1 Timoteo 1:1-20

1  Si Pablo, isang apostol+ ni Kristo Jesus sa ilalim ng utos ng Diyos+ na ating Tagapagligtas+ at ni Kristo Jesus, na ating pag-asa,+  kay Timoteo,+ isang tunay na anak+ sa pananampalataya: Magkaroon nawa ng di-sana-nararapat na kabaitan, awa, kapayapaan mula sa Diyos na Ama at kay Kristo Jesus na ating Panginoon.+  Kung paanong pinatibay-loob kitang manatili sa Efeso nang ako ay patungo na sa Macedonia,+ gayundin ang ginagawa ko ngayon, upang mautusan mo+ ang ilan na huwag magturo ng kakaibang doktrina,+  ni magbigay-pansin man sa mga kuwentong di-totoo+ at sa mga talaangkanan, na nauuwi sa wala,+ kundi nagbabangon ng mga tanong ukol sa pagsasaliksik sa halip na magkaloob ng anumang bagay mula sa Diyos may kaugnayan sa pananampalataya.  Ang layunin talaga ng utos na ito ay pag-ibig+ mula sa isang malinis na puso+ at mula sa isang mabuting budhi+ at mula sa pananampalatayang walang pagpapaimbabaw.+  Dahil sa paglihis mula sa mga bagay na ito ay bumaling+ ang ilan tungo sa walang-saysay na usapan,+  na nagnanais na maging mga guro+ ng kautusan,+ ngunit hindi napag-uunawa kahit ang mga bagay na kanilang sinasabi o ang mga bagay na mapilit nilang iginigiit.  Ngayon ay alam natin na ang Kautusan ay mainam+ kung ginagamit ito ng isa sa matuwid na paraan+  sa pagkaalam ng bagay na ito, na ang kautusan ay pinagtitibay, hindi para sa taong matuwid, kundi para sa mga taong tampalasan+ at mga di-masupil,+ mga di-makadiyos at mga makasalanan, mga walang maibiging-kabaitan,+ at mga lapastangan, mga mamamaslang ng mga ama at mga mamamaslang ng mga ina, mga mamamatay-tao, 10  mga mapakiapid,+ mga lalaking sumisiping sa mga kapuwa lalaki, mga nandurukot ng tao, mga sinungaling, mga bulaang manunumpa,+ at anupamang ibang bagay na salansang+ sa nakapagpapalusog na turo+ 11  ayon sa maluwalhating mabuting balita ng maligayang+ Diyos, na ipinagkatiwala sa akin.+ 12  Ako ay nagpapasalamat kay Kristo Jesus na ating Panginoon, na nagbigay ng kapangyarihan sa akin, sapagkat itinuring niya akong tapat+ sa pamamagitan ng pag-aatas sa akin sa isang ministeryo,+ 13  bagaman ako ay dating isang mamumusong at isang mang-uusig+ at isang taong walang pakundangan.+ Gayunpaman, ako ay pinagpakitaan ng awa,+ sapagkat ako ay walang-alam+ at kumilos dahil sa kawalan ng pananampalataya. 14  Ngunit ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Panginoon ay sumagana nang labis-labis+ kasama ng pananampalataya at pag-ibig na may kaugnayan kay Kristo Jesus.+ 15  Tapat at karapat-dapat sa lubusang pagtanggap ang pananalita+ na si Kristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan.+ Sa mga ito ay pangunahin ako.+ 16  Gayunpaman, ang dahilan kung bakit ako pinagpakitaan ng awa+ ay upang sa pamamagitan ko bilang pangunahing halimbawa ay maipakita ni Kristo Jesus ang lahat ng kaniyang mahabang pagtitiis bilang isang uliran niyaong mga maglalagak ng kanilang pananampalataya+ sa kaniya ukol sa buhay na walang hanggan.+ 17  Ngayon sa Haring walang hanggan,+ walang kasiraan,+ di-nakikita,+ ang tanging Diyos,+ ay maukol nawa ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan-kailanman.+ Amen. 18  Ang utos+ na ito ay ipinagkakatiwala ko sa iyo, anak, Timoteo, ayon sa mga panghuhula+ na tuwirang tumutukoy sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay maipagpatuloy mo ang mainam na pakikipagdigma;+ 19  na nanghahawakan sa pananampalataya at sa isang mabuting budhi,+ na itinakwil ng ilan+ at dumanas ng pagkawasak may kinalaman sa kanilang pananampalataya.+ 20  Sina Himeneo+ at Alejandro+ ay kabilang sa mga ito, at ibinigay ko sila kay Satanas+ upang sa pamamagitan ng disiplina ay maturuan sila na huwag mamusong.+

Talababa