Introduksiyon
Dinisenyo ang aklat na Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay para madali mong makita ang mga teksto at ulat sa Bibliya na makakatulong sa iyo na maharap ang mga problema. Puwede mo ring gamitin ito para mahanap ang mga tekstong makakapagpatibay sa iba at makakatulong sa kanila na gumawa ng desisyong magpapasaya kay Jehova. Piliin ang paksang gusto mo, at gamitin ang mga tanong at maiikling sumaryo ng mga ulat sa Bibliya. (Tingnan ang kahong “ Kung Paano Gagamitin ang Publikasyong Ito.”) Napakarami mong mahahanap na payo, patnubay, at pampatibay mula sa Salita ng Diyos. Makakakita ka rin ng mga hiyas na puwede mong sabihin sa iba—mga teksto na magpapagaan ng loob nila, makakatulong sa kanila kapag may problema, at gagabay at magpapatibay sa kanila.
Hindi nakalista sa publikasyong ito ang lahat ng teksto para sa isang paksa. Pero magandang pasimula ito sa pagre-research mo. (Kaw 2:1-6) Para mas mapalalim ang pag-aaral mo, gamitin ang mga marginal reference at study note ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Puwede mong gamitin ang Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova o ang Watch Tower Publications Index para mas maintindihan ang ibig sabihin ng isang teksto at kung paano ito isasabuhay. Gamitin ang mga pinakabagong reperensiya para matiyak mo na updated ang pagkaunawa mo sa mga katotohanan sa Bibliya.
Makatulong sana ang Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay para mahanap mo ang karunungan, kaalaman, at kaunawaan na nasa Banal na Kasulatan. Habang ginagamit mo ang publikasyong ito, magiging mas kumbinsido ka na “ang salita ng Diyos ay buháy at malakas.”—Heb 4:12.