1 Timoteo 6:1-21

6  Patuloy na ituring ng lahat ng mga alipin na nasa ilalim ng pamatok ang mga may-ari sa kanila bilang karapat-dapat sa buong karangalan,+ upang ang pangalan ng Diyos at ang turo ay hindi mapagsalitaan nang nakapipinsala.+  Isa pa, yaong may mga nananampalatayang may-ari+ ay huwag manghamak sa kanila,+ sapagkat sila ay mga kapatid.+ Sa halip, lalo pa nga silang maging handang magpaalipin, sapagkat yaong mga tumatanggap ng pakinabang ng kanilang mabuting paglilingkod ay mga mananampalataya at minamahal. Patuloy mong ituro ang mga bagay na ito+ at ibigay ang mga payong ito.  Kung ang sinumang tao ay nagtuturo ng ibang doktrina+ at hindi sumasang-ayon sa nakapagpapalusog na mga salita,+ yaong sa ating Panginoong Jesu-Kristo, ni sa turo na kaayon ng makadiyos na debosyon,+  siya ay nagmamalaki,+ na walang anumang nauunawaan,+ kundi may sakit sa isip+ may kinalaman sa mga pagtatanong at mga debate tungkol sa mga salita.+ Sa mga bagay na ito nagmumula ang inggit,+ hidwaan, mga mapang-abusong+ pananalita, mga balakyot na paghihinala,  mararahas na pagtatalo tungkol sa maliliit na bagay ng mga taong napasamâ ang pag-iisip+ at salat sa katotohanan,+ na nag-iisip na ang makadiyos na debosyon ay isang paraan ng pakinabang.+  Ang totoo, ito ay isang paraan ng malaking pakinabang,+ itong makadiyos na debosyon+ kalakip ang kasiyahan sa sarili.+  Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong anumang mailalabas.+  Kaya, sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, magiging kontento na tayo sa mga bagay na ito.+  Gayunman, yaong mga determinadong maging mayaman ay nahuhulog sa tukso+ at sa silo at sa maraming hangal at nakasasakit na mga pagnanasa,+ na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at pagkapahamak.+ 10  Sapagkat ang pag-ibig+ sa salapi ay ugat+ ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay,+ at sa pag-abot sa pag-ibig na ito ang ilan ay nailigaw mula sa pananampalataya at napagsasaksak ng maraming kirot ang kanilang sarili.+ 11  Gayunman, ikaw, O tao ng Diyos, tumakas ka mula sa mga bagay na ito.+ Ngunit itaguyod mo ang katuwiran, makadiyos na debosyon, pananampalataya, pag-ibig, pagbabata, kahinahunan ng kalooban.+ 12  Ipakipaglaban mo ang mainam na pakikipaglaban ng pananampalataya,+ manghawakan kang mahigpit sa buhay na walang hanggan na ukol dito ay tinawag ka at inihandog mo ang mainam na pangmadlang pagpapahayag+ sa harap ng maraming saksi. 13  Sa paningin ng Diyos, na siyang nagpapanatiling buháy sa lahat ng mga bagay, at ni Kristo Jesus, na bilang isang saksi+ ay gumawa ng mainam na pangmadlang pagpapahayag+ sa harap ni Poncio Pilato,+ ay nagbibigay ako ng utos sa iyo+ 14  na tuparin mo ang utos sa isang walang-batik at di-mapupulaang paraan hanggang sa pagkakahayag+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo. 15  Ang pagkakahayag na ito ay ipakikita ng maligaya at tanging Makapangyarihang Tagapamahala+ sa sarili nitong takdang panahon,+ siya na Hari+ niyaong mga namamahala bilang mga hari at Panginoon+ niyaong mga namamahala bilang mga panginoon, 16  ang isa na tanging nagtataglay ng imortalidad,+ na tumatahan sa di-malapitang liwanag,+ na walang isa man sa mga tao ang nakakita o makakakita.+ Sumakaniya nawa ang karangalan+ at kalakasan na walang hanggan. Amen. 17  Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman+ sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip,+ at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan,+ kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan;+ 18  na gumawa ng mabuti,+ na maging mayaman sa maiinam na gawa,+ na maging mapagbigay, handang mamahagi,+ 19  maingat na nag-iimbak+ para sa kanilang sarili ng isang mainam na pundasyon+ para sa hinaharap, upang makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.+ 20  O Timoteo, bantayan mo ang ipinagkatiwala sa iyo,+ na tinatalikdan ang walang-katuturang mga usapan na lumalapastangan sa kung ano ang banal at ang mga pagsasalungatan ng may-kabulaanang tinatawag na “kaalaman.”+ 21  Dahil sa pagpaparangalan ng gayong kaalaman ay lumihis ang ilan mula sa pananampalataya.+ Sumainyo nawa ang di-sana-nararapat na kabaitan.

Talababa