Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Interfaith

Interfaith

Iisang Diyos lang ba ang sinasamba ng lahat ng relihiyon?

Katanggap-tanggap ba kay Jehova ang lahat ng relihiyon, kahit magkakaiba ang itinuturo nila?

Mat 7:​13, 14; Ju 17:3; Efe 4:​4-6

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Jos 24:15—Sinabi ni Josue na dapat tayong pumili kung sino ang paglilingkuran natin, kung si Jehova o ang ibang mga diyos

    • 1Ha 18:​19-40—Sa pamamagitan ni propeta Elias, ipinakita ni Jehova na ang mga sumasamba sa tunay na Diyos ay hindi dapat sumamba sa ibang mga diyos, gaya ni Baal

Ano ang tingin ni Jehova sa mga diyos ng mga bansa at sa pagsamba sa kanila?

Ano ang nararamdaman ni Jehova sa pagsambang mukhang para sa kaniya pero hinahaluan ng mga gawaing ayaw niya?

Isa 1:​13-15; 1Co 10:​20-22; 2Co 6:​14, 15, 17

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Exo 32:​1-10—Napilit ng mga Israelita si Aaron na gumawa ng estatuwang guya; kahit sinabi nilang para ito sa “kapistahan para kay Jehova,” galit na galit si Jehova

    • 1Ha 12:​26-30—Para mapigilan ang bayan na pumunta sa templo sa Jerusalem, gumawa si Haring Jeroboam ng mga idolo at sinabing kumakatawan ito kay Jehova; dahil dito, nagkasala ang bayan

Ano ang itinuro ni Jehova sa mga Israelita tungkol sa pakikisama sa mga sumasamba sa ibang mga diyos?

Ano ang ginawa ni Jehova nang makibahagi ang bayan niya sa pagsamba sa ibang mga diyos?

Huk 10:​6, 7; Aw 106:​35-40; Jer 44:​2, 3

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 11:​1-9—Dahil sa mga asawang banyaga ni Haring Solomon, sumunod siya sa ibang mga diyos at ganiyan din ang ginawa ng bayan, kaya nagalit si Jehova

    • Aw 78:​40, 41, 55-62—Sinabi ni Asap na dahil sa pagrerebelde at idolatriya ng Israel, nasaktan si Jehova at itinakwil ang bayan

Sinusuportahan ba ni Jesus ang mga relihiyosong turo na hindi kaayon ng Salita ng Diyos?

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 16:​6, 12—Tinawag ni Jesus na lebadura ang turo ng mga Pariseo at mga Saduceo dahil gaya ng lebadura na nagpapaalsa sa buong masa, mabilis ding kumakalat ang mga maling turo at pinipilipit nito ang katotohanan sa Salita ng Diyos

    • Mat 23:​5-7, 23-33—Hinatulan ni Jesus ang pagkukunwari at maling turo ng mga eskriba at mga Pariseo

    • Mar 7:​5-9—Inilantad ni Jesus ang mga eskriba at mga Pariseo dahil mas iginagalang pa nila ang tradisyon ng mga tao kaysa sa Salita ng Diyos

Gusto ba ni Jesus na bumuo ang mga tagasunod niya ng magkakahiwalay na relihiyon?

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ju 15:​4, 5—Ginamit ni Jesus ang punong ubas para ipakitang ang mga tagasunod niya ay dapat manatiling kaisa niya at ng mga kapuwa nila Kristiyano

    • Ju 17:​1, 6, 11, 20-23—Kasama ni Jesus ang mga apostol noong gabi bago siya mamatay, at ipinanalangin niya na magkaisa ang lahat ng tunay na tagasunod niya

Pare-pareho ba ng paniniwala at paraan ng pagsamba kay Jehova ang iba’t ibang kongregasyon noong unang siglo?

Gaw 16:​4, 5; Ro 12:​4, 5

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gaw 11:​20-23, 25, 26—Nagkaisa at nagtulungan ang mga kongregasyon sa Antioquia at Jerusalem

    • Ro 15:​25, 26; 2Co 8:​1-7—Naging bukas-palad ang mga kongregasyon noong unang siglo at tinulungan nila ang mga nangangailangan; ipinapakita nito na pinagkakaisa ng pag-ibig ang mga kongregasyon

Katanggap-tanggap ba sa Diyos ang isang relihiyon, basta’t sinasabi nila na nananampalataya sila kay Kristo?

Kapag hindi sinusunod ng isang mananamba ang mga turo ni Kristo at ng mga apostol, katanggap-tanggap ba ang pagsamba niya?

Gaw 20:​29, 30; 1Ti 4:​1-3

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 13:​24-30, 36-43—Gumamit si Jesus ng isang ilustrasyon para ipakitang gaya ng panirang-damo na tumutubo sa bukid, maraming huwad na Kristiyano ang lilitaw at papasok sa kongregasyon

    • 1Ju 2:​18, 19—Sinabi ng may-edad nang si apostol Juan na marami nang antikristo ang lumitaw sa pagtatapos ng unang siglo

Ano ang mangyayari kapag kinunsinti sa loob ng kongregasyon ang mga huwad na turo at maling paggawi?

Ano ang dapat gawin ng mga Kristiyano para manatili silang nagkakaisa?

Bakit hindi dapat makibahagi ang mga Kristiyano sa huwad na pagsamba?

Bakit tama lang na ibunyag ang mga maling relihiyosong turo?

Bakit hindi na tayo dapat magtaka kapag sinasalansang tayo at pinag-uusig ng mga kabilang sa huwad na relihiyon?