Colosas 1:1-29
1 Si Pablo, isang apostol ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos,+ at si Timoteo+ na ating kapatid
2 sa mga banal at sa tapat na mga kapatid na kaisa+ ni Kristo sa Colosas:
Magkaroon nawa kayo ng di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama.+
3 Pinasasalamatan+ naming lagi ang Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo kapag nananalangin kami para sa inyo,+
4 yamang narinig namin ang tungkol sa inyong pananampalataya may kaugnayan kay Kristo Jesus at sa pag-ibig na taglay ninyo para sa lahat ng mga banal+
5 dahil sa pag-asa+ na inilalaan para sa inyo sa langit.+ Ang pag-asang ito ay narinig ninyo noon sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan ng mabuting balitang iyon+
6 na dumating sa inyo, kung paanong ito ay namumunga+ at lumalago+ sa buong sanlibutan+ gaya rin naman sa gitna ninyo, mula nang araw na marinig ninyo at may-katumpakang malaman ang di-sana-nararapat na kabaitan+ ng Diyos sa katotohanan.+
7 Iyan ang inyong natutuhan mula kay Epafras+ na ating minamahal na kapuwa alipin, na isang tapat na ministro ng Kristo para sa amin,
8 na siya ring nagbunyag sa amin ng inyong pag-ibig+ sa espirituwal na paraan.
9 Iyan din ang dahilan kung bakit kami, mula nang araw na marinig namin iyon, ay hindi tumitigil sa pananalangin para sa inyo+ at sa paghiling na mapuspos kayo ng tumpak na kaalaman+ sa kaniyang kalooban na may buong karunungan+ at espirituwal na pagkaunawa,+
10 sa layuning lumakad nang karapat-dapat+ kay Jehova+ upang palugdan siya nang lubos samantalang patuloy kayong namumunga sa bawat mabuting gawa+ at lumalago sa tumpak+ na kaalaman sa Diyos,
11 na pinalalakas taglay ang buong kapangyarihan ayon sa kaniyang maluwalhating kalakasan+ nang sa gayon ay makapagbata+ nang lubos at magkaroon ng mahabang pagtitiis taglay ang kagalakan,
12 na pinasasalamatan ang Ama na nagpangyaring maging karapat-dapat kayo sa inyong pakikibahagi sa mana+ ng mga banal+ sa liwanag.+
13 Iniligtas niya tayo mula sa awtoridad+ ng kadiliman at inilipat+ tayo sa kaharian+ ng Anak ng kaniyang pag-ibig,+
14 na sa pamamagitan niya ay taglay natin ang ating paglaya sa pamamagitan ng pantubos, ang kapatawaran ng ating mga kasalanan.+
15 Siya ang larawan+ ng di-nakikitang+ Diyos, ang panganay+ sa lahat ng nilalang;
16 sapagkat sa pamamagitan niya+ ang lahat ng iba pang bagay ay nilalang sa langit at sa ibabaw ng lupa, ang mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di-nakikita, maging mga trono man o mga pagkapanginoon o mga pamahalaan o mga awtoridad.+ Ang lahat ng iba pang bagay ay nilalang sa pamamagitan niya+ at para sa kaniya.
17 Gayundin, siya ay una pa sa lahat ng iba pang bagay+ at sa pamamagitan niya ang lahat ng iba pang bagay ay pinairal,+
18 at siya ang ulo ng katawan, ang kongregasyon.+ Siya ang pasimula, ang panganay mula sa mga patay,+ upang siya ang maging una+ sa lahat ng bagay;
19 sapagkat minabuti ng Diyos na ang buong kalubusan+ ay manahan sa kaniya,
20 at sa pamamagitan niya ay ipagkasundong+ muli sa kaniyang sarili ang lahat ng iba pang bagay+ sa paggawa ng kapayapaan+ sa pamamagitan ng dugo+ na kaniyang itinigis sa pahirapang tulos,+ maging ang mga iyon man ay mga bagay sa ibabaw ng lupa o mga bagay sa langit.
21 Kayo nga na mga dating hiwalay+ at mga kaaway sa dahilang ang inyong mga pag-iisip ay nasa mga gawang balakyot+
22 ay muli niya ngayong ipinakipagkasundo+ sa pamamagitan ng katawang laman ng isang iyon sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan,+ upang kayo ay iharap na banal at walang dungis+ at malaya sa anumang akusasyon+ sa harap niya,
23 sabihin pa, kung kayo ay nananatili sa pananampalataya,+ na nakatayo sa pundasyon+ at matatag+ at hindi naililihis mula sa pag-asa ng mabuting balitang iyon na inyong narinig,+ at siyang ipinangaral+ sa lahat ng nilalang+ na nasa silong ng langit. Tungkol sa mabuting balitang ito, akong si Pablo ay naging ministro.+
24 Ako ngayon ay nagsasaya sa aking mga pagdurusa para sa inyo,+ at pinupunan ko, sa ganang akin, ang kakulangan ng mga kapighatian+ ng Kristo sa aking laman alang-alang sa kaniyang katawan, na siyang kongregasyon.+
25 Ako ay naging isang ministro+ ng kongregasyong ito ayon sa pagiging katiwala+ mula sa Diyos na ibinigay sa akin para sa inyong kapakanan upang ipangaral nang lubusan ang salita ng Diyos,
26 ang sagradong lihim+ na itinago mula sa nakalipas na mga sistema ng mga bagay+ at mula sa nakaraang mga salinlahi. Ngunit ngayon ay ginawa na itong hayag+ sa kaniyang mga banal,
27 na sa kanila ay nalugod ang Diyos na ipaalam kung ano ang maluwalhating kayamanan+ ng sagradong lihim+ na ito sa gitna ng mga bansa. Ito ay si Kristo+ na kaisa ninyo, ang pag-asa ng kaniyang kaluwalhatian.+
28 Siya ang aming inihahayag,+ na pinaaalalahanan ang bawat tao at tinuturuan ang bawat tao sa buong karunungan,+ upang ang bawat tao ay maiharap naming ganap+ na kaisa ni Kristo.
29 Sa layunin ngang ito ay nagpapagal ako, na nagpupunyagi+ ayon sa pagkilos+ niya at siyang gumagana sa akin taglay ang kapangyarihan.+