Bilang 24:1-25

24  Nang makita ni Balaam na naging mabuti sa paningin ni Jehova na pagpalain ang Israel, hindi siya umalis gaya ng dati+ upang makasumpong ng anumang masamang tanda,+ kundi iniharap niya ang kaniyang mukha sa ilang.  Nang itingin ni Balaam ang kaniyang mga mata at makita ang Israel na nagtatabernakulo ayon sa kaniyang mga tribo,+ ang espiritu ng Diyos ay sumakaniya.+  Kaya sinambit niya ang kaniyang kasabihan+ at nagsabi: “Ang sinabi ni Balaam na anak ni Beor,At ang sinabi ng matipunong lalaki na may matang di-nakasara,+   Ang sinabi ng isa na nakaririnig ng mga pananalita ng Diyos,+Na nakakita ng isang pangitain ng Makapangyarihan-sa-lahat+Habang bumabagsak nang di-nakapikit ang mga mata:+   Pagkagaganda ng iyong mga tolda, O Jacob, ng iyong mga tabernakulo, O Israel!+   Tulad ng mga agusang libis ay umaabot ang mga iyon sa malayo,+Tulad ng mga hardin sa tabi ng ilog.+Tulad ng mga halamang aloe na itinanim ni Jehova,Tulad ng mga sedro sa tabi ng tubig.+   Ang tubig ay patuloy na tumutulo mula sa kaniyang dalawang timbang katad,At ang kaniyang binhi ay nasa tabi ng maraming tubig.+Ang kaniyang hari+ ay magiging mas mataas din kaysa kay Agag,+At ang kaniyang kaharian ay madadakila.+   Diyos ang naglalabas sa kaniya mula sa Ehipto;Ang matuling takbo ng isang torong gubat ay kaniya.+Lalamunin niya ang mga bansa, na kaniyang mga maniniil,+At ang kanilang mga buto ay ngangatngatin niya,+ at pagdudurug-durugin niya sila sa pamamagitan ng kaniyang mga palaso.+   Siya ay yumukod, humiga siyang tulad ng leon,At, tulad ng leon, sino ang mangangahas na gumising sa kaniya?+Yaong mga nagpapala sa iyo ang siyang mga pinagpapala,+At yaong mga sumusumpa sa iyo ang siyang mga isinusumpa.”+ 10  Dahil dito ay lumagablab ang galit ni Balak laban kay Balaam at ipinalakpak niya ang kaniyang mga kamay,+ at sinabi ni Balak kay Balaam: “Tinawag kita upang sumpain+ ang aking mga kaaway, at, narito! pinagpala mo sila nang lubusan nitong tatlong ulit. 11  At ngayon ay tumakbo ka sa iyong dako. Sinabi ko sa aking sarili na walang pagsalang pararangalan kita,+ ngunit, narito! pinigilan ka ni Jehova mula sa karangalan.” 12  Sinabi naman ni Balaam kay Balak: “Hindi ba sa iyong mga mensahero na isinugo mo sa akin ay sinalita ko rin, na sinasabi, 13  ‘Kahit ibigay sa akin ni Balak ang kaniyang bahay na punô ng pilak at ginto, hindi ko malalampasan ang utos ni Jehova upang makagawa ng anumang bagay na mabuti o masama mula sa aking sariling puso. Anuman ang sasalitain ni Jehova ay siyang sasalitain ko’?+ 14  At ngayon, narito, ako ay paroroon sa aking bayan. Pumarito ka, ipahahayag ko sa iyo+ kung ano ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan sa dakong huli sa kawakasan ng mga araw.”+ 15  Kaya sinambit niya ang kaniyang kasabihan+ at nagsabi:“Ang sinabi ni Balaam na anak ni Beor,At ang sinabi ng matipunong lalaki na may matang di-nakasara,+ 16  Ang sinabi ng isa na nakaririnig ng mga pananalita ng Diyos,+At ang isa na nakaaalam ng kaalaman ng Kataas-taasan—Isang pangitain ng Makapangyarihan-sa-lahat ang nakita niya+Habang bumabagsak nang di-nakapikit ang mga mata:+ 17  Makikita ko siya,+ ngunit hindi ngayon;Mamamasdan ko siya, ngunit hindi sa malapit.Isang bituin+ ang tiyak na lalabas mula sa Jacob,At isang setro ang titindig nga mula sa Israel.+At tiyak na babasagin niya ang mga pilipisan ng ulo ni Moab+At ang bao ng ulo ng lahat ng mga anak ng kaguluhan ng digmaan. 18  At ang Edom ay magiging isang pag-aari,+Oo, ang Seir+ ay magiging pag-aari ng kaniyang mga kaaway,+Samantalang ang Israel ay nagpapamalas ng kaniyang lakas ng loob. 19  At mula sa Jacob ay may isang manunupil,+At pupuksain niya ang sinumang nakaligtas mula sa lunsod.”+ 20  Nang makita niya ang Amalek, dinagdagan pa niya ang kaniyang kasabihan at sinabi:+“Ang Amalek ay siyang una sa mga bansa,+Ngunit ang kaniyang kawakasan sa dakong huli ay ang kaniya ngang pagkalipol.”+ 21  Nang makita niya ang mga Kenita,+ dinagdagan pa niya ang kaniyang kasabihan at sinabi:“Matibay ang iyong tahanan, at nakatatag sa malaking bato ang iyong tirahan. 22  Ngunit may isa na susunog sa Kain.+Hanggang kailan pa kaya bago ka dalhing bihag ng Asirya?”+ 23  At dinagdagan pa niya ang kaniyang kasabihan at sinabi:“Sa aba! Sino ang makaliligtas kapag pinangyari iyon ng Diyos?+ 24  At magkakaroon ng mga barko mula sa baybayin ng Kitim,+At tiyak na pipighatiin nila ang Asirya,+At pipighatiin nga nila ang Eber.Ngunit siya man ay malilipol din sa bandang huli.” 25  Pagkatapos ay tumindig si Balaam at yumaon at bumalik sa kaniyang dako.+ At si Balak naman ay yumaon sa kaniyang lakad.

Talababa