Kahinahunan
Paano natin nalaman na mahinahon si Jehova?
Halimbawa sa Bibliya:
1Ha 19:12—Noong nag-aalala si propeta Elias, kinausap siya ni Jehova sa “kalmado at mahinang tinig”
Jon 3:10–4:11—Galit na nakipag-usap si Jonas kay Jehova, pero mahinahon siyang tinuruan ni Jehova tungkol sa awa
Paano natin maipapakita ang kahinahunan?
Kaw 15:1; Efe 4:1-3; Tit 3:2; San 3:13, 17; 1Pe 3:15
Halimbawa sa Bibliya:
Bil 11:26-29—Sinabi ni Josue sa propetang si Moises na pigilan ang mga lalaking gumagawing parang mga propeta, pero mahinahong sumagot si Moises
Huk 8:1-3—Naging mahinahon si Hukom Gideon kaya naging kalmado ang isang mainit na sitwasyon