1 Corinto 15:1-58
15 Ngayon ay ipinaaalam ko sa inyo, mga kapatid, ang mabuting balita+ na ipinahayag ko sa inyo,+ na tinanggap din ninyo, na pinaninindigan din ninyo,+
2 na sa pamamagitan nito ay inililigtas din kayo,+ taglay ang pananalita na sa pamamagitan nito ay ipinahayag ko sa inyo ang mabuting balita, kung pinanghahawakan ninyo itong mahigpit, maliban nga lamang kung kayo ay naging mga mananampalataya nang walang layunin.+
3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo, kasama ng mga unang bagay, yaong tinanggap ko rin,+ na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan;+
4 at na inilibing siya,+ oo, na ibinangon+ siya nang ikatlong araw+ ayon sa Kasulatan;+
5 at na nagpakita siya kay Cefas,+ pagkatapos ay sa labindalawa.+
6 Pagkatapos nito ay nagpakita siya sa mahigit sa limang daang kapatid sa iisang pagkakataon, na ang karamihan sa mga ito ay nananatili hanggang sa kasalukuyan,+ ngunit ang ilan ay natulog na sa kamatayan.
7 Pagkatapos nito ay nagpakita siya kay Santiago,+ pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol;+
8 ngunit kahuli-hulihan sa lahat ay nagpakita rin siya sa akin+ tulad sa isa na ipinanganak nang kulang sa buwan.
9 Sapagkat ako ang pinakamababa+ sa mga apostol, at hindi ako nararapat tawaging apostol, sapagkat pinag-usig+ ko ang kongregasyon ng Diyos.
10 Ngunit dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan+ ng Diyos, ako ay naging kung ano nga ako. At ang kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan sa akin ay hindi nawalan ng kabuluhan,+ kundi nagpagal ako nang labis kaysa sa kanilang lahat,+ gayunma’y hindi ako kundi ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na sumasaakin.+
11 Gayunman, ako man iyon o sila, gayon ang aming ipinangangaral at gayon ang inyong pinaniwalaan.+
12 Ngayon kung si Kristo ay ipinangangaral na ibinangon siya mula sa mga patay,+ paano ngang sinasabi ng ilan sa inyo na walang pagkabuhay-muli ng mga patay?+
13 Kung wala ngang pagkabuhay-muli ng mga patay, hindi rin naman ibinangon si Kristo.+
14 Ngunit kung hindi ibinangon si Kristo, ang aming pangangaral ay tiyak na walang kabuluhan, at ang ating pananampalataya ay walang kabuluhan.+
15 Bukod diyan, nasusumpungan din kami bilang mga bulaang saksi tungkol sa Diyos,+ sapagkat nagpatotoo+ kami laban sa Diyos na ibinangon niya ang Kristo,+ ngunit hindi niya ibinangon kung ang mga patay ay talagang hindi ibabangon.+
16 Sapagkat kung ang mga patay ay hindi ibabangon, hindi rin naman ibinangon si Kristo.
17 Karagdagan pa, kung hindi ibinangon si Kristo, ang inyong pananampalataya ay walang silbi; kayo ay nasa inyong mga kasalanan pa.+
18 Sa katunayan, gayundin, yaong mga natulog na sa kamatayan kaisa+ ni Kristo ay nalipol.+
19 Kung sa buhay na ito lamang tayo umaasa kay Kristo,+ tayo sa lahat ng mga tao ang pinakakahabag-habag.
20 Gayunman, si Kristo nga ay ibinangon mula sa mga patay,+ ang unang bunga+ niyaong mga natulog na sa kamatayan.+
21 Sapagkat yamang ang kamatayan+ ay sa pamamagitan ng isang tao, ang pagkabuhay-muli+ ng mga patay ay sa pamamagitan din ng isang tao.
22 Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay,+ gayundin naman kay Kristo ang lahat ay bubuhayin.+
23 Ngunit bawat isa ay sa kani-kaniyang katayuan: si Kristo ang unang bunga,+ pagkatapos ay yaong mga kay Kristo sa panahon ng kaniyang pagkanaririto.+
24 Sumunod, ang wakas, kapag ibinigay niya ang kaharian sa kaniyang Diyos at Ama, kapag pinawi na niya ang lahat ng pamahalaan at ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan.+
25 Sapagkat kailangan siyang mamahala bilang hari hanggang sa mailagay ng Diyos ang lahat ng kaaway sa ilalim ng kaniyang mga paa.+
26 Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.+
27 Sapagkat “ipinasakop [ng Diyos] ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa.”+ Ngunit kapag sinasabi niya na ‘ang lahat ng bagay ay nasakop na,’+ malinaw na maliban ito sa isa na nagpasakop ng lahat ng bagay sa kaniya.+
28 Ngunit kapag ang lahat ng bagay ay naipasakop na sa kaniya,+ kung magkagayon ay magpapasakop din mismo ang Anak sa Isa+ na nagpasakop ng lahat ng bagay sa kaniya, upang ang Diyos ay maging lahat ng bagay sa bawat isa.+
29 Kung hindi gayon, ano ang gagawin nila na mga binabautismuhan sa layuning maging mga patay?+ Kung ang mga patay ay talagang hindi ibabangon,+ bakit binabautismuhan+ din sila sa layuning maging gayon?
