Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pananampalataya

Pananampalataya

Paano natin nalaman na napakahalaga kay Jehova ng pananampalataya?

Ju 3:​16, 18; Gal 3:​8, 9, 11; Efe 6:16; Heb 11:6

Tingnan din ang 2Co 5:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Heb 11:1–12:3—Ipinaliwanag ni apostol Pablo kung ano ang pananampalataya at nagbigay siya ng maraming halimbawa nito, mula kay Abel hanggang kay Jesu-Kristo

    • San 2:​18-24—Ginamit ni Santiago ang halimbawa ni Abraham para ipakitang dapat na may kasamang gawa ang pananampalataya natin

Paano natin mapapatibay ang ating pananampalataya?

Ro 10:​9, 10, 17; 1Co 16:13; San 2:17

Tingnan din ang Heb 3:​12-14

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 20:​1-6, 12, 13, 20-23—Nang sumalakay ang mga kaaway, sinabi ni Haring Jehosapat na magtatagumpay ang bayan ng Diyos kung magtitiwala sila kay Jehova at sa Kaniyang mga propeta

    • 1Ha 18:​41-46—May pananampalataya si propeta Elias kaya matiyaga siyang naghintay sa katuparan ng pangako ni Jehova na tatapusin Niya ang tagtuyot