1 Corinto 7:1-40

7  Ngayon may kinalaman sa mga bagay na isinulat ninyo, mabuti sa isang lalaki na huwag humipo+ ng babae;  gayunman, dahil laganap ang pakikiapid,+ magkaroon ang bawat lalaki ng kaniyang sariling asawa+ at magkaroon ang bawat babae ng kaniyang sariling asawa.  Ibigay ng asawang lalaki sa kaniyang asawa ang kaniyang kaukulan;+ ngunit gayundin ang gawin ng asawang babae sa kaniyang asawa.+  Ang asawang babae ay walang awtoridad sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawa;+ gayundin naman, ang asawang lalaki ay walang awtoridad sa kaniyang sariling katawan, kundi ang kaniyang asawa.+  Huwag ipagkait ito sa isa’t isa,+ malibang may pinagkasunduan sa loob ng isang takdang panahon,+ upang makapag-ukol kayo ng panahon sa pananalangin at magsamang muli, upang si Satanas ay hindi laging makapanukso+ sa inyo dahil sa inyong kawalan ng pagsupil sa sarili.+  Gayunman, sinasabi ko ito bilang pagbibigay-daan,+ hindi bilang pag-uutos.+  Ngunit nais ko sanang ang lahat ng tao ay gaya ko mismo.+ Gayunpaman, ang bawat isa ay may kaniyang sariling kaloob+ mula sa Diyos, ang isa ay sa ganitong paraan, ang isa pa ay sa gayong paraan.  Ngayon ay sinasabi ko sa mga walang asawa+ at sa mga babaing balo, mabuti para sa kanila na manatili silang gaya ko rin naman.+  Ngunit kung wala silang pagpipigil sa sarili,+ mag-asawa sila, sapagkat mas mabuti ang mag-asawa+ kaysa magningas sa pagnanasa.+ 10  Sa mga may asawa ay nagbibigay ako ng mga tagubilin, gayunma’y hindi ako kundi ang Panginoon,+ na ang asawang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawa;+ 11  ngunit kung talaga ngang hihiwalay siya, manatili siyang walang asawa o kaya ay makipagkasundong muli sa kaniyang asawa; at hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa. 12  Ngunit sa iba naman ay sinasabi ko, oo, ako, hindi ang Panginoon:+ Kung ang sinumang kapatid na lalaki ay may asawang di-sumasampalataya, at gayunma’y sumasang-ayon ito na tumahang kasama niya, huwag niya itong iwan; 13  at ang isang babae na may asawang di-sumasampalataya, at gayunma’y sumasang-ayon ito na tumahang kasama niya, huwag niyang iwan ang kaniyang asawang lalaki. 14  Sapagkat ang di-sumasampalatayang asawang lalaki ay napababanal may kaugnayan sa kaniyang asawa, at ang di-sumasampalatayang asawang babae ay napababanal may kaugnayan sa kapatid na lalaki; kung hindi, ang inyong mga anak ay talagang magiging marurumi,+ ngunit ngayon ay mga banal sila.+ 15  Ngunit kung yaong di-sumasampalataya ay humiwalay,+ hayaan siyang humiwalay; ang isang kapatid na lalaki o kapatid na babae ay hindi natatalian sa ilalim ng gayong mga kalagayan, kundi tinawag kayo ng Diyos sa kapayapaan.+ 16  Sapagkat, asawang babae, paano mo malalaman kung maililigtas mo ang iyong asawa?+ O, asawang lalaki, paano mo malalaman kung maililigtas mo ang iyong asawa?+ 17  Lamang, ayon sa bahagi na ibinigay ni Jehova sa bawat isa,+ lumakad nang gayon ang bawat isa kung paanong tinawag siya ng Diyos.+ At gayon ang ipinag-uutos+ ko sa lahat ng kongregasyon. 18  Ang sinumang tao ba ay tinawag nang tuli?+ Huwag siyang maging di-tuli. Ang sinumang tao ba ay tinawag na nasa di-pagtutuli?+ Huwag siyang magpatuli.+ 19  Ang pagtutuli+ ay walang anumang halaga, at ang di-pagtutuli+ ay walang anumang halaga, kundi ang pagtupad sa mga utos ng Diyos.+ 20  Sa anumang kalagayan tinawag ang bawat isa,+ manatili siya roon.+ 21  Tinawag ka ba habang isang alipin? Huwag mo itong ikabahala;+ ngunit kung maaari ka ring maging malaya, samantalahin mo nga ang pagkakataon. 