1 Corinto 13:1-13
13 Kung nagsasalita ako sa mga wika+ ng mga tao at ng mga anghel ngunit wala akong pag-ibig, ako ay naging isang tumutunog na piraso ng tanso o isang tumataguntong na simbalo.+
2 At kung ako ay may kaloob na panghuhula+ at may kabatiran sa lahat ng sagradong lihim+ at sa lahat ng kaalaman,+ at kung taglay ko ang lahat ng pananampalataya upang maglipat ng mga bundok,+ ngunit wala akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.+
3 At kung ibinibigay ko ang lahat ng aking mga pag-aari upang pakainin ang iba,+ at kung ibinibigay ko ang aking katawan,+ upang ako ay makapaghambog, ngunit wala akong pag-ibig,+ hindi ako nakikinabang sa paanuman.
4 Ang pag-ibig+ ay may mahabang pagtitiis+ at mabait.+ Ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin,+ ito ay hindi nagyayabang,+ hindi nagmamalaki,+
5 hindi gumagawi nang hindi disente,+ hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan,+ hindi napupukaw sa galit.+ Hindi ito nagbibilang ng pinsala.+
6 Hindi ito nagsasaya sa kalikuan,+ kundi nakikipagsaya sa katotohanan.+
7 Tinitiis nito ang lahat ng bagay,+ pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,+ inaasahan ang lahat ng bagay,+ binabata ang lahat ng bagay.+
8 Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo.+ Ngunit kahit may mga kaloob na panghuhula, ang mga ito ay aalisin; kahit may mga wika man, ang mga ito ay maglalaho; kahit may kaalaman man, ito ay aalisin.+
9 Sapagkat mayroon tayong bahagyang kaalaman+ at nanghuhula tayo nang bahagya;+
10 ngunit kapag yaong ganap ay dumating,+ yaong bahagya ay aalisin.
11 Noong ako ay sanggol pa, nagsasalita akong gaya ng sanggol, nag-iisip na gaya ng sanggol, nangangatuwirang gaya ng sanggol; ngunit ngayong ganap na ang aking pagkatao,+ inalis ko na ang mga ugali ng isang sanggol.
12 Sapagkat sa kasalukuyan ay nakakakita tayo ng malabong anyo sa pamamagitan ng salaming metal,+ ngunit pagkatapos ay magiging mukhaan na.+ Sa kasalukuyan ay nakaaalam ako nang bahagya, ngunit pagkatapos ay makaaalam ako nang may katumpakan kung paanong ako ay may-katumpakang nakikilala.+
13 Gayunman, ngayon ay nananatili ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, ang tatlong ito; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay pag-ibig.+