Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Payo

Payo

Pagtanggap ng payo

Bakit dapat tayong kumuha ng payo mula sa Bibliya?

Bakit mas mabuting makinig sa payo kaysa ipagmatuwid ang sarili?

Kaw 12:15; 29:1

Tingnan din ang Kaw 1:​23-31; 15:31

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 15:​3, 9-23—Nang payuhan ni propeta Samuel si Saul, ipinagmatuwid ng hari ang sarili niya at itinakwil ang payo, kaya itinakwil din siya ni Jehova

    • 2Cr 25:​14-16, 27—Pagkatapos magkasala ni Haring Amazias, hindi siya nakinig sa payo ng propeta ni Jehova, kaya naiwala niya ang pagsang-ayon at proteksiyon ni Jehova

Bakit dapat nating igalang ang mga tagapangasiwang nagbibigay ng payo?

1Te 5:12; 1Ti 5:17; Heb 13:​7, 17

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 3Ju 9, 10—Hinatulan ng may-edad na si apostol Juan si Diotrepes dahil hindi nito iginalang ang mga nangunguna sa kongregasyon

Bakit dapat tayong makinig sa mga may-edad?

Lev 19:32; Kaw 16:31

Tingnan din ang Job 12:12; 32:7; Tit 2:​3-5

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 23:​16-18—Nakinig si Haring David sa payo ni Jonatan na mga 30 taon ang tanda sa kaniya, at napatibay siya

    • 1Ha 12:​1-17—Imbes na pakinggan ang makatuwirang payo ng matatandang lalaki, nakinig si Haring Rehoboam sa malupit na payo ng mga nakababatang lalaki, at nauwi iyon sa kapahamakan

Bakit natin masasabing makakapagbigay rin ng magandang payo ang mga tapat na babae at mga nakababatang lingkod ni Jehova?

Job 32:​6, 9, 10; Kaw 31:​1, 10, 26; Ec 4:13

Tingnan din ang Aw 119:100

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 25:​14-35—Dahil sa ibinigay na payo ni Abigail kay Haring David, marami ang naligtas at naiwasan ni David na magkasala ng pagpatay

    • 2Sa 20:​15-22—Dahil sa payo ng marunong na babae sa lunsod ng Abel, naligtas ang buong lunsod

    • 2Ha 5:​1-14—Sinabi ng batang babaeng Israelita sa isang magiting na mandirigma kung paano gagaling ang ketong nito

Bakit hindi tayo dapat makinig sa payo ng mga hindi kumikilala kay Jehova o sa kaniyang Salita?

Aw 1:1; Kaw 4:14

Tingnan din ang Luc 6:39

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Cr 10:​13, 14—Sumangguni si Haring Saul sa isang espiritista sa halip na kay Jehova; namatay siya dahil hindi siya naging tapat

    • 2Cr 22:​2-5, 9—Dahil nakinig si Haring Ahazias sa di-mabubuting tagapayo, namatay siya

    • Job 21:​7, 14-16—Ayaw tularan ni Job ang kaisipan ng mga hindi kumikilala kay Jehova

Pagbibigay ng payo

Bakit magandang makinig sa magkabilang panig at alamin muna ang lahat ng impormasyon bago magpayo?

Kaw 18:​13, 17

Tingnan din ang Kaw 25:8

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 1:​9-16—Inakala ng mataas na saserdoteng si Eli na lasing si Hana, kaya pinagsabihan niya agad ito bago alamin ang talagang nangyari

    • Mat 16:​21-23—Dahil hindi alam ni apostol Pedro ang buong sitwasyon, sinabi niya kay Jesus na gawin ang isang bagay na gusto ni Satanas, sa halip na ang gusto ni Jehova

Bakit magandang manalangin at hingin ang patnubay ni Jehova bago magpayo?

Aw 32:8; 73:​23, 24; Kaw 3:​5, 6

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Exo 3:​13-18—Tinanong ng propetang si Moises kay Jehova kung ano ang isasagot niya sa mga posibleng itanong ng mga Israelita

    • 1Ha 3:​5-12—Humiling ang kabataang si Haring Solomon ng karunungan kay Jehova imbes na magtiwala sa sarili niya kaya pinagpala siya ni Jehova

Bakit dapat na laging mula sa Bibliya ang ipapayo natin?

Aw 119:​24, 105; Kaw 19:21; 2Ti 3:​16, 17

Tingnan din ang Deu 17:​18-20

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 4:​1-11—Nang sagutin ni Jesus ang mga tukso ni Satanas, hindi siya umasa sa sarili niyang karunungan, kundi sa Salita ng Diyos

    • Ju 12:​49, 50—Ibinase ni Jesus ang mga turo niya sa mga itinuro sa kaniya ng kaniyang Ama; dapat natin siyang tularan

Kapag nagpapayo, bakit dapat nating sikaping magbigay ng komendasyon at maging mahinahon?

Gal 6:1; Col 3:12

Tingnan din ang Isa 9:6; 42:​1-3; Mat 11:​28, 29

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 19:​2, 3—Sa pamamagitan ng isang propeta, itinuwid ni Jehova si Haring Jehosapat, pero binigyan din niya ito ng komendasyon sa mabubuting bagay na ginawa nito

    • Apo 2:​1-4, 8, 9, 12-14, 18-20—Kinomendahan ni Jesus ang ilang kongregasyon bago niya sila payuhan

Kung inirereklamo ng isang Kristiyano na dinaya siya o siniraan ng isang kapatid, bakit dapat natin siyang pasiglahin na kausapin muna ito nang silang dalawa lang?

Paano natin mapapasigla ang isang kapatid na maging maawain, mapagpasensiya, at mapagpatawad kapag pakiramdam niya, ginawan siya ng mali?

Mat 18:​21, 22; Mar 11:25; Luc 6:36; Efe 4:32; Col 3:13

Tingnan din ang Mat 6:14; 1Co 6:​1-8; 1Pe 3:​8, 9

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 18:​23-35—Gumamit si Jesus ng mapuwersang ilustrasyon para ipakita kung bakit mahalagang magpatawad

Bakit kailangan nating manindigan sa tama kapag nagpapayo?

Aw 141:5; Kaw 17:10; 2Co 7:​8-11

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 15:​23-29—Hindi nagpatinag ang propetang si Samuel kay Haring Saul

    • 1Ha 22:​19-28—Hindi binago ni propeta Micaias ang babala niya kay Haring Ahab, kahit pinagbantaan siya at sinaktan

Paano tayo magpapayo sa isang kapatid nang hindi siya manghihina sa espirituwal?

Heb 12:​11-13

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 22:​31-34—Nagtiwala si Jesus na kayang patibayin ni apostol Pedro ang iba kahit nakagawa ito ng seryosong pagkakamali

    • Flm 21—Nagtiwala si apostol Pablo na susundin ni Filemon ang payo niyang kaayon ng kalooban ng Diyos

Paano tayo magiging mabait sa pagpapayo sa mga pinanghihinaan ng loob o may pinagdadaanan?

Paano natin maipapakitang gusto nating tulungang makabalik ang isang nagkasala?

Paano natin mabibigyan ng dignidad ang pinapayuhan natin, bata man siya o matanda, lalaki man o babae?

Kung ilang beses nang pinayuhan mula sa Bibliya ang isang kapatid pero hindi pa rin ito nakikinig, bakit kailangan ng mga pastol na maging mas matatag sa pagpapayo?