Introduksyon
“Maging mga tagatulad niyaong mga sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis ay nagmamana ng mga pangako.”—HEBREO 6:12.
1, 2. Paano itinuring ng isang naglalakbay na tagapangasiwa ang mga tapat na tauhan sa Bibliya, at bakit maganda silang maging kaibigan?
“TINUTUKOY niya ang mga tauhan sa Bibliya na para bang matatagal na niyang kaibigan.” Iyan ang sinabi ng isang sister matapos marinig ang pahayag ng isang may-edad nang naglalakbay na tagapangasiwa. At angkop naman dahil ang brother na iyon ay ilang dekada nang nag-aaral at nagtuturo ng Salita ng Diyos—kaya ang may-pananampalatayang mga lalaki at babae sa Bibliya ay talagang parang matatagal na niyang kaibigan.
2 Hindi ba’t napakagandang maging kaibigan ang marami sa mga tauhang iyon ng Bibliya? Totoong-totoo ba sila sa iyo? Isip-isipin ang iyong madarama kapag nakakuwentuhan mo at higit na nakilala ang mga taong gaya nina Noe, Abraham, Ruth, Elias, at Esther. Isipin ang maaaring maging impluwensiya nila sa buhay mo—ang mahahalagang payo at pampatibay na maibibigay nila!—Basahin ang Kawikaan 13:20.
3. (a) Paano tayo makikinabang sa pag-aaral tungkol sa may-pananampalatayang mga lalaki at babae sa Bibliya? (b) Anong mga tanong ang isasaalang-alang natin?
3 Siyempre pa, sa panahon ng “pagkabuhay-muli . . . ng mga matuwid,” talagang magiging posible ang gayong kasiya-siyang pakikipagkaibigan. (Gawa 24:15) Pero ngayon pa lang ay makikinabang na tayo sa pag-aaral tungkol sa may-pananampalatayang mga lalaki at babae sa Bibliya. Paano? Ipinayo ni apostol Pablo: “Maging mga tagatulad niyaong mga sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis ay nagmamana ng mga pangako.” (Heb. 6:12) Bilang pasimula ng pag-aaral tungkol sa kanila, isaalang-alang natin ang ilang tanong batay sa sinabi ni Pablo: Ano ang pananampalataya, at bakit natin ito kailangan? Paano natin matutularan ang mga tapat na tauhan sa Bibliya?
Pananampalataya—Kung Ano Ito at Kung Bakit Natin Ito Kailangan
4. Ano ang iniisip ng maraming tao tungkol sa pananampalataya, at bakit sila nagkakamali?
4 Ang pananampalataya ay isang kaakit-akit na katangian, isa na lubhang pinahalagahan ng lahat ng lalaki at babae na pag-aaralan natin sa publikasyong ito. Maraming tao sa ngayon ang hindi talaga nakaaalam kung ano ang pananampalataya, anupat iniisip na ito ay paniniwala nang walang anumang katibayan o ebidensiya. Pero nagkakamali sila. Ang pananampalataya ay hindi pagiging mapaniwalain; hindi ito batay sa damdamin; higit pa ito sa paniniwala. Ang pagiging mapaniwalain ay mapanganib. Ang damdamin ay pabagu-bago, at kahit ang paniniwala ay hindi sapat kung tungkol sa Diyos, dahil “ang mga demonyo man ay naniniwala at nangangatog.”—Sant. 2:19.
5, 6. (a) Ano ang dalawang aspekto ng ating pananampalataya? (b) Gaano dapat katibay ang ating pananampalataya? Ilarawan.
Hebreo 11:1.) Sinabi ni Pablo na may dalawang aspekto ang pananampalataya. Una, naniniwala tayo sa mga katunayan na “hindi nakikita,” gaya ng Diyos na Jehova, ng kaniyang Anak, o ng Kaharian na namamahala na ngayon sa langit. Ikalawa, naniniwala tayo sa “mga bagay na inaasahan,” o mga bagay na hindi pa nangyayari, gaya ng bagong sanlibutan na malapit nang pairalin ng Kaharian ng Diyos. Nangangahulugan ba iyan na walang saligan ang pananampalataya natin sa gayong mga katunayan at mga bagay na inaasahan?
