sising-sisi si Haring David sa mga nagawa niyang kasalanan, at mapagpakumbaba niyang hiniling na maawa sa kaniya si Jehova
-
Luc 18:9-14—Gumamit si Jesus ng ilustrasyon para idiin na nagpapakita ng awa si Jehova sa mga mapagpakumbaba na umaamin sa pagkakamali nila
-
Bakit makakatiyak ang mga nakagawa ng malulubhang kasalanan na pagpapakitaan sila ng awa?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
2Cr 33:9-13, 15—Napakasamang hari ni Manases pero nagsisi siya at nagmakaawa kay Jehova; naging hari ulit siya at pinatunayan niya sa gawa na talagang nagbago na siya
-
Jon 3:4-10—Mararahas ang mga Ninevita at marami silang pinatay, pero nagsisi sila at pinagpakitaan sila ng awa ng Diyos
-
Bakit mahalaga na ipagtapat ang mga kasalanan natin at magbago para tumanggap ng awa ni Jehova?
Kapag pinagpakitaan tayo ng awa ni Jehova, hindi ibig sabihin na ligtas na tayo sa parusa o sa resulta ng pagkakamali natin
Bakit dapat tayong maging maawain?
Kung hindi tayo nagpapakita ng awa, ano ang puwedeng maging epekto nito sa kaugnayan natin kay Jehova?
Tingnan din ang Kaw 21:13
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Mat 18:23-35—Sa isang ilustrasyon, ipinakita ni Jesus na ang taong hindi nagpapakita ng awa ay hindi rin kakaawaan ni Jehova
-
Luc 10:29-37—Ipinapakita ng isang ilustrasyon na hindi natutuwa si Jehova at si Jesus sa mga hindi nagpapakita ng awa, pero nalulugod sila sa mga maawaing gaya ng Samaritano
-
Paano pinapakitunguhan ni Jehova ang mga maawain?