Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Trabaho

Trabaho

Ano ang kaugnayan ng trabaho sa pagiging masaya?

Ano ang mga pakinabang kapag mahusay tayo sa trabaho natin?

Kaw 22:29

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 16:​16-23—Kilala si David na isang magaling na manunugtog, at nakatulong ang talento niyang ito para gumaan ang pakiramdam ng hari ng Israel

    • 2Cr 2:​13, 14—Dahil bihasang manggagawa si Hiram-abi, nagamit siya ni Haring Solomon sa gawaing pagtatayo

Bakit gusto ng mga lingkod ni Jehova na makilala silang masisipag sa trabaho?

Efe 4:28; Col 3:23

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 24:​10-21—Dahil matulungin at masipag si Rebeka, higit pa ang ginawa niya sa hiniling ng lingkod ni Abraham

    • Fil 2:​19-23—Dahil masipag at mapagpakumbaba ang kabataang si Timoteo, pinagkatiwalaan siya ni apostol Pablo ng mabigat na atas

Bakit hindi dapat maging tamad ang mga lingkod ng Diyos?

Kaw 13:4; 18:9; 21:​25, 26; Ec 10:18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Kaw 6:​6-11—Ginamit ni Haring Solomon ang halimbawa ng langgam para ipakitang mahalagang maging masipag at iwasang maging tamad

Bakit dapat tayong maging masipag para mailaan ang mga pangangailangan natin?

Bakit dapat tayong maging masipag para mapaglaanan ang pamilya natin?

1Ti 5:8

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ru 1:​16, 17; 2:​2, 3, 6, 7, 17, 18—Masipag na nagtrabaho ang biyudang si Ruth para mapaglaanan ang biyenan niyang si Noemi

    • Mat 15:​4-9—Hinatulan ni Jesus ang mga taong idinadahilan ang paglilingkod sa Diyos para makaiwas sa responsibilidad sa mga magulang

Saan magandang gamitin ng mga Kristiyano ang perang pinagtrabahuhan nila?

Ano ang dapat na maging tingin natin sa perang kinikita natin sa trabaho?

Paano natin nalamang gusto tayong tulungan ni Jehova na magawang mabuti ang trabaho natin at mailaan ang pangangailangan natin?

Mat 6:​25, 30-32; Luc 11:​2, 3; 2Co 9:10

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 31:​3-13—Dinaya ni Laban ang manugang niyang si Jacob na nagtatrabaho sa kaniya, pero nakita ni Jehova ang pagsisikap ni Jacob at pinagpala ito

    • Gen 39:​1-6, 20-23—Pinagpala ni Jehova ang pagtatrabaho ni Jose noong naglilingkod siya bilang alipin sa bahay ni Potipar at noong nakakulong siya

Bakit dapat na laging mas mahalaga sa atin ang paglilingkod sa Diyos kaysa sa trabaho?

Aw 39:​5-7; Mat 6:33; Ju 6:27

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 12:​15-21—Gumamit si Jesus ng ilustrasyon para iturong hindi dapat unahin ang materyal na pakinabang kaysa sa espirituwal na kayamanan

    • 1Ti 6:​17-19—Binabalaan ni apostol Pablo ang mayayamang Kristiyano na huwag maging mayabang at pinasigla silang gumawa ng “maraming mabubuting bagay”

Anong mga prinsipyo ang tutulong sa atin kapag pumipili ng trabaho?