Pagiging Single
Bakit masasabing regalo ang pagiging single?
Bakit hindi dapat piliting mag-asawa ang isang kapatid na single?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Ro 14:10-12—Ipinaliwanag ni apostol Pablo kung bakit maling hatulan ang isang kapatid
-
1Co 9:3-5—Puwedeng mag-asawa si apostol Pablo pero hindi niya iyon ginawa, kaya naman nakapagpokus siya sa ministeryo niya
-
Dapat bang isipin ng isang kapatid na single na kailangan niyang mag-asawa para maging masaya?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Huk 11:30-40—Hindi na nag-asawa ang anak na babae ni Jepte pero masaya pa rin siya
-
Gaw 20:35—Ipinakita ng mga sinabi ni Kristo na kahit wala siyang asawa, masaya pa rin siya dahil sa mga ginawa niya para sa iba
-
1Te 1:2-9; 2:12—Kahit walang asawa, sinabi ni apostol Pablo na masaya siya sa kaniyang ministeryo dahil marami siyang natulungan na makilala si Jehova
-
Gaya ng lahat ng lingkod ng Diyos, bakit dapat manatiling malinis sa moral ang mga kapatid na single?
1Co 6:18; Gal 5:19-21; Efe 5:3, 4
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Kaw 7:7-23—Inilarawan ni Haring Solomon ang masamang nangyari sa isang kabataang lalaki na nagpadala sa pang-aakit ng isang imoral na babae
-
Sol 4:12; 8:8-10—Dahil malinis sa moral ang babaeng Shulamita, pinapurihan siya
-
Kailan magandang pag-isipan ng isang single ang tungkol sa pag-aasawa?
Tingnan din ang 1Te 4:4, 5