1 Corinto 16:1-24

16  Ngayon may kinalaman sa paglikom+ na para sa mga banal,+ kung paanong nagbigay ako ng mga utos sa mga kongregasyon ng Galacia,+ gayon din ang gawin ninyo.  Sa bawat unang araw ng sanlinggo ay magbukod ang bawat isa sa inyo sa kaniyang sariling bahay ng anumang maiipon ayon sa kaniyang kasaganaan, upang pagdating ko ay hindi gagawin sa pagkakataong iyon ang paglikom.  Ngunit pagdating ko riyan, sinumang mga lalaki ang sang-ayunan ninyo sa pamamagitan ng mga liham,+ ang mga ito ang aking isusugo upang magdala ng inyong maibiging kaloob sa Jerusalem.  Gayunman, kung nararapat na pumaroon din ako, paroroon silang kasama ko.  Ngunit paririyan ako sa inyo kapag nakaraan na ako sa Macedonia, sapagkat daraan ako sa Macedonia;+  at marahil ay titigil ako o magpapalipas pa nga ng taglamig na kasama ninyo, upang maihatid+ ninyo ako nang bahagya sa paroroonan ko.  Sapagkat hindi ko nais na ngayon lamang kayo makita sa aking pagdaraan, sapagkat inaasahan kong makapanatiling kasama ninyo nang ilang panahon,+ kung ipahihintulot+ ni Jehova.+  Ngunit mananatili ako sa Efeso+ hanggang sa kapistahan ng Pentecostes;  sapagkat isang malaking pinto na umaakay sa gawain ang binuksan sa akin,+ ngunit maraming sumasalansang. 10  Gayunman, kung darating si Timoteo,+ tiyakin ninyo na wala siyang anumang ikatatakot sa gitna ninyo, sapagkat nagsasagawa siya ng gawain ni Jehova,+ gaya ko rin naman. 11  Kaya nga, huwag siyang hamakin ninuman.+ Ihatid ninyo siya nang bahagya sa kapayapaan, upang makarating siya rito sa akin, sapagkat hinihintay ko siya kasama ng mga kapatid. 12  Ngayon may kinalaman kay Apolos+ na ating kapatid, labis akong namanhik sa kaniya na pumariyan sa inyo kasama ng mga kapatid, gayunma’y talagang hindi niya kalooban ang pumariyan ngayon; ngunit paririyan siya kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. 13  Manatili kayong gising,+ tumayo kayong matatag sa pananampalataya,+ magpakalalaki kayo,+ magpakalakas kayo.+ 14  Ang lahat ng inyong mga gawain ay maganap nawa na may pag-ibig.+ 15  Ngayon ay pinapayuhan ko kayo, mga kapatid: alam ninyo na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga+ sa Acaya at na itinalaga nila ang kanilang sarili upang maglingkod sa mga banal.+ 16  Nawa’y patuloy rin kayong magpasakop sa gayong uri ng mga tao at sa bawat isa na nakikipagtulungan at nagpapagal.+ 17  Ngunit ako ay nagsasaya sa pagkanaririto nina Estefanas+ at Fortunato at Acaico, sapagkat kanilang pinunan ang pagiging wala ninyo rito. 18  Sapagkat pinaginhawa nila ang aking espiritu+ at ang sa inyo. Kaya nga kilalanin ninyo ang gayong uri ng mga tao.+ 19  Ang mga kongregasyon sa Asia ay nagpapadala sa inyo ng kanilang mga pagbati.+ Sina Aquila at Prisca kasama ang kongregasyon na nasa kanilang bahay+ ay bumabati sa inyo nang buong puso sa Panginoon. 20  Ang lahat ng mga kapatid ay bumabati sa inyo. Batiin ninyo ang isa’t isa ng banal na halik.+ 21  Narito ang aking pagbati, ni Pablo, sa aking sariling kamay.+ 22  Kung ang sinuman ay walang pagmamahal sa Panginoon, sumpain siya.+ O aming Panginoon, pumarito ka!+ 23  Sumainyo nawa ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Panginoong Jesus. 24  Sumainyo nawang lahat na kaisa ni Kristo Jesus ang aking pag-ibig.

Talababa