Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ina

Ina

Ano ang mga responsibilidad ng isang ina?

Kaw 31:​17, 21, 26, 27; Tit 2:4

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 21:​8-12—Nang mapansin ni Sara na nilalait ni Ismael ang anak niyang si Isaac, sinabi niya kay Abraham na protektahan ang anak niya

    • 1Ha 1:​11-21—Nang malaman ni Bat-sheba na may gustong mang-agaw ng trono ng hari at nanganganib ang buhay ng anak niyang si Solomon, nakiusap siya kay Haring David na mamagitan

Bakit dapat nating sundin at parangalan ang ating nanay?

Exo 20:12; Deu 5:16; 27:16; Kaw 1:8; 6:​20-22; 23:22

Tingnan din ang 1Ti 5:​9, 10

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Pe 3:​5, 6—Ipinaliwanag ni apostol Pedro na si Sara ay naging gaya ng ina sa marami dahil sa matibay nitong pananampalataya

    • Kaw 31:​1, 15, 21, 28—May magagandang payo ang ina ni Haring Lemuel sa kaniya tungkol sa pag-aasawa at sa mahalagang papel ng asawang babae at ina

    • 2Ti 1:5; 3:15—Pinuri ni apostol Pablo si Eunice dahil itinuro niya ang Kasulatan sa anak niyang si Timoteo mula pa noong sanggol ito kahit hindi mánanampalatayá ang asawa niya