Bilang 23:1-30

23  Nang magkagayon ay sinabi ni Balaam kay Balak: “Ipagtayo mo ako sa lugar na ito ng pitong altar+ at ipaghanda mo ako sa lugar na ito ng pitong toro at pitong barakong tupa.”  Kaagad na ginawa ni Balak ang gaya ng sinalita ni Balaam. Pagkatapos ay naghandog si Balak at si Balaam ng isang toro at isang barakong tupa sa bawat altar.+  At sinabi pa ni Balaam kay Balak: “Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na sinusunog,+ at payaunin mo ako. Marahil ay makikipagtalastasan si Jehova at makikipagtagpo sa akin.+ Kung magkagayon, anuman ang ipakita niya sa akin ay sasabihin ko nga sa iyo.” Sa gayon ay pumaroon siya sa isang hantad na burol.  Nang makipagtalastasan ang Diyos kay Balaam+ ay sinabi niya sa Kaniya: “Pinaghanay-hanay ko ang pitong altar, at naghandog ako ng isang toro at isang barakong tupa sa bawat altar.”+  Sa gayon ay naglagay si Jehova ng salita sa bibig ni Balaam+ at sinabi: “Bumalik ka kay Balak, at ito ang sasalitain mo.”+  Kaya bumalik siya sa kaniya, at, narito! siya at ang lahat ng prinsipe ng Moab ay nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na sinusunog.  Nang magkagayon ay sinambit niya ang kaniyang kasabihan+ at sinabi:“Mula sa Aram+ ay sinikap akong dalhin ni Balak na hari ng Moab,Mula sa mga bundok sa silangan:‘Pumarito ka, sumpain mo ang Jacob para sa akin.Oo, pumarito ka, tuligsain mo ang Israel.’+   Paano ko susumpain yaong mga hindi naman isinumpa ng Diyos?+At paano ko tutuligsain yaong mga hindi naman tinuligsa ni Jehova?+   Sapagkat mula sa taluktok ng mga bato ay nakikita ko sila,At mula sa mga burol ay natatanaw ko sila.Doon bilang isang bayan ay nagtatabernakulo silang nakabukod,+At sa mga bansa ay hindi nila ibinibilang ang kanilang sarili.+ 10  Sino ang nakabilang ng mga butil ng alabok ng Jacob,+At sino ang nakabilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?Ikamatay nawa ng aking kaluluwa ang kamatayan ng mga matuwid,+At ang aking kawakasan nawa sa dakong huli ay maging tulad ng sa kanila.”+ 11  Dahil dito ay sinabi ni Balak kay Balaam: “Ano ang ginawa mo sa akin? Dinala kita upang sumpain ang aking mga kaaway, at narito, pinagpala mo sila nang lubusan.”+ 12  Sumagot naman siya at sinabi: “Hindi ba ang anumang ilagay ni Jehova sa aking bibig ang siyang dapat kong ingatang salitain?”+ 13  Nang magkagayon ay sinabi ni Balak sa kaniya: “Pakisuyo, sumama ka sa akin sa ibang dako na mula roon ay makikita mo sila. Ang dulo lamang nila ang makikita mo,+ at hindi mo sila makikitang lahat. At sumpain mo sila para sa akin mula roon.”+ 14  Kaya dinala niya siya sa parang ng Zopim, sa taluktok ng Pisga,+ at nagtayo ng pitong altar at naghandog ng isang toro at isang barakong tupa sa bawat altar.+ 15  Pagkatapos ay sinabi niya kay Balak: “Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na sinusunog, at, ako naman, ako ay makikipagtalastasan sa kaniya roon.” 16  At nakipagtalastasan si Jehova kay Balaam at naglagay ng salita sa kaniyang bibig at sinabi:+ “Bumalik ka kay Balak,+ at ito ang sasalitain mo.” 17  Kaya pumaroon siya sa kaniya, at, narito! siya ay nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na sinusunog, at ang mga prinsipe ng Moab ay kasama niya. Nang magkagayon ay sinabi ni Balak sa kaniya: “Ano ang sinalita ni Jehova?” 18  Dito ay sinambit niya ang kaniyang kasabihan at sinabi:+“Bumangon ka, Balak, at makinig ka.Pakinggan mo ako, O anak ni Zipor.+ 19  Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling,+Ni anak man ng sangkatauhan na magsisisi.+Siya ba ang nagsabi niyaon at hindi niya gagawin,At siya ba ang nagsalita at hindi niya isasagawa?+ 20  Narito! Ako ay kinuha upang magpala,At Kaniyang pinagpala,+ at hindi ko iyon mababago.+ 21  Hindi siya nakakita ng anumang mahiwagang kapangyarihan+ laban sa Jacob,At wala siyang nakitang kabagabagan laban sa Israel.Si Jehova na kaniyang Diyos ay sumasakaniya,+At ang malakas na pagbubunyi sa isang hari ay nasa gitna niya. 22  Diyos ang naglalabas sa kanila mula sa Ehipto.+Ang matuling takbo na tulad ng sa torong gubat ay kaniya.+ 23  Sapagkat walang masamang engkanto laban sa Jacob,+Ni may anumang panghuhula laban sa Israel.+Sa panahong ito ay masasabi may kinalaman sa Jacob at sa Israel,‘Ano nga ang ginawa ng Diyos!’+ 24  Masdan, ang isang bayan ay babangon na tulad ng isang leon,At tulad ng leon ay titindig ito.+Hindi ito hihiga hanggang sa makakain ito ng nahuli,At ang dugo ng mga napatay ay iinumin nito.”+ 25  Dahil dito ay sinabi ni Balak kay Balaam: “Kung sa isang dako ay hindi mo siya maisumpa, sa kabilang dako ay huwag mo naman siyang pagpalain.” 26  Sumagot naman si Balaam at sinabi kay Balak: “Hindi ba sinalita ko sa iyo, na sinasabi, ‘Ang lahat ng sasalitain ni Jehova ang siyang gagawin ko’?”+ 27  Nang magkagayon ay sinabi ni Balak kay Balaam: “Pumarito ka, pakisuyo. Dadalhin kita sa isa pang dako. Marahil ay magiging marapat sa paningin ng tunay na Diyos anupat susumpain mo nga siya para sa akin mula roon.”+ 28  At dinala ni Balak si Balaam sa taluktok ng Peor, na nakaharap sa Jesimon.+ 29  Nang magkagayon ay sinabi ni Balaam+ kay Balak: “Ipagtayo mo ako sa lugar na ito ng pitong altar at ipaghanda mo ako sa lugar na ito ng pitong toro at pitong barakong tupa.”+ 30  Kaya ginawa ni Balak ang gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog siya ng isang toro at isang barakong tupa sa bawat altar.+

Talababa