Pangangaral ng Mabuting Balita
Bakit ipinapakipag-usap ng mga tunay na Kristiyano sa iba ang mga paniniwala nila?
Gaano kahalaga kay Jesus ang pangangaral ng mabuting balita?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Luc 4:42-44—Sinabi ni Jesus na isinugo siya sa lupa para mangaral
-
Ju 4:31-34—Sinabi ni Jesus na ang pangangaral ng mabuting balita ay parang pagkain para sa kaniya
-
Ang mga lalaki lang bang nangunguna sa kongregasyon ang may responsibilidad na mangaral?
Aw 68:11; 148:12, 13; Gaw 2:17, 18
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
2Ha 5:1-4, 13, 14, 17—Sinabi ng isang batang babaeng Israelita sa asawa ni Naaman ang tungkol sa propeta ni Jehova na si Eliseo
-
Mat 21:15, 16—Noong pinupuri ng mga batang lalaki si Jesus, nagalit ang mga punong saserdote at eskriba, pero itinuwid sila ni Jesus
-
Paano matuturuan ng mga Kristiyanong tagapangasiwa ang mga kapatid pagdating sa pangangaral?
Paano tayo tinutulungan ni Jehova at ni Jesus sa pangangaral natin?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gaw 16:12, 22-24; 1Te 2:1, 2—Pinagmalupitan si apostol Pablo at ang mga kasama niya, pero lakas-loob pa rin silang nangaral sa tulong ng Diyos
-
2Co 12:7-9—May “tinik sa laman” si apostol Pablo, na posibleng problema sa kalusugan, pero binigyan siya ni Jehova ng lakas para patuloy na mangaral
-
Sino o ano ang nagbibigay ng karapatan sa isang Kristiyano na mangaral?
Paano natin nalamang gusto ni Jehova na sanayin natin ang iba na mangaral at magturo?
Mar 1:17; Luc 8:1; Efe 4:11, 12
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Isa 50:4, 5—Bago pumunta sa lupa ang Mesiyas, tumanggap siya ng pagsasanay mula sa Diyos na Jehova
-
Mat 10:5-7—Habang nasa lupa si Jesus, matiyaga niyang sinanay ang mga alagad niya na mangaral
-
Ano ang dapat nating maging pananaw sa atas nating mangaral ng mabuting balita?
Ano ang epekto sa atin ng pakikibahagi sa gawaing pangangaral?
Anong mga bagay ang ipinapangaral natin?
Mat 24:14; 28:19, 20; Gaw 26:20; Apo 14:6, 7
Tingnan din ang Isa 12:4, 5; 61:1, 2
Bakit ibinubunyag ng mga Kristiyano ang mga maling turo?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Mar 12:18-27—Ginamit ni Jesus ang Kasulatan para patunayang mali ang paniniwala ng mga Saduceo tungkol sa pagkabuhay-muli
-
Gaw 17:16, 17, 29, 30—Nakipagkatuwiranan si apostol Pablo sa mga taga-Atenas para ipakitang mali ang idolatriya
-
Paano natin ginagawa ang pangangaral?
Bakit tayo nangangaral sa mga pampublikong lugar?
Ju 18:20; Gaw 16:13; 17:17; 18:4
Tingnan din ang Kaw 1:20, 21
Bakit kailangan natin ng pagtitiis at determinasyon sa ating ministeryo?
Ano ang epekto sa mga interesado ng pangangaral natin?
Bakit dapat na lagi tayong handang magpatotoo sa bawat pagkakataon?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Ju 4:6, 7, 13, 14—Kahit pagod, sinabi pa rin ni Jesus ang mabuting balita sa Samaritana na sumasalok ng tubig sa balon
-
Fil 1:12-14—Kahit noong nakakulong si apostol Pablo, sinamantala niya ang bawat pagkakataon para magpatotoo at patibayin ang iba
-
Dapat ba nating asahan na makikinig ang lahat sa mensahe natin?
Ju 10:25, 26; 15:18-20; Gaw 28:23-28
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Jer 7:23-26—Sa pamamagitan ni Jeremias, sinabi ni Jehova na paulit-ulit na tumangging makinig ang bayan sa mga propeta Niya
-
Mat 13:10-16—Sinabi ni Jesus na gaya noong panahon ni Isaias, marami ang makakarinig ng mensahe pero hindi tutugon
-
Bakit hindi na tayo nagtataka na sobrang abala ang mga tao para makinig?
Paano natin nalaman na may ilang makikinig at tutugon sa umpisa pero hindi magpapatuloy?
Bakit hindi na tayo dapat magtaka kapag inuusig tayo dahil sa pangangaral natin?
Ano ang dapat nating gawin kapag gusto tayong pahintuin ng iba na mangaral?
Bakit sigurado tayong may mga tutugon sa mabuting balita?
Ano ang mabigat na pananagutan sa Diyos ng mga mángangarál?
Gaw 20:26, 27; 1Co 9:16, 17; 1Ti 4:16
Tingnan din ang Eze 33:8
Bakit dapat tayong mangaral sa lahat ng tao anuman ang relihiyon, lahi, o nasyonalidad nila?
Mat 24:14; Gaw 10:34, 35; Apo 14:6
Tingnan din ang Aw 49:1, 2
Puwede bang mangaral anumang araw ng linggo, kahit araw ng Sabbath?
Bakit dapat lang na mangaral tayo sa lahat, kahit may Bibliya na sila at may sarili nang relihiyon?