Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Katayuan sa Lipunan

Katayuan sa Lipunan

Nagiging mataas ba ang tingin ng Diyos sa isang tao dahil sa kaniyang lahi, pamilyang pinagmulan, o estado sa buhay?

Gaw 17:​26, 27; Ro 3:​23-27; Gal 2:6; 3:28

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ju 8:​31-40—Ipinagmamalaki ng ilang Judio na ninuno nila si Abraham, pero itinuwid sila ni Jesus kasi hindi naman nila tinutularan si Abraham

Tama bang maliitin ang iba dahil sa lahi nila o bansang pinagmulan?

Ju 3:16; Ro 2:11

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Jon 4:​1-11—Matiyagang tinuruan ni Jehova si propeta Jonas na magpakita ng awa sa mga Ninevita, mga taong iba ang pinagmulan

    • Gaw 10:​1-8, 24-29, 34, 35—Natutuhan ni apostol Pedro na hindi niya dapat ituring na marumi ang mga Gentil; sa tulong niya, si Cornelio at ang sambahayan nito ang naging unang mga di-tuling Gentil na Kristiyano

Tama bang isipin ng isang mayamang Kristiyano na mas mataas siya sa iba o na dapat siyang ituring na espesyal?

Tama bang maramdaman ng isang tagapangasiwa na mas mataas siya sa iba at na puwede siyang mag-astang panginoon?

2Co 1:24; 1Pe 5:​2, 3

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Deu 17:​18-20—Nagbabala si Jehova na hindi dapat isipin ng isang hari ng Israel na mas mataas siya sa ibang Israelita, kasi para sa Diyos, magkakapatid sila

    • Mar 10:​35-45—Itinuwid ni Jesus ang mga apostol niya dahil masyadong mahalaga sa kanila ang pagkakaroon ng mataas na posisyon. (Tingnan din ang study note sa Mar 10:​42, “nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila”)

Paano makukuha ng isang tao ang pagsang-ayon ng Diyos?

Dapat bang sumali ang mga Kristiyano sa mga kilos-protesta?

Efe 6:​5-9; 1Ti 6:​1, 2

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ju 6:​14, 15—Iniisip ng mga tao na maraming magagawa si Jesus para sa lipunan, pero tumanggi siya na maging hari nila