2 Samuel 24:1-25

24  At muling+ nag-init ang galit ni Jehova laban sa Israel, nang may isang mag-udyok kay David laban sa kanila, na sinasabi: “Yumaon ka, bilangin+ mo ang Israel at ang Juda.”  Kaya sinabi ng hari kay Joab+ na pinuno ng mga hukbong militar na kasama niya: “Pakisuyo, lumibot ka sa lahat ng tribo ng Israel, mula sa Dan hanggang sa Beer-sheba,+ at irehistro ninyo ang bayan,+ at malalaman ko nga ang bilang ng bayan.”+  Ngunit sinabi ni Joab sa hari: “Dagdagan nawa ni Jehova na iyong Diyos ang bayan ng isang daang ulit ng dami nila habang nakikita iyon ng mismong mga mata ng panginoon kong hari. Ngunit kung tungkol sa panginoon kong hari, bakit niya kinalulugdan ang bagay na ito?”+  Nang dakong huli, ang salita ng hari ay nanaig+ kay Joab at sa mga pinuno ng mga hukbong militar. Kaya si Joab at ang mga pinuno ng mga hukbong militar ay lumabas mula sa harap ng hari upang irehistro+ ang bayang Israel.  Sa gayon ay tumawid sila ng Jordan at nagkampo sa Aroer+ sa dakong kanan ng lunsod na nasa gitna ng agusang libis, patungo sa mga Gadita,+ at hanggang sa Jazer.+  Pagkatapos ay nakarating sila sa Gilead+ at sa lupain ng Tatim-hodsi at nagpatuloy hanggang sa Dan-jaan at lumibot hanggang sa Sidon.+  Nang magkagayon ay pumaroon sila sa tanggulan ng Tiro+ at sa lahat ng mga lunsod ng mga Hivita+ at ng mga Canaanita at pumaroon sa pinakadulo sa Negeb+ ng Juda sa Beer-sheba.+  Sa gayon ay naglibot sila sa buong lupain at dumating sa Jerusalem sa pagwawakas ng siyam na buwan at dalawampung araw.  At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkakarehistro+ ng bayan; at ang Israel ay umabot sa walong daang libong magigiting na lalaki na humahawak ng tabak, at ang mga lalaki ng Juda ay limang daang libong lalaki.+ 10  At si David ay pinasimulang bagabagin+ ng kaniyang puso pagkatapos niyang bilangin nang gayon ang bayan. Kaya sinabi ni David kay Jehova: “Ako ay nagkasala+ nang malubha sa ginawa ko. At ngayon, Jehova, palampasin+ mo ang kamalian ng iyong lingkod, pakisuyo; sapagkat kumilos ako nang may malaking kamangmangan.”+ 11  Nang tumindig si David sa kinaumagahan, ang salita ni Jehova ay dumating kay Gad+ na propeta, na tagapangitain+ ni David, na nagsasabi: 12  “Yumaon ka, at sabihin mo kay David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Tatlong bagay ang ipapataw ko sa iyo.+ Pumili ka ng isa sa mga iyon upang magawa ko iyon sa iyo.” ’ ”+ 13  Sa gayon ay pumaroon si Gad kay David at nagsaysay sa kaniya at nagsabi sa kaniya:+ “Pasasapitin ba sa iyo ang pitong taon na taggutom sa iyong lupain,+ o tatlong buwan kang tatakas sa harap ng iyong mga kalaban,+ habang tinutugis ka nila, o magkakaroon ba ng tatlong araw na salot sa iyong lupain?+ Ngayon nga ay alamin mo at tingnan kung ano ang itutugon ko sa Isa na nagsusugo sa akin.” 14  Kaya sinabi ni David kay Gad: “Lubha itong nakapipighati sa akin. Mahulog nawa kami, pakisuyo, sa kamay ni Jehova,+ sapagkat marami ang kaniyang kaawaan;+ ngunit sa kamay ng tao ay huwag nawa akong mahulog.”+ 15  Nang magkagayon ay nagpasapit si Jehova ng salot+ sa Israel mula umaga hanggang sa panahong takda, anupat mula sa bayan buhat sa Dan hanggang sa Beer-sheba+ ay pitumpung libong tao ang namatay.+ 16  At patuloy na iniunat ng anghel+ ang kaniyang kamay patungong Jerusalem upang salantain ito; at ikinalungkot+ ni Jehova ang kapahamakan, kung kaya sinabi niya sa anghel na nananalanta sa gitna ng bayan: “Sapat na! Ngayon ay ibaba mo na ang iyong kamay.” At ang anghel ni Jehova ay nagkataong malapit sa giikan ni Arauna+ na Jebusita.+ 17  At sinabi ni David kay Jehova, nang makita niya ang anghel na nagpapabagsak sa bayan, oo, sinabi niya: “Narito, ako ang nagkasala at ako ang gumawa ng mali; ngunit ang mga tupang+ ito—ano ang nagawa nila? Pakisuyo, ang iyong kamay nawa ay maging laban sa akin+ at laban sa sambahayan ng aking ama.” 18  Nang maglaon ay pumaroon si Gad kay David nang araw na iyon at nagsabi sa kaniya: “Umahon ka, magtayo ka para kay Jehova ng isang altar sa giikan ni Arauna na Jebusita.”+ 19  At si David ay nagsimulang umahon ayon sa salita ni Gad, ayon sa iniutos ni Jehova.+ 20  Nang tumingin si Arauna sa ibaba at makita ang hari at ang kaniyang mga lingkod na dumaraan patungo sa kaniya, kaagad na lumabas si Arauna at yumukod+ sa hari habang ang kaniyang mukha ay nakaharap sa lupa.+ 21  Nang magkagayon ay sinabi ni Arauna: “Bakit naparito sa kaniyang lingkod ang panginoon kong hari?” Sinabi naman ni David: “Upang bilhin+ sa iyo ang giikan na pagtatayuan ng isang altar para kay Jehova, upang ang salot+ ay matigil mula sa bayan.” 22  Ngunit sinabi ni Arauna kay David: “Kunin iyon+ ng panginoon kong hari at ihandog kung ano ang mabuti sa kaniyang paningin. Narito ang mga baka bilang handog na sinusunog at ang panggiik na kareta at ang mga kagamitan ng mga baka bilang kahoy.+ 23  Ang lahat ng bagay, O hari, ay ibinibigay ni Arauna sa hari.” At sinabi pa ni Arauna sa hari: “Kalugdan ka nawa ni Jehova na iyong Diyos.”+ 24  Gayunman, sinabi ng hari kay Arauna: “Hindi, kundi walang pagsalang bibilhin ko iyon sa iyo kapalit ng isang halaga;+ at hindi ako maghahandog kay Jehova na aking Diyos ng mga haing sinusunog nang walang bayad.”+ Kaya binili+ ni David ang giikan at ang mga baka ng limampung siklong pilak. 25  At si David ay nagtayo roon ng isang altar+ para kay Jehova at naghandog ng mga haing sinusunog at mga haing pansalu-salo, at hinayaan ni Jehova na siya ay mapamanhikan+ dahil sa lupain, anupat ang salot ay natigil mula sa Israel.

Talababa