Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pampatibay

Pampatibay

Bakit mahalagang magpatibayan ang mga lingkod ng Diyos?

Isa 35:​3, 4; Col 3:16; 1Te 5:11; Heb 3:13

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 32:​2-8—Nang mapaharap sa malaking panganib ang bayan, pinatibay sila ni Haring Hezekias

    • Dan 10:​2, 8-11, 18, 19—Pinatibay at pinalakas ng isang anghel si propeta Daniel noong matanda na siya at nanghihina

Bakit inaasahan ni Jehova na papatibayin ng mga elder ang iba?

Isa 32:​1, 2; 1Pe 5:​1-3

Tingnan din ang Mat 11:​28-30

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Deu 3:28; 31:​7, 8—Sinunod ng propetang si Moises ang utos ni Jehova na patibayin at palakasin si Josue, na papalit sa kaniya

    • Gaw 11:​22-26; 14:22—Noong may pag-uusig, pinatibay ng mga apostol na sina Pablo at Bernabe ang mga Kristiyano sa Antioquia

Bakit mahalaga ang komendasyon kapag pinapatibay natin ang mga kapatid?

Kaw 31:​28, 29; 1Co 11:2

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Huk 11:​37-40—Taon-taon, dinadalaw ng mga babae ng Israel ang anak ni Hukom Jepte para purihin siya sa mga sakripisyo niya

    • Apo 2:​1-4—Kahit itinuwid ni Jesus ang mga Kristiyano sa Efeso, sinabi rin niya ang mabubuting ginagawa nila

Paano natin mapapatibay ang ating mga kapatid?

Kaw 15:23; Efe 4:29; Fil 1:​13, 14; Col 4:6; 1Te 5:14

Tingnan din ang 2Co 7:​13, 15, 16

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 23:​16-18—Alam ni Jonatan na pinanghihinaan ng loob si David, kaya pinuntahan niya ito para patibayin

    • Ju 16:33—Pinatibay ni Jesus ang mga tagasunod niya—ipinaalala niya sa kanila na dinaig niya ang sanlibutan at tiniyak niyang kaya rin nila iyon

    • Gaw 28:​14-16—Habang papunta sa Roma para sa paglilitis, lumakas ang loob ni apostol Pablo nang makita niya ang mga kapatid na naglakbay para salubungin siya at patibayin

Bakit dapat nating igalang ang iba at iwasang maging mapagreklamo?

Fil 2:​14-16; Jud 16-19

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Bil 11:​10-15—Nasiraan ng loob ang propetang si Moises dahil sa pagiging negatibo at masuwayin ng bayan

    • Bil 13:​31, 32; 14:​2-6—Dahil sa pagiging negatibo ng 10 espiyang walang pananampalataya, pinanghinaan ng loob ang bayan at nagrebelde sila

Bakit mapapatibay tayo sa pakikipagsamahan sa mga kapatid?

Kaw 27:17; Ro 1:​11, 12; Heb 10:​24, 25; 12:12

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 20:​1-19—Nang salakayin ng isang malaking hukbo ang Juda, tinipon ni Haring Jehosapat ang bayan para manalangin

    • Gaw 12:​1-5, 12-17—Matapos patayin si apostol Santiago at makulong si apostol Pedro, nagtipon para manalangin ang kongregasyon sa Jerusalem

Paano makakatulong ang positibong pananaw para makapagtiis tayo sa mahihirap na sitwasyon?

Gaw 5:​40, 41; Ro 8:​35-39; 1Co 4:​11-13; 2Co 4:​16-18; 1Pe 1:​6, 7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 39:​19-23; 40:​1-8—Kahit nabilanggo si Jose nang walang kasalanan, nanatili siyang tapat at gusto pa ring makatulong sa iba

    • 2Ha 6:​15-17—Nagpakita ng lakas ng loob si propeta Eliseo kahit nanganganib ang buhay niya, at ipinanalangin niyang huwag ding matakot ang tagapaglingkod niya

Pampatibay mula sa Salita ni Jehova

Ano ang tinitiyak sa atin ni Jehova?

Paano tayo mapapatibay kapag pinag-iisipan natin ang pagtitiis at awa ni Jehova?

Paano nagbibigay ng tulong si Jehova sa mga nanghihina?

Aw 46:1; Isa 12:2; 40:​29-31; Fil 4:13

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 1:​10, 11, 17, 18—Pinakinggan ni Jehova ang panalangin ni Hana at tinulungan siyang maging panatag noong napakalungkot niya

    • 1Ha 19:​1-19—Noong nanghihina si propeta Elias, binigyan siya ni Jehova ng pagkain at maiinom. Para patibayin siya, tiniyak ni Jehova sa kaniya na bubuti ang kalagayan

Paano tayo napapatibay ng mga pangakong nasa Bibliya?

2Cr 15:7; Aw 27:​13, 14; Heb 6:​17-19; 12:2

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Job 14:​1, 2, 7-9, 13-15—Kahit noong hinang-hina si Job, napatibay siya ng pag-asa na bubuhayin siyang muli

    • Dan 12:13—Noong mga 100 taon na si propeta Daniel, napatibay siya nang sabihin ng anghel ang tungkol sa pag-asa niya

Bakit mapapatibay tayo ng pananalangin kay Jehova at pagbubulay-bulay tungkol sa kaniya?

Aw 18:6; 56:​4, 11; Heb 13:6

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 30:​1-9—Noong nasa mahirap na sitwasyon si Haring David, umasa siya kay Jehova at napatibay

    • Luc 22:​39-43—Sa harap ng pinakamatinding pagsubok, marubdob na nanalangin si Jesus; para patibayin siya, nagsugo si Jehova ng anghel

Paano tayo mapapatibay ng magagandang karanasan ng mga kapatid at ng pagkukuwento nito sa iba?

Kaw 15:30; 25:25; Isa 52:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gaw 15:​2-4—Talagang napatibay ang mga kongregasyon nang dalawin sila ng mga apostol na sina Pablo at Bernabe

    • 3Ju 1-4—Talagang napatibay ang may-edad nang si apostol Juan nang mabalitaan niyang nananatiling tapat ang mga pinangaralan niya ng mabuting balita