Ezra 10:1-44

10  At nang makapanalangin+ si Ezra at makapagtapat+ siya habang tumatangis at nagpapatirapa+ sa harap ng bahay+ ng tunay na Diyos, yaong mga sa Israel ay nagtipon sa kaniya, isang napakalaking kongregasyon, mga lalaki at mga babae at mga bata, sapagkat ang bayan ay tumangis nang labis-labis.  Nang magkagayon ay sumagot si Secanias na anak ni Jehiel+ mula sa mga anak ni Elam+ at nagsabi kay Ezra: “Kami—gumawi kami nang di-tapat laban sa ating Diyos, sapagkat naglaan kami ng tahanan sa mga asawang banyaga mula sa mga tao ng lupain.+ Gayunman ay may pag-asa+ ngayon para sa Israel may kinalaman dito.  At ngayon ay makipagtipan+ tayo sa ating Diyos na ihiwalay+ ang lahat ng asawa at yaong mga ipinanganak nila ayon sa payo ni Jehova at niyaong mga nanginginig+ sa utos+ ng ating Diyos, upang maisagawa ito ayon sa kautusan.+  Bumangon ka, sapagkat ang bagay na ito ay nakaatang sa iyo, at kami ay sumasaiyo. Magpakalakas ka at