1 Timoteo 2:1-15
2 Kaya nga nagpapayo ako, una sa lahat, na ang mga pagsusumamo, mga panalangin,+ mga pamamagitan, mga paghahandog ng pasasalamat, ay gawin may kinalaman sa lahat ng uri ng mga tao,+
2 may kinalaman sa mga hari+ at sa lahat niyaong mga nasa mataas na katayuan;+ upang makapagpatuloy tayong mamuhay ng isang payapa at tahimik na buhay na may lubos na makadiyos na debosyon at pagkaseryoso.+
3 Ito ay mainam at kaayaaya+ sa paningin ng ating Tagapagligtas, ang Diyos,+
4 na ang kalooban ay na ang lahat ng uri ng mga tao+ ay maligtas+ at sumapit sa tumpak na kaalaman+ sa katotohanan.+
5 Sapagkat may isang Diyos,+ at isang tagapamagitan+ sa Diyos+ at sa mga tao,+ isang tao, si Kristo Jesus,+
6 na nagbigay ng kaniyang sarili bilang katumbas na pantubos para sa lahat+—ito ang siyang patototohanan sa mismong mga panahon nito.
7 Dahil nga sa layunin ng patotoong+ ito ay inatasan ako bilang mangangaral at apostol+—nagsasabi ako ng katotohanan,+ hindi ako nagsisinungaling—guro ng mga bansa+ may kinalaman sa pananampalataya+ at katotohanan.
8 Kaya nga nais ko na sa bawat dako ay magpatuloy sa pananalangin ang mga lalaki, na itinataas ang matatapat na kamay,+ hiwalay sa poot+ at mga debate.+
9 Gayundin naman nais kong gayakan ng mga babae ang kanilang sarili ng maayos na pananamit, na may kahinhinan+ at katinuan ng pag-iisip, hindi ng mga istilo ng pagtitirintas ng buhok at ginto o mga perlas o napakamamahaling kagayakan,+
10 kundi sa paraan na angkop sa mga babae na nag-aangking nagpipitagan sa Diyos,+ samakatuwid nga, sa pamamagitan ng mabubuting gawa.+
11 Ang babae ay matuto nang tahimik taglay ang lubos na pagpapasakop.+
12 Hindi ko pinahihintulutan ang babae na magturo,+ o magkaroon ng awtoridad sa lalaki,+ kundi tumahimik.
13 Sapagkat si Adan ang unang inanyuan, pagkatapos ay si Eva.+
14 Gayundin, si Adan ay hindi nalinlang,+ kundi ang babae ang lubusang nalinlang+ at nahulog sa pagsalansang.+
15 Gayunman, maiingatan siyang ligtas sa pamamagitan ng pag-aanak,+ kung mananatili sila sa pananampalataya at pag-ibig at pagpapabanal kasama ng katinuan ng pag-iisip.+