Bilang 7:1-89

7  At nangyari nang araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo,+ pinahiran+ niya iyon at pinabanal iyon at ang lahat ng kasangkapan nito at ang altar at ang lahat ng mga kagamitan nito. Sa gayon ay pinahiran niya ang mga iyon at pinabanal ang mga iyon.+  Pagkatapos ay naghandog ang mga pinuno ng Israel,+ na mga ulo ng sambahayan ng kanilang mga ama,+ yamang sila ang mga pinuno sa mga tribo at tumatayong tagapamahala sa mga rehistrado,  at dinala nila ang kanilang handog sa harap ni Jehova, anim na karwaheng may takip at labindalawang baka, isang karwahe para sa dalawang pinuno at isang toro para sa bawat isa; at inihandog nila ang mga iyon sa harap ng tabernakulo.  Dito ay sinabi ni Jehova kay Moises:  “Tanggapin mo ang mga iyon mula sa kanila, sapagkat ang mga iyon ay para sa pagsasagawa ng paglilingkod sa tolda ng kapisanan, at ibibigay mo ang mga iyon sa mga Levita, bawat isa ayon sa kaniyang sariling paglilingkod.”  Kaya tinanggap ni Moises ang mga karwahe at ang mga baka at ibinigay ang mga iyon sa mga Levita.  Dalawang karwahe at apat na baka ang ibinigay niya sa mga anak ni Gerson ayon sa kanilang paglilingkod,+  at apat na karwahe at walong baka ang ibinigay niya sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang paglilingkod,+ sa ilalim ng kamay ni Itamar na anak ni Aaron na saserdote.+  Ngunit sa mga anak ni Kohat ay wala siyang ibinigay, sapagkat ang paglilingkod sa dakong banal ay nakaatang sa kanila.+ Ginagawa nila ang kanilang pagpapasan sa balikat.+ 10  At ang mga pinuno ay naghandog noong pagpapasinaya+ ng altar nang araw na pahiran ito, at inihandog ng mga pinuno ang kanilang handog sa harap ng altar. 11  Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Isang pinuno sa isang araw at iba namang pinuno sa ibang araw ang magiging paraan nila ng paghaharap ng kanilang handog para sa pagpapasinaya ng altar.”+ 12  At ang naghandog ng kaniyang handog nang unang araw ay si Nason+ na anak ni Aminadab ng tribo ni Juda. 13  At ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal,+ na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 14  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;+ 15  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 16  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 17  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Nason na anak ni Aminadab.+ 18  Nang ikalawang araw ay naghandog si Netanel+ na anak ni Zuar, na pinuno ni Isacar. 19  Inihandog niya bilang kaniyang handog ang isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 20  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso; 21  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 22  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 23  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Netanel na anak ni Zuar. 24  Nang ikatlong araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Zebulon, si Eliab+ na anak ni Helon. 25  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil; 26  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso; 27  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 28  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 29  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Eliab na anak ni Helon.+ 30  Nang ikaapat na araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Ruben, si Elizur+ na anak ni Sedeur. 31  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 32  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso; 33  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 34  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 35  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Elizur na anak ni Sedeur.+ 36  Nang ikalimang araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Simeon, si Selumiel+ na anak ni Zurisadai. 37  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 38  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso; 39  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 40  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 41  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Selumiel na anak ni Zurisadai.+ 42  Nang ikaanim na araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Gad, si Eliasap+ na anak ni Deuel. 43  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 44  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;+ 45  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 46  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 47  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Eliasap na anak ni Deuel.+ 48  Nang ikapitong araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Efraim, si Elisama+ na anak ni Amihud. 49  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 50  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso; 51  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 52  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 53  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Elisama na anak ni Amihud.+ 54  Nang ikawalong araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Manases, si Gamaliel+ na anak ni Pedazur. 55  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 56  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;+ 57  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 58  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 59  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Gamaliel na anak ni Pedazur.+ 60  Nang ikasiyam na araw ay ang pinuno+ para sa mga anak ni Benjamin, si Abidan+ na anak ni Gideoni. 61  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 62  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso; 63  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 64  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 65  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Abidan na anak ni Gideoni.+ 66  Nang ikasampung araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Dan, si Ahiezer+ na anak ni Amisadai. 67  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 68  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso; 69  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 70  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 71  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Ahiezer na anak ni Amisadai.+ 72  Nang ikalabing-isang araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Aser, si Pagiel+ na anak ni Ocran. 73  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 74  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;+ 75  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 76  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 77  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Pagiel na anak ni Ocran.+ 78  Nang ikalabindalawang araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Neptali, si Ahira+ na anak ni Enan. 79  Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;+ 80  isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;+ 81  isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;+ 82  isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 83  at bilang haing pansalu-salo+ ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Ahira na anak ni Enan.+ 84  Ito ang handog sa pagpapasinaya+ sa altar nang araw na pahiran ito, mula sa mga pinuno+ ng Israel: labindalawang pinggang pilak, labindalawang mangkok na pilak,+ labindalawang kopang ginto; 85  isang daan at tatlumpung siklo sa bawat pinggang pilak, at pitumpu sa bawat mangkok, ang lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo apat na raang siklo ayon sa siklo ng dakong banal;+ 86  ang labindalawang kopang ginto+ na punô ng insenso ay sampung siklo bawat kopa ayon sa siklo ng dakong banal, ang lahat ng ginto ng mga kopa ay isang daan at dalawampung siklo; 87  ang lahat ng baka para sa handog na sinusunog+ ay labindalawang toro, labindalawang barakong tupa, labindalawang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang at ang kanilang mga handog na mga butil,+ at labindalawang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;+ 88  at ang lahat ng baka ng haing pansalu-salo+ ay dalawampu’t apat na toro, animnapung barakong tupa, animnapung kambing na lalaki, animnapung lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog sa pagpapasinaya+ sa altar pagkatapos na mapahiran ito.+ 89  At kapag pumapasok si Moises sa tolda ng kapisanan upang makipag-usap sa kaniya,+ maririnig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya mula sa itaas ng takip+ na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, mula sa pagitan ng dalawang kerubin;+ at magsasalita siya sa kaniya.

Talababa