Pagtanda; May-edad
Ano ang nangyayari kapag nagkakaedad tayo?
Tingnan din ang “Kaaliwan—Limitasyon dahil sa pagkakasakit o pagtanda”
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Ec 12:1-8—Sa makatang pananalita, inilarawan ni Haring Solomon ang nararanasan ng mga nagkakaedad, gaya ng lumalabong paningin (“nadidiliman ang mga babaeng nakatanaw sa mga bintana”) at humihinang pandinig (“humina na ang awit ng mga babae”)
-
Puwede pa rin bang maging masaya ang mga may-edad kahit may mga hamon at limitasyon sa kanilang pagtanda?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
1Sa 12:2, 23—Alam ng may-edad nang si propeta Samuel na kailangan niyang patuloy na manalangin para sa bayan ni Jehova
-
2Sa 19:31-39—Pinahalagahan ni Haring David ang tapat na pagsuporta sa kaniya ng may-edad nang si Barzilai, at mapagpakumbabang inamin ni Barzilai na hindi na niya kayang gawin ang ipinapagawa ng hari
-
Aw 71:9, 18—Natakot si Haring David na hindi na siya mapakinabangan dahil sa edad niya; nakiusap siya kay Jehova na huwag siyang itakwil, kundi palakasin siya para masabi sa susunod na henerasyon ang tungkol sa Kaniya
-
Luc 2:36-38—Ang propetisang si Ana, isang may-edad na biyuda, ay pinagpala dahil sa kaniyang debosyon at tapat na paglilingkod
-
Paano tinitiyak ni Jehova sa mga may-edad na mahalaga sila sa kaniya?
Aw 92:12-14; Kaw 16:31; 20:29; Isa 46:4; Tit 2:2-5
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gen 12:1-4—Sa edad na 75, tumanggap si Abraham ng isang atas mula kay Jehova na bumago sa buhay niya
-
Dan 10:11, 19; 12:13—Mahigit 90 taóng gulang na si propeta Daniel nang dalawin siya ng isang anghel para tiyaking mahalaga siya kay Jehova at pagpapalain ang katapatan niya
-
Luc 1:5-13—Pinagpala ni Jehova ang may-edad nang sina Zacarias at Elisabet nang makahimala silang magkaanak ng isang lalaki, na pinangalanang Juan
-
Luc 2:25-35—Binigyan ni Jehova ang may-edad nang si Simeon ng pribilehiyong makita ang sanggol na magiging Mesiyas; humula si Simeon tungkol sa sanggol
-
Gaw 7:23, 30-36—Ang propetang si Moises ay 80 taóng gulang na nang ipagkatiwala ni Jehova sa kaniya ang pangunguna sa bayang Israel
-
Paano dapat tratuhin ang mga tapat na may-edad?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gen 45:9-11; 47:12—Ipinasundo ni Jose ang may-edad niyang ama na si Jacob at pinaglaanan ito habang nabubuhay ito
-
Ru 1:14-17; 2:2, 17, 18, 23—Ipinakita ni Ruth sa salita at gawa na mahal niya ang may-edad nang si Noemi
-
Ju 19:26, 27—Habang naghihingalo sa pahirapang tulos, inihabilin ni Jesus ang kaniyang ina kay apostol Juan
-
Anong mga praktikal na tulong ang maibibigay ng mga Kristiyano sa mga may-edad sa kongregasyon?