Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagkadismaya

Pagkadismaya

Pagkadismaya kapag binigo tayo ng iba, sinaktan, o tinraidor

Aw 55:​12-14; Luc 22:​21, 48

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 8:​1-6—Nasaktan at nadismaya si propeta Samuel nang ipilit ng mga Israelita na bigyan sila ng hari

    • 1Sa 20:​30-34—Nasaktan at napahiya si Jonatan nang magalit sa kaniya ang tatay niyang si Haring Saul

  • Tekstong nakakapagpatibay:

  • Ulat na nakakapagpatibay:

    • Aw 55:​12-14, 16-18, 22—Nang traidurin si Haring David ng matalik niyang kaibigang si Ahitopel, inihagis niya kay Jehova ang pasanin niya at napanatag siya

    • 2Ti 4:​16-18—Noong nililitis si apostol Pablo, pinabayaan siya ng mga tao, pero humugot siya ng lakas kay Jehova at sa pag-asang ibinibigay Niya

Pagkadismaya sa sarili nating kahinaan at kasalanan

Job 14:4; Ro 3:23; 5:12

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Aw 51:​1-5—Hirap na hirap ang kalooban ni Haring David dahil sa mga kasalanan niya kay Jehova

    • Ro 7:​19-24—Para kay apostol Pablo, miserableng tao siya kasi kailangan niyang paglabanan lagi ang mga kahinaan niya

  • Tekstong nakakapagpatibay:

  • Ulat na nakakapagpatibay:

    • 1Ha 9:​2-5—Kahit nakagawa ng malulubhang kasalanan si Haring David, itinuring pa rin siyang tapat ni Jehova

    • 1Ti 1:​12-16—Sa kabila ng malulubhang kasalanan ni apostol Pablo noon, sigurado siyang pagpapakitaan siya ng awa