30 Bakit nanganganib din tayo sa bawat oras?+
31 Araw-araw ay napapaharap ako sa kamatayan.+ Ito ay tinitiyak ko nang may pagbubunyi+ dahil sa inyo, mga kapatid, na taglay ko kay Kristo Jesus na ating Panginoon.
32 Kung, tulad ng mga tao, ako ay nakipaglaban sa mababangis na hayop sa Efeso,+ anong kabutihan ang dulot nito sa akin? Kung ang mga patay ay hindi ibabangon, “kumain tayo at uminom, sapagkat bukas ay mamamatay tayo.”+
33 Huwag kayong palíligaw. Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali.+
34 Gumising kayong may katinuan+ sa matuwid na paraan at huwag mamihasa sa kasalanan, sapagkat ang ilan ay walang kaalaman sa Diyos.+ Nagsasalita ako upang makadama kayo ng kahihiyan.+
35 Gayunpaman, may magsasabi: “Paano ibabangon ang mga patay? Oo, sa anong uri ng katawan sila paririto?”+
36 Ikaw na taong di-makatuwiran! Ang inihahasik mo ay hindi binubuhay malibang mamatay muna ito;+
37 at kung tungkol sa inihahasik mo, inihahasik mo, hindi ang katawan na tutubo, kundi ang isang butil+ lamang, maaaring trigo o alinman sa iba pa;
38 ngunit binibigyan ito ng Diyos ng katawan+ ayon sa kaniyang kinalugdan,+ at sa bawat isa sa mga binhi ay ang sarili nitong katawan.
39 Hindi lahat ng laman ay magkakatulad na laman, kundi ang isa ay sa mga tao, at ibang laman ang sa mga hayop, at ibang laman ang sa mga ibon, at iba ang sa isda.+
40 At may mga katawang makalangit,+ at mga katawang makalupa;+ ngunit ang kaluwalhatian+ ng mga katawang makalangit ay isang uri, at yaong sa mga katawang makalupa ay ibang uri.
41 Ang kaluwalhatian ng araw+ ay isang uri, at ang kaluwalhatian ng buwan+ ay iba pa, at ang kaluwalhatian ng mga bituin+ ay iba pa; sa katunayan, ang bituin ay naiiba sa kapuwa bituin sa kaluwalhatian.
42 Gayundin naman ang pagkabuhay-muli ng mga patay.+ Inihahasik ito sa kasiraan, ibinabangon ito sa kawalang-kasiraan.+
43 Inihahasik ito sa kasiraang-puri,+ ibinabangon ito sa kaluwalhatian.+ Inihahasik ito sa kahinaan,+ ibinabangon ito sa kapangyarihan.+
44 Inihahasik itong isang katawang pisikal,+ ibinabangon itong isang katawang espirituwal.+ Kung may katawang pisikal, mayroon ding espirituwal.
45 Ganito nga ang nasusulat: “Ang unang taong si Adan ay naging kaluluwang buháy.”+ Ang huling Adan ay naging espiritung+ nagbibigay-buhay.+
46 Gayunpaman, ang una ay, hindi yaong espirituwal, kundi yaong pisikal, pagkatapos ay yaong espirituwal.+
47 Ang unang tao ay mula sa lupa at gawa sa alabok;+ ang ikalawang tao ay mula sa langit.+
48 Gaya niyaong isa na gawa sa alabok,+ gayon din yaong mga gawa sa alabok; at gaya niyaong isa na makalangit,+ gayon din yaong mga makalangit.+
49 At kung paanong tinaglay natin ang larawan+ niyaong isa na gawa sa alabok, tataglayin din natin ang larawan+ niyaong isa na makalangit.
50 Gayunman, sinasabi ko ito, mga kapatid, na ang laman at dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos,+ ni ang kasiraan man ay magmamana ng kawalang-kasiraan.+
51 Narito! Sinasabi ko sa inyo ang isang sagradong lihim: Hindi lahat tayo ay matutulog sa kamatayan, ngunit tayong lahat ay babaguhin,+
52 sa isang iglap, sa isang kisap-mata, sa panahon ng huling trumpeta. Sapagkat ang trumpeta+ ay tutunog, at ang mga patay ay ibabangon na walang kasiraan, at tayo ay babaguhin.
53 Sapagkat ito na nasisira ay kailangang magbihis ng kawalang-kasiraan,+ at ito na mortal+ ay kailangang magbihis ng imortalidad.
54 Ngunit kapag ito na nasisira ay nagbihis ng kawalang-kasiraan at ito na mortal ay nagbihis ng imortalidad, kung magkagayon ay magaganap ang pananalita na nakasulat: “Ang kamatayan+ ay nilulon magpakailanman.”+
55 “Kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay? Kamatayan, nasaan ang iyong tibo?”+
56 Ang tibo+ na nagbubunga ng kamatayan ay kasalanan, ngunit ang kapangyarihan para sa kasalanan ay ang Kautusan.+
57 Ngunit salamat sa Diyos, sapagkat ibinibigay niya sa atin ang tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo!+
58 Dahil dito, mga kapatid kong minamahal, maging matatag kayo,+ di-natitinag, na laging maraming ginagawa sa gawain ng Panginoon,+ sa pagkaalam na ang inyong pagpapagal may kaugnayan sa Panginoon ay hindi sa walang kabuluhan.+