1 Corinto 2:1-16
2 Kaya nga nang pumariyan ako sa inyo, mga kapatid, hindi ako pumariyan taglay ang karangyaan ng pananalita+ o ng karunungan na ipinahahayag sa inyo ang sagradong lihim+ ng Diyos.
2 Sapagkat ipinasiya kong huwag alamin ang anumang bagay sa gitna ninyo maliban kay Jesu-Kristo,+ at siya na ibinayubay.
3 At pumariyan ako sa inyo sa kahinaan at sa takot at may matinding panginginig;+
4 at ang aking pananalita at yaong ipinangaral ko ay hindi sa mapanghikayat na mga salita ng karunungan kundi sa pagtatanghal ng espiritu at kapangyarihan,+
5 upang ang inyong pananampalataya ay hindi maging sa karunungan ng tao,+ kundi sa kapangyarihan ng Diyos.+
6 Ngayon ay nagsasalita kami ng karunungan sa mga may-gulang,+ ngunit hindi ang karunungan+ ng sistemang ito ng mga bagay ni yaong sa mga tagapamahala ng sistemang ito ng mga bagay,+ na mga mawawalang-kabuluhan.+
7 Kundi nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa isang sagradong lihim,+ ang nakatagong karunungan, na patiunang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga sistema+ ng mga bagay ukol sa ating kaluwalhatian.
8 Ang karunungang ito ay hindi nalaman+ ng isa man sa mga tagapamahala+ ng sistemang ito ng mga bagay, sapagkat kung nalaman nila ito ay hindi sana nila ibinayubay+ ang maluwalhating Panginoon.
9 Kundi gaya nga ng nasusulat: “Hindi nakita ng mata at hindi narinig ng tainga, ni naisip man sa puso ng tao ang mga bagay na inihanda ng Diyos para roon sa mga umiibig sa kaniya.”+
10 Sapagkat sa atin isiniwalat ng Diyos+ ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang espiritu,+ sapagkat sinasaliksik ng espiritu+ ang lahat ng bagay, maging ang malalalim+ na bagay ng Diyos.
11 Sapagkat sino sa mga tao ang nakaaalam ng mga bagay ng isang tao maliban sa espiritu+ ng tao na nasa kaniya? Kaya, gayundin, walang sinumang nakaaalam ng mga bagay ng Diyos, maliban sa espiritu+ ng Diyos.
12 Ngayon ay tinanggap natin, hindi ang espiritu+ ng sanlibutan, kundi ang espiritu+ na mula sa Diyos, upang malaman natin ang mga bagay na may-kabaitang ibinigay sa atin ng Diyos.+
13 Ang mga bagay na ito ay sinasalita rin natin, hindi sa pamamagitan ng mga salitang itinuro ng karunungan ng tao,+ kundi sa pamamagitan niyaong itinuro ng espiritu,+ habang pinagsasama natin ang espirituwal na mga bagay at espirituwal na mga salita.+
14 Ngunit ang isang taong pisikal ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya mapag-aalaman ang mga ito,+ sapagkat sinusuri ang mga ito sa espirituwal na paraan.
15 Gayunman, ang taong espirituwal+ ay talagang nagsusuri sa lahat ng bagay, ngunit siya mismo ay hindi sinusuri+ ng sinumang tao.
16 Sapagkat “sino ang nakaaalam ng pag-iisip ni Jehova,+ upang maturuan niya siya?”+ Ngunit taglay nga natin ang pag-iisip+ ni Kristo.