22  Sapagkat ang sinumang nasa Panginoon na tinawag habang isang alipin ay taong pinalaya ng Panginoon;+ gayundin siya na tinawag habang isang taong laya+ ay alipin+ ni Kristo. 23  Binili kayo sa isang halaga;+ huwag na kayong maging mga alipin+ ng mga tao. 24  Sa anumang kalagayan+ tinawag ang bawat isa, mga kapatid, manatili siya roon kaugnay ng Diyos. 25  Ngayon may kinalaman sa mga birhen ay wala akong utos mula sa Panginoon, kundi ibinibigay ko ang aking opinyon+ gaya ng isa na pinagpakitaan ng Panginoon ng awa+ upang maging tapat.+ 26  Samakatuwid iniisip kong ito ay mabuti dahilan sa pangangailangan na narito sa atin, na mabuti para sa isang tao na manatili sa kaniyang kalagayan.+ 27  Nakatali ka ba sa isang asawang babae?+ Huwag mo nang hangaring lumaya.+ Nakakalag ka ba mula sa isang asawang babae? Huwag ka nang maghanap ng asawa. 28  Ngunit kung mag-asawa ka man, hindi ka nagkakasala.+ At kung mag-asawa ang isang birhen, ang isang iyon ay hindi nagkakasala. Gayunman, ang mga gagawa ng gayon ay magkakaroon ng kapighatian sa kanilang laman.+ Ngunit pinaliligtas ko kayo. 29  Bukod diyan, sinasabi ko ito, mga kapatid, ang panahong natitira ay maikli na.+ Mula ngayon yaong mga may asawang babae ay maging tulad sa wala,+ 30  at gayundin yaong mga tumatangis ay maging gaya niyaong mga hindi tumatangis, at yaong mga nagsasaya ay maging gaya niyaong mga hindi nagsasaya, at yaong mga bumibili ay maging gaya niyaong mga hindi nagmamay-ari, 31  at yaong mga gumagamit ng sanlibutan+ ay maging gaya niyaong mga hindi gumagamit nito nang lubusan; sapagkat ang tanawin ng sanlibutang ito ay nagbabago.+ 32  Ang totoo, nais kong maging malaya kayo sa kabalisahan.+ Ang lalaking walang asawa ay nababalisa para sa mga bagay ng Panginoon, kung paano niya makakamit ang pagsang-ayon ng Panginoon. 33  Ngunit ang lalaking may asawa ay nababalisa+ para sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya makakamit ang pagsang-ayon ng kaniyang asawa,+ 34  at siya ay nababahagi. Karagdagan pa, ang babaing walang asawa, at ang birhen, ay nababalisa para sa mga bagay ng Panginoon,+ upang siya ay maging banal kapuwa sa kaniyang katawan at sa kaniyang espiritu. Gayunman, ang babaing may asawa ay nababalisa para sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya makakamit ang pagsang-ayon ng kaniyang asawa.+ 35  Ngunit sinasabi ko ito para sa inyong pansariling kapakinabangan, hindi upang matalian ko kayo, kundi upang pakilusin kayo tungo sa bagay na nararapat+ at doon sa nangangahulugan ng palagiang paglilingkod sa Panginoon nang walang abala.+ 36  Ngunit kung iniisip ng sinuman na gumagawi siya nang di-nararapat sa kaniyang pagkabirhen,+ kung iyan ay lampas na sa kasibulan ng kabataan, at ganito ang dapat maganap, gawin niya kung ano ang ibig niya; hindi siya nagkakasala. Hayaan silang mag-asawa.+ 37  Ngunit kung ang sinuman ay nakatayong panatag sa kaniyang puso, na walang pangangailangan, kundi may awtoridad sa kaniyang sariling kalooban at ginawa ang pasiyang ito sa kaniyang sariling puso, na ingatan ang kaniyang sariling pagkabirhen, siya ay mapapabuti.+ 38  Dahil dito siya rin na nagbibigay ng kaniyang pagkabirhen sa pag-aasawa ay napapabuti,+ ngunit siya na hindi nagbibigay nito sa pag-aasawa ay mas mapapabuti.+ 39  Ang asawang babae ay nakatali sa buong panahon na buháy ang kaniyang asawa.+ Ngunit kapag natulog na sa kamatayan ang kaniyang asawa, siya ay malaya nang mag-asawa sa kaninumang ibig niya, tangi lamang sa Panginoon.+ 40  Ngunit siya ay mas maligaya kung mananatili siya sa kaniyang kalagayan,+ ayon sa aking opinyon. Iniisip ko na taglay ko rin naman ang espiritu ng Diyos.+

Talababa