Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Puso

Puso

Paano natin nalaman na sa Bibliya, ang “puso” ay kadalasan nang tumutukoy sa panloob na pagkatao, kasama na ang mga iniisip natin, motibo, katangian, at nararamdaman?

Aw 49:3; Kaw 16:9; Luc 5:22; Gaw 2:26

Tingnan din ang Deu 15:7; Aw 19:8

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 9:​46-48—Itinuwid ni Jesus ang mga apostol dahil nakita niya sa puso nila na ambisyoso sila

Bakit mahalagang ingatan ang puso natin?

1Cr 28:9; Kaw 4:23; Jer 17:9

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 6:​5-7—Dahil sa kasamaang nasa puso ng mga tao, naging marahas sila; nilipol sila ng Diyos sa pamamagitan ng Baha

    • 1Ha 11:​1-10—Hindi naingatan ni Haring Solomon ang puso niya; nag-asawa siya ng maraming banyaga na nakaimpluwensiya sa kaniya na lumayo kay Jehova

    • Mar 7:​18-23—Ipinaliwanag ni Jesus na sa puso nanggagaling ang lahat ng masasamang bagay na nagpaparumi sa tao

Paano natin maiingatan ang puso natin?

Aw 19:14; Kaw 3:​3-6; Luc 21:34; Fil 4:8

Tingnan din ang Ezr 7:​8-10; Aw 119:11

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Efe 6:​14-18; 1Te 5:8—Nang ilarawan ni apostol Pablo ang espirituwal na kasuotang pandigma, ipinaliwanag niya na gaya ng baluti na pumoprotekta sa literal na puso, pinoprotektahan din ng katuwiran, pananampalataya, at pag-ibig ang makasagisag na puso

Paano natin malalaman kung may problema ang ating makasagisag na puso?

Kaw 21:​2-4; Heb 3:12

Tingnan din ang Kaw 6:​12-14

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 25:​1, 2, 17-27—Noong umpisa, ginawa ni Haring Amazias ang tama sa paningin ng Diyos pero hindi nang buong puso; bandang huli, naging mayabang siya at di-tapat kaya napahamak siya

    • Mat 7:​17-20—Sinabi ni Jesus na kapag bulok ang puno, bulok ang bunga; kaya kapag masama ang puso ng tao, masama rin ang gagawin niya

Bakit dapat nating sikapin na magkaroon ng mabuting puso, at paano natin iyan magagawa?

Kaw 10:8; 15:28; Luc 6:45

Tingnan din ang Aw 119:​97, 104; Ro 12:​9-16; 1Ti 1:5

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Ha 20:​1-6—Noong nagkasakit si Haring Hezekias at malapit nang mamatay, nagmakaawa siya kay Jehova na alalahanin ang buong puso niyang paglilingkod at tulungan siya

    • Mat 21:​28-32—Sa isang ilustrasyon, ipinaliwanag ni Jesus na makikita ang kondisyon ng puso ng tao, hindi sa sinasabi niyang gagawin niya, kundi sa mismong ginagawa niya

Bakit nakakapagpatibay malaman na sinusuri ni Jehova ang puso natin?

1Cr 28:9; Jer 17:10

Tingnan din ang 1Sa 2:3

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 16:​1-13—Nalaman ni propeta Samuel na hindi naiimpluwensiyahan si Jehova ng panlabas na anyo; sa halip, puso ang tinitingnan Niya

    • 2Cr 6:​28-31—Makikita sa panalangin ni Haring Solomon noong ialay niya ang templo kay Jehova na nababasa at naiintindihan ng Diyos ang nasa puso ng tao