5 Ang tunay na pananampalataya ay higit pa sa mga bagay na iyon. Alalahanin kung paano ito binibigyang-kahulugan ng Bibliya. (Basahin ang6 Hindi! Ipinaliwanag ni Pablo na ang tunay na pananampalataya ay may matibay na saligan. Nang sabihin niyang ang pananampalataya ay “ang mapananaligang paghihintay,” ginamit niya ang pananalita na maisasalin ding “titulo.” Halimbawa, may nagbigay sa iyo ng isang bahay. Maaaring iabot niya sa iyo ang titulo at sabihin, “Narito ang iyong bagong bahay.” Hindi niya ibig sabihin na titira ka sa papel na iyon; ang ibig niyang sabihin, ang legal na dokumentong iyon ay matibay na ebidensiya na pag-aari mo na ang bahay, at iyon ay katumbas ng mismong bahay. Sa katulad na paraan, ang ebidensiya para sa ating pananampalataya ay lubhang nakakukumbinsi at napakatibay, anupat para na ring iyon ang ating pananampalataya.
7. Ano ang nasasangkot sa tunay na pananampalataya?
7 Kaya sangkot sa tunay na pananampalataya ang matibay na pagtitiwala at di-natitinag na kombiksiyon na laging nakapokus sa Diyos na Jehova. Dahil sa pananampalataya, nakikita natin siya bilang ating maibiging Ama at nagtitiwala tayo na tiyak na magkakatotoo ang lahat ng kaniyang pangako. Ngunit may iba pang nasasangkot sa tunay na pananampalataya. Gaya ng isang bagay na buháy, ang pananampalataya ay dapat alagaan para hindi mamatay. Dapat itong ipakita sa gawa, kung hindi ay mamamatay ito.—Sant. 2:26.
8. Bakit napakahalaga ng pananampalataya?
8 Bakit napakahalaga ng pananampalataya? Nagbigay si Pablo ng nakakukumbinsing sagot. (Basahin ang Hebreo 11:6.) Hindi tayo makalalapit kay Jehova ni makalulugod man sa kaniya kung wala tayong pananampalataya. Kaya kailangan ang pananampalataya para matupad natin ang pinakamataas at pinakamarangal na layunin ng sinumang matalinong nilalang: maging malapít sa ating Ama sa langit, si Jehova, at luwalhatiin siya.
9. Paano ipinakita ni Jehova na alam niyang kailangan natin ang pananampalataya?
9 Alam ni Jehova na kailangan natin ang pananampalataya, kaya naglaan siya ng mga halimbawa para turuan tayo kung paano patitibayin at ipakikita ang ating pananampalataya. Pinagkakalooban niya ang kongregasyong Kristiyano ng mga halimbawa ng mga tapat na lalaking nangunguna. Sinasabi ng kaniyang Salita: “Tularan ninyo ang kanilang Heb. 13:7) At may ibinigay pa siya. Sumulat si Pablo tungkol sa ‘malaking ulap ng mga saksi,’ mga lalaki at babae noong sinaunang panahon na nag-iwan ng mahusay na halimbawa ng pananampalataya. (Heb. 12:1) Marami pang tapat na lingkod ang hindi naitala ni Pablo sa Hebreo kabanata 11. Ang Bibliya ay punô ng kuwento tungkol sa mga lalaki’t babae, bata’t matanda, mula sa iba’t ibang kalagayan sa buhay, na namuhay nang may pananampalataya at maraming maituturo sa atin sa panahong ito na walang pananampalataya ang karamihan.
pananampalataya.” (Paano Natin Matutularan ang Pananampalataya ng Iba?
10. Paano tayo matutulungan ng personal na pag-aaral para matularan ang mga tapat na lalaki at babae sa ulat ng Bibliya?
10 Hindi mo matutularan ang isang tao malibang obserbahan mo muna siyang mabuti. Habang binabasa mo ang publikasyong ito, mapapansin mong maraming ginawang pagsasaliksik para tulungan kang maobserbahan at makilalang mabuti ang may-pananampalatayang mga lalaki at babaing iyon. Sa iyong personal na pag-aaral, bakit hindi ka gumawa ng karagdagang pagsasaliksik gamit ang mga pantulong sa pag-aaral ng Bibliya? Habang binubulay-bulay mo ang iyong pinag-aralan, sikaping ilarawan sa isip ang eksena at tagpo ng mga ulat sa Bibliya. Gunigunihin kung ano ang iyong makikita, maririnig, at malalanghap, na para bang naroon ka. Mas mahalaga, sikaping unawain ang damdamin ng mga tauhan. Sa gayon, ang mga tapat na lalaki’t babaing iyon ay magiging totoong-totoo sa iyo at lalo mong makikilala—maaari pa nga silang maging parang matatagal mo nang kaibigan.
11, 12. (a) Paano ka mas mapapalapít kina Abram at Sarai? (b) Paano ka makikinabang sa halimbawa ni Hana, ni Elias, o ni Samuel?
11 Kung lubusan mo silang makikilala, nanaisin mong tularan sila. Halimbawa, may pinag-iisipan kang bagong atas. Sa pamamagitan ng organisasyon ni Jehova, inanyayahan kang palawakin ang iyong ministeryo. Marahil ay hinilingan kang lumipat sa teritoryong nangangailangan ng higit na mangangaral, o baka inanyayahan kang subukan ang ilang anyo ng pangangaral na bago o mahirap para sa iyo. Habang pinag-iisipan at ipinananalangin mo ang atas na iyon, makatutulong ba kung bubulay-bulayin mo ang halimbawa ni Abram? Handa sila ni Sarai na iwan ang mga kaalwanan sa Ur kaya sagana silang pinagpala. Habang tinutularan mo ang ginawa nila, tiyak na madarama mong mas kilalá mo na sila ngayon.
12 Paano naman kung pinakitunguhan ka nang masama ng isang malapít sa iyo at nasiraan ka ng loob—baka naisip mo pa ngang hindi na dumalo sa mga pulong? Kung iisipin mo ang halimbawa ni Hana at kung paanong hindi siya nagpaapekto sa pang-aapi ni Penina, tutulong ito sa iyo na magpasiya nang tama—at maaaring maging parang matalik mong kaibigan si Hana. Kung nasisiraan ka naman ng loob dahil iniisip mong wala kang silbi, mas mapapalapít sa iyo si Elias habang pinag-aaralan mo ang kaniyang problema at kung paano siya inaliw
ni Jehova. At ang mga kabataang ginigipit ng kanilang imoral na mga kaeskuwela ay mas mapapalapít kay Samuel kapag pinag-aralan nila kung paano niya napagtagumpayan ang masamang impluwensiya ng mga anak ni Eli sa tabernakulo.13. Nababawasan ba ang halaga ng pananampalataya mo dahil tinutularan mo ang isang tapat na tauhan sa Bibliya? Ipaliwanag.
13 Kung tinutularan mo ang pananampalataya ng mga tauhan sa Bibliya, nangangahulugan ba iyon na hindi gaanong mahalaga kay Jehova ang iyong pananampalataya? Hindi naman! Tandaan, hinihimok tayo ng Salita ni Jehova na tularan ang mga taong may pananampalataya. (1 Cor. 4:16; 11:1; 2 Tes. 3:7, 9) Bukod diyan, ang ilan sa mga taong pag-aaralan natin ay tumulad din sa mga tapat na nauna sa kanila. Halimbawa, sa Kabanata 17 ng aklat na ito, maliwanag na sinipi ni Maria ang pananalita ni Hana at tinularan siya. Nakabawas ba iyon sa tibay ng pananampalataya ni Maria? Hindi! Sa halip, nakatulong kay Maria ang halimbawa ni Hana para mapatibay ang kaniyang pananampalataya upang makagawa siya ng natatanging pangalan sa harap ng Diyos na Jehova.
14, 15. Ano ang ilang pantulong na materyal sa publikasyong ito, at paano tayo makikinabang dito?
14 Layunin ng aklat na ito na tulungan kang mapatibay ang iyong pananampalataya. Ang kasunod na mga kabanata ay mga artikulo mula sa seryeng “Tularan ang Kanilang Pananampalataya” na inilathala sa Ang Bantayan mula 2008 hanggang 2013. Pero may mga bagong materyal na idinagdag. May mga tanong na inilaan para sa pagtalakay at pagkakapit. Maraming ginawang makukulay at detalyadong ilustrasyon para sa aklat na ito, at ang mga dating ilustrasyon ay pinalaki at pinaganda. May inilakip ding mga pantulong, gaya ng time line at mapa. Ang aklat na Tularan ang Kanilang Pananampalataya ay dinisenyo para sa personal na pag-aaral, pampamilyang pagsamba, at pag-aaral ng kongregasyon. Magugustuhan ng maraming pamilya na basahin ang mga kuwento nang malakas at sama-sama.
15 Makatulong nawa ang aklat na ito para matularan mo ang pananampalataya ng matapat na mga lingkod ni Jehova noon. At makatulong din nawa ito para tumibay ang iyong pananampalataya habang lalo kang napapalapít sa iyong Ama sa langit, si Jehova!