Pagsamba
Kanino lang tayo dapat sumamba?
Exo 34:14; Deu 5:8-10; Isa 42:8
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Mat 4:8-10—Inialok ni Satanas kay Jesus ang lahat ng kaharian sa mundo basta sambahin lang siya ni Jesus nang kahit isang beses; tinanggihan iyon ni Jesus dahil determinado siyang si Jehova lang ang sasambahin niya
-
Apo 19:9, 10—Ayaw ng isang makapangyarihang anghel na sambahin siya ni apostol Juan
-
Anong pagsamba ang gusto ni Jehova?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Isa 1:10-17—Hindi katanggap-tanggap kay Jehova ang mapagkunwaring pagsamba ng mga taong ayaw sumunod sa mga pamantayan niya
-
Mat 15:1-11—Ipinakita ni Jesus na ayaw ni Jehova ng pagsamba na nakabase sa tradisyon ng tao imbes na sa mga utos ng Diyos
-
Hangga’t posible, bakit dapat nating sambahin si Jehova kasama ng mga kapatid?
Tingnan din ang Aw 133:1-3
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gaw 2:40-42—Noong unang siglo, nagtitipon ang mga Kristiyano para manalangin, makipagsamahan sa mga kapatid, at mag-aral ng Salita ng Diyos
-
1Co 14:26-40—Sinabi ni apostol Pablo na dapat na maging maayos at nakakapagpatibay ang mga pagtitipon ng kongregasyon para matutuhan at maintindihan ng lahat ang mga itinuturo
-
Ano ang dapat nating gawin para maging katanggap-tanggap ang pagsamba natin kay Jehova?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Heb 11:6—Sinabi ni apostol Pablo na kailangan ang pananampalataya kung gusto nating maging katanggap-tanggap ang pagsamba natin kay Jehova
-
San 2:14-17, 24-26—Sinabi ni Santiago, kapatid sa ina ni Jesus, na kailangang may kasamang gawa ang pananampalataya natin; napapakilos tayo ng pananampalataya natin
-