Kapakumbabaan
Ano ang tingin ni Jehova sa mga mapagpakumbaba at sa mga mapagmataas?
Aw 138:6; Kaw 15:25; 16:18, 19; 22:4; 1Pe 5:5
Tingnan din ang Kaw 29:23; Isa 2:11, 12
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
2Cr 26:3-5, 16-21—Naging mapagmataas si Haring Uzias; nilabag niya ang Kautusan ng Diyos at nagalit nang payuhan siya; pinarusahan siya ng Diyos at nagkaketong
-
Luc 18:9-14—Gumamit si Jesus ng ilustrasyon para ipakita ang tingin ni Jehova sa panalangin ng mapagmataas at ng mapagpakumbaba
-
Paano sinasagot ni Jehova ang mga nagpapakumbaba at tunay na nagsisisi?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
2Cr 12:5-7—Nagpakumbaba sa harap ni Jehova si Haring Rehoboam at ang matataas na opisyal ng Juda, kaya hindi sila nalipol
-
2Cr 32:24-26—Naging mapagmataas ang mabuting haring si Hezekias, pero pinatawad siya ni Jehova nang magpakumbaba siya
-
Bakit mas gaganda ang kaugnayan natin sa iba kapag mapagpakumbaba tayo?
Efe 4:1, 2; Fil 2:3; Col 3:12, 13
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gen 33:3, 4—Galit na galit si Esau kay Jacob, pero talagang nagpakumbaba si Jacob nang salubungin niya ang kuya niya, kaya nagkaayos sila
-
Huk 8:1-3—Nagpakumbaba si Hukom Gideon at sinabi sa mga lalaki ng Efraim na mas marami silang nagawa kaysa sa kaniya, kaya naging kalmado sila at naiwasan ang pagtatalo
-
Paano itinuro ni Jesu-Kristo na mahalagang maging mapagpakumbaba?
Mat 18:1-5; 23:11, 12; Mar 10:41-45
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Isa 53:7; Fil 2:7, 8—Gaya ng inihula, mapagpakumbabang tinanggap ni Jesus ang atas niya sa lupa at handa pa nga siyang dumanas ng masakit at nakakahiyang kamatayan
-
Luc 14:7-11—Para ipakitang mahalagang maging mapagpakumbaba, gumamit si Jesus ng ilustrasyon tungkol sa pagpili ng pinakamagandang mauupuan sa isang handaan
-
Ju 13:3-17—Tinuruan ni Jesus ang mga tagasunod niya na maging mapagpakumbaba—hinugasan niya ang paa ng mga apostol niya, na gawain ng isang alipin
-
Kapag natutuhan nating tingnan ang sarili natin at ang iba ayon sa pananaw ni Jehova, paano iyan makakatulong sa atin na maging mapagpakumbaba?
Bakit walang halaga ang pagkukunwaring mapagpakumbaba?