Tagapangasiwa
Anong mga kuwalipikasyon ang dapat maabot, sa makatuwirang antas, ng mga aatasang maging elder?
Saan pa dapat maging mabuting halimbawa ang mga elder?
Mat 28:19, 20; Gal 5:22, 23; 6:1; Efe 5:28; 6:4; 1Ti 4:15; 2Ti 1:14; Tit 2:12, 14; Heb 10:24, 25; 1Pe 3:13
Anong mga kuwalipikasyon ang dapat maabot, sa makatuwirang antas, ng mga aatasang maging ministeryal na lingkod?
Bakit natin nasabi na banal na espiritu ang nag-aatas sa mga tagapangasiwa?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gaw 13:2-5; 14:23—Ang mga naglalakbay na tagapangasiwa na sina Pablo at Bernabe ay nag-atas ng matatandang lalaki sa mga kongregasyon. Ganiyan din ang ginagawa ng mga tagapangasiwa ng sirkito ngayon; nananalangin sila para sa banal na espiritu at maingat na tinitingnan kung naaabot ng mga aatasang maging tagapangasiwa ang mga kuwalipikasyon sa Bibliya
-
Tit 1:1, 5—Ipinagkatiwala kay Tito ang gawaing paglalakbay, kasama na ang pag-aatas ng matatandang lalaki sa mga kongregasyon
-
Sino ang nagmamay-ari sa kongregasyon, at ano ang ibinayad para dito?
Bakit tinutukoy ng Bibliya ang mga tagapangasiwa bilang mga lingkod?
Bakit dapat manatiling mapagpakumbaba ang mga tagapangasiwa?
Fil 1:1; 2:5-8; 1Te 2:6-8; 1Pe 5:1-3, 5, 6
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gaw 20:17, 31-38—Bago umalis, ikinuwento ni apostol Pablo sa matatandang lalaki sa Efeso kung paano siya naglingkod para sa kanila, at pinahalagahan nila ang pagmamahal niya
-
Ano ang dapat na maging tingin ng isang Kristiyanong tagapangasiwa sa mga tagubilin ng “tapat at matalinong alipin”?
Ano ang pinakamagandang paraan para maturuan ng mga elder ang iba?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Ne 5:14-16—Dahil sa matinding paggalang kay Jehova, hindi inabuso ni Gobernador Nehemias ang awtoridad niya sa bayan ng Diyos; hindi niya kinuha kahit ang mga bagay na para sa kaniya
-
Ju 13:12-15—Nagpakita si Jesus ng halimbawa ng kapakumbabaan sa mga tagasunod niya
-
Paano maipapakita ng isang Kristiyanong pastol ang pagmamalasakit sa bawat isa sa kongregasyon?
Paano tinutulungan ng mga elder ang mga may sakit sa espirituwal?
Kapag nagtuturo, ano ang pananagutan ng mga elder?
1Ti 1:3-7; 2Ti 2:16-18; Tit 1:9
Tingnan din ang 2Co 11:2-4
Bakit dapat magsikap ang mga elder na mapanatiling malinis sa moral ang kongregasyon?
1Co 5:1-5, 12, 13; San 3:17; Jud 3, 4; Apo 2:18, 20
Tingnan din ang 1Ti 5:1, 2, 22
Sino ang sinasanay ng mga elder?
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Mat 10:5-20—Sinanay muna ni Jesus ang kaniyang 12 apostol bago sila isugo para mangaral
-
Luc 10:1-11—Binigyan muna ni Jesus ng detalyadong mga tagubilin ang 70 alagad bago sila isugo para mangaral
-
Ano ang makakatulong sa mga elder para magampanan ang marami nilang responsibilidad?
Tingnan din ang Kaw 3:5, 6
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
1Ha 3:9-12—Humiling si Haring Solomon ng kaunawaan kay Jehova para mahatulan nang tama ang bayan ni Jehova
-
2Cr 19:4-7—Nag-atas si Haring Jehosapat ng mga hukom sa mga lunsod ng Juda; sinabi niyang sasakanila si Jehova habang ginagampanan nila ang mahalagang responsibilidad na ito
-
Paano dapat pakitunguhan ng kongregasyon ang mga tapat na tagapangasiwa?
1Te 5:12, 13; 1Ti 5:17; Heb 13:7, 17
Tingnan din ang Efe 4:8, 11, 12
-
Halimbawa sa Bibliya:
-
Gaw 20:37—Hindi nahiyang ipakita ng matatandang lalaki sa Efeso ang pagmamahal nila kay apostol Pablo
-
Gaw 28:14-16—Noong papunta si apostol Pablo sa Roma, ang mga kapatid sa lunsod na iyon ay naglakbay nang mga 65 kilometro para salubungin siya sa Pamilihan ng Apio, at napatibay siya nito
-