Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pag-aalay

Pag-aalay

Ano ang dapat na motibo natin sa pag-aalay ng ating sarili sa Diyos na Jehova?

Kung gusto nating paglingkuran ang Diyos, ano ang dapat na pananaw natin sa Bibliya?

Ano ang dapat nating maintindihan tungkol sa pagtulong ng Diyos sa atin na mapalaya mula sa kasalanan?

Ano ang kailangan nating gawin para maipakitang nagsisisi tayo sa masasamang nagawa natin noon?

Gaw 3:19; 26:20

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 19:​1-10—Pinagsisihan ni Zaqueo, isang pinuno ng mga maniningil ng buwis, ang pangingikil niya noon at isinauli ang perang kinuha niya sa mga tao

    • 1Ti 1:​12-16—Sinabi ni apostol Pablo na dati siyang makasalanan at pinatawad siya dahil sa awa ng Diyos at ni Kristo

Bukod sa paghinto sa paggawa ng masama, ano pa ang dapat nating gawin?

Anong mga pamantayan ang dapat nating sundin para maging katanggap-tanggap ang paglilingkod natin sa Diyos?

1Co 6:​9-11; Col 3:​5-9; 1Pe 1:​14, 15; 4:​3, 4

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Co 5:​1-13—Sinabi ni apostol Pablo sa kongregasyon sa Corinto na itiwalag ang nagkasala ng imoralidad

    • 2Ti 2:​16-19—Sinabi ni apostol Pablo kay Timoteo na huwag makinig sa sinasabi ng mga apostata, na kumakalat na tulad ng ganggrena

Bakit hindi natin dapat suportahan ang mga gobyerno ng mundong ito?

Isa 2:​3, 4; Ju 15:19

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ju 6:​10-15—Matapos makahimalang magpakain si Jesus ng maraming tao, gusto nila siyang gawing hari pero umalis siya

    • Ju 18:​33-36—Sinabi ni Jesus na walang kinalaman ang Kaharian niya sa politika ng mundong ito

Paano nakakatulong sa atin ang banal na espiritu para makapaglingkod sa Diyos?

Ju 16:13; Gal 5:​22, 23

Tingnan din ang Gaw 20:28; Efe 5:18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gaw 15:​28, 29—Sa tulong ng banal na espiritu, nakagawa ng mahalagang desisyon tungkol sa pagtutuli ang lupong tagapamahala sa Jerusalem

Ano ang dapat nating gawin para matularan ang paglilingkod ni Jesu-Kristo sa Diyos?

Bakit kailangang magpabautismo ng mga nakaalay na Kristiyano?

Mat 28:​19, 20; Gaw 2:​40, 41; 8:12; 1Pe 3:21

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 3:​13-17—Para maipakita ni Jesus na gusto niyang gawin ang kalooban ng kaniyang Ama, nagpabautismo siya

    • Gaw 8:​26-39—Isang opisyal na Etiope, na sumasamba na kay Jehova, ang gusto nang magpabautismo matapos niyang marinig ang katotohanan tungkol kay Jesu-Kristo