1 Timoteo 5:1-25
5 Huwag mong punahin nang may katindihan ang isang matandang lalaki.+ Sa halip, mamanhik ka sa kaniya gaya ng sa isang ama, sa mga nakababatang lalaki gaya ng sa mga kapatid na lalaki,
2 sa matatandang babae+ gaya ng sa mga ina, sa mga nakababatang babae gaya ng sa mga kapatid na babae+ nang may buong kalinisan.
3 Parangalan mo ang mga babaing balo na talagang mga balo.+
4 Ngunit kung ang sinumang babaing balo ay may mga anak o mga apo, matuto muna ang mga ito na magsagawa ng makadiyos na debosyon sa kanilang sariling sambahayan+ at patuloy na magbayad ng kaukulang kagantihan sa kanilang mga magulang+ at mga lolo’t lola, sapagkat ito ay kaayaaya sa paningin ng Diyos.+
5 Ngayon ang babae na talagang balo at naiwang naghihikahos+ ay naglalagak ng kaniyang pag-asa sa Diyos+ at nagpapatuloy sa mga pagsusumamo at mga panalangin gabi at araw.+
6 Ngunit ang isa na nagpapakasasa sa pagpapalugod sa laman+ ay patay+ bagaman siya ay buháy.
7 Kaya patuloy mong ibigay ang mga utos na ito,+ upang sila ay hindi mapulaan.+
8 Kung ang sinuman nga ay hindi naglalaan para roon sa mga sariling kaniya,+ at lalo na para roon sa mga miyembro ng kaniyang sambahayan,+ itinatwa+ na niya ang pananampalataya+ at lalong masama kaysa sa taong walang pananampalataya.
9 Ilagay sa talaan ang babaing balo na hindi bababà sa animnapung taóng gulang, asawa ng isang lalaki,+
10 na pinatototohanan dahil sa maiinam na gawa,+ kung nagpalaki siya ng mga anak,+ kung nag-asikaso siya ng ibang tao,+ kung naghugas siya ng mga paa ng mga banal,+ kung pinaginhawa niya yaong mga nasa kapighatian,+ kung masikap siyang sumunod sa bawat mabuting gawa.+
11 Sa kabilang dako, tanggihan mo ang mga nakababatang babaing balo, sapagkat kapag ang kanilang seksuwal na mga simbuyo ay lumagay sa pagitan nila at ng Kristo,+ nais nilang mag-asawa,
12 na nagkakaroon ng hatol sapagkat winalang-halaga nila ang kanilang unang kapahayagan ng pananampalataya.+
13 Kasabay nito ay natututo rin sila na maging walang pinagkakaabalahan, nagpapalipat-lipat sa mga bahay; oo, hindi lamang walang pinagkakaabalahan, kundi mga tsismosa rin naman at mga mapanghimasok sa buhay-buhay ng ibang tao,+ na nagsasalita ng mga bagay na hindi dapat.
14 Kaya nga nais kong ang mga nakababatang babaing balo ay mag-asawa,+ magsipag-anak,+ mamahala ng isang sambahayan, huwag magbigay ng pangganyak sa sumasalansang upang manlait.+
15 Sa katunayan, ang ilan ay bumaling na sa pagsunod kay Satanas.
16 Kung ang sinumang nananampalatayang babae ay may mga babaing balo, paginhawahin niya sila,+ at huwag pabigatan ang kongregasyon. Sa gayon ay mapagiginhawa nito yaong talagang mga balo.+
17 Ang matatandang lalaki na namumuno+ sa mahusay na paraan ay kilalaning karapat-dapat sa dobleng karangalan,+ lalo na yaong mga nagpapagal sa pagsasalita at pagtuturo.+
18 Sapagkat ang kasulatan ay nagsasabi: “Huwag mong bubusalan ang toro kapag ito ay gumigiik ng butil”;+ gayundin: “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.”+
19 Huwag kang tatanggap ng akusasyon laban sa isang matandang lalaki, maliban lamang sa katibayan ng dalawa o tatlong saksi.+
20 Sawayin+ mo sa harap ng lahat ng mga nagmamasid ang mga taong namimihasa sa kasalanan,+ upang ang iba ay magkaroon din ng takot.+
21 May-kataimtiman kitang inuutusan sa harap ng Diyos at ni Kristo Jesus+ at ng piniling mga anghel na tuparin ang mga bagay na ito nang hindi patiunang humahatol, na walang anumang ginagawang pagkiling.+
22 Huwag mong ipatong nang madalian ang iyong mga kamay+ sa sinumang tao;+ ni maging kabahagi man sa mga kasalanan ng iba;+ ingatan mong malinis ang iyong sarili.+
23 Huwag ka nang uminom ng tubig, kundi gumamit ka ng kaunting alak+ dahil sa iyong sikmura at sa iyong malimit na pagkakasakit.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag+ sa madla, na tuwirang umaakay sa paghatol, ngunit kung tungkol naman sa ibang mga tao ang kanilang mga kasalanan ay nagiging hayag din sa kalaunan.+
25 Gayundin naman ang maiinam na gawa ay hayag sa madla+ at yaong mga di-gayon ay hindi maiingatang nakatago.+