1 Timoteo 4:1-16
4 Gayunman, ang kinasihang pananalita ay tiyakang nagsasabi na sa mga huling yugto ng panahon+ ang ilan ay hihiwalay+ mula sa pananampalataya, na nagbibigay-pansin sa nagliligaw na kinasihang mga pananalita+ at mga turo ng mga demonyo,+
2 sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsasalita ng mga kasinungalingan,+ na natatakan sa kanilang budhi+ na waring sa pamamagitan ng pangherong bakal;
3 na ipinagbabawal ang pag-aasawa,+ ipinag-uutos ang pag-iwas sa mga pagkain+ na nilalang ng Diyos+ upang pagsaluhan nang may pasasalamat niyaong mga may pananampalataya+ at may-katumpakang nakaaalam ng katotohanan.
4 Ang dahilan nito ay sapagkat ang bawat nilalang ng Diyos ay mainam,+ at walang anuman ang dapat itakwil+ kung ito ay tinatanggap nang may pasasalamat,+
5 sapagkat ito ay napababanal sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng panalangin ukol dito.
6 Sa pagbibigay ng mga payong ito sa mga kapatid, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Kristo Jesus, isang tinutustusan ng mga salita ng pananampalataya at ng mainam na turo+ na maingat mong sinundan.+
7 Ngunit tanggihan mo ang mga kuwentong di-totoo+ na lumalapastangan sa kung ano ang banal at siyang ikinukuwento ng matatandang babae. Sa kabilang dako, sanayin mo ang iyong sarili na ang tunguhin mo ay makadiyos na debosyon.+
8 Sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti; ngunit ang makadiyos na debosyon+ ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mga bagay,+ yamang hawak nito ang pangako sa buhay ngayon at yaong darating.+
9 Tapat at karapat-dapat sa lubusang pagtanggap ang kapahayagang iyon.+
10 Sapagkat sa layuning ito ay nagpapagal tayo at nagpupunyagi,+ sapagkat inilagak natin ang ating pag-asa+ sa isang Diyos na buháy, na siyang Tagapagligtas+ ng lahat ng uri ng mga tao,+ lalo na ng mga tapat.+
11 Patuloy mong ibigay ang mga utos na ito+ at ituro ang mga iyon.+
12 Huwag hamakin ng sinumang tao ang iyong kabataan.+ Sa halip, sa mga tapat+ ay maging halimbawa+ ka sa pagsasalita, sa paggawi, sa pag-ibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.+
13 Habang ako ay papariyan, magsikap ka sa pangmadlang+ pagbabasa,+ sa pagpapayo, sa pagtuturo.
14 Huwag mong pababayaan ang kaloob+ na nasa iyo na ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng panghuhula+ at nang ipatong sa iyo ng lupon ng matatandang lalaki ang kanilang mga kamay.+
15 Magmuni-muni ka sa mga bagay na ito;+ magbuhos ka ng pansin sa mga iyon, upang ang iyong pagsulong+ ay mahayag sa lahat ng mga tao.
16 Laging bigyang-pansin ang iyong sarili+ at ang iyong turo.+ Manatili ka sa mga bagay na ito, sapagkat sa paggawa nito ay ililigtas mo kapuwa ang iyong sarili at yaong mga nakikinig sa iyo.+