Bilang 36:1-13

36  At ang mga ulo ng mga ama ng pamilya ng mga anak ni Gilead na anak ni Makir+ na anak ni Manases mula sa mga pamilya ng mga anak ni Jose ay lumapit at nagsalita sa harap ni Moises at ng mga pinuno, na mga ulo ng mga ama ng mga anak ni Israel,  at nagsabi: “Iniutos ni Jehova sa aking panginoon na ibigay ang lupain bilang mana sa pamamagitan ng palabunutan+ sa mga anak ni Israel; at ang aking panginoon ay inutusan ni Jehova na ibigay ang mana ni Zelopehad na aming kapatid sa kaniyang mga anak na babae.+  Kung mangyaring kunin sila bilang mga asawa ng sinuman sa mga anak ng iba pang mga tribo ng mga anak ni Israel, ang mana ng mga babae ay aalisin din mula sa mana ng aming mga ama at idaragdag sa mana ng tribo na magmamay-ari sa kanila, anupat ito ay aalisin mula sa napalabunutan naming mana.+  At kung maganap ang Jubileo+ para sa mga anak ni Israel, ang mana ng mga babae ay idaragdag din sa mana ng tribo na magmamay-ari sa kanila; anupat ang kanilang mana ay aalisin mula sa mana ng tribo ng aming mga ama.”  Nang magkagayon ay nag-utos si Moises sa mga anak ni Israel ayon sa utos ni Jehova, na sinasabi: “Ang tribo ng mga anak ni Jose ay nagsasalita ng tama.  Ito ang salita na iniutos ni Jehova para sa mga anak na babae ni Zelopehad,+ na sinasabi, ‘Sa kaninumang magalingin ng kanilang mga mata ay maaari silang maging asawa. Ngunit sa pamilya lamang ng tribo ng kanilang mga ama maaari silang maging asawa.+  At walang mana ng mga anak ni Israel ang magpapalipat-lipat sa tribo at tribo, sapagkat ang mga anak ni Israel ay dapat manghawakan, bawat isa sa mana ng tribo ng kaniyang mga ninuno.  At bawat anak na babae na nagmamay-ari ng isang mana mula sa mga tribo ng mga anak ni Israel, siya ay dapat na maging asawa ng isa na mula sa pamilya ng tribo ng kaniyang ama,+ upang ariin ng mga anak ni Israel bawat isa ang mana ng kaniyang mga ninuno.  At walang mana ang magpapalipat-lipat sa tribo at tribo, sapagkat ang mga tribo ng mga anak ni Israel ay dapat manghawakan, bawat isa sa sarili nitong mana.’” 10  Kung ano ang iniutos ni Jehova kay Moises, gayon ang ginawa ng mga anak na babae ni Zelopehad.+ 11  Sa gayon si Maala, si Tirza at si Hogla at si Milca at si Noa, na mga anak na babae ni Zelopehad,+ ay naging mga asawa ng mga anak ng mga kapatid na lalaki ng kanilang ama. 12  Sila ay naging mga asawa ng ilan mula sa mga pamilya ng mga anak ni Manases na anak ni Jose, upang ang kanilang mana ay manatiling nasa tribo ng pamilya ng kanilang ama. 13  Ito ang mga utos+ at ang mga hudisyal na pasiya na iniutos ni Jehova sa pamamagitan ni Moises sa mga anak ni Israel sa mga disyertong kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.+

Talababa