Karunungan
Ano ang kailangan para magkaroon tayo ng tunay na karunungan?
Saan tayo makakakuha ng tunay na karunungan?
Angkop ba na humingi tayo ng karunungan sa Diyos?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
2Cr 1:8-12—Humingi si Haring Solomon ng karunungan para mapamahalaan niya nang tama ang Israel; nagustuhan ni Jehova ang hiling niya kaya ibinigay Niya ito
-
Kaw 2:1-5—Itinulad ang karunungan at kaunawaan sa nakatagong kayamanan na sulit hanapin; pinagpapala ni Jehova ang mga nagsisikap na makita ito
-
Paano tayo binibigyan ni Jehova ng karunungan?
Isa 11:2; 1Co 1:24, 30; 2:13; Efe 1:17; Col 2:2, 3
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Kaw 8:1-3, 22-31—Inilarawan na gaya ng isang tao ang karunungan; eksaktong-eksakto ang paglalarawang iyan sa Anak ng Diyos, ang panganay sa lahat ng nilalang
-
Mat 13:51-54—Takang-taka ang maraming tagapakinig ni Jesus kung paano siya nagkaroon ng napakalalim na karunungan, samantalang nakita nila kung paano siya lumaki
-
Paano natin maipapakita na mayroon tayong karunungan mula sa Diyos?
Aw 111:10; Ec 8:1; San 3:13-17
Tingnan din ang Aw 107:43; Kaw 1:1-5
Paano tayo ginagabayan at pinoprotektahan ng karunungan?
Kaw 2:10-13; 3:21-23; 4:5-7
Tingnan din ang Kaw 7:2-5; Ec 7:12
Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng karunungan mula sa Diyos?
Tingnan din ang Job 28:18
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Job 28:12, 15-19—Kahit noong nagdadalamhati at nagdurusa si Job, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa karunungan mula sa Diyos
-
Aw 19:7-9—Sinabi ni Haring David na dahil sa kautusan at paalaala ni Jehova, puwedeng maging marunong ang isang tao kahit wala siyang karanasan
-
Bakit puwede tayong mapahamak dahil sa karunungan ng sanlibutan, na bumabale-wala sa Diyos?
1Co 1:19, 20; 3:19; Col 2:8; 1Ti 6:20
Tingnan din ang Ec 12:11, 12; Ro 1:22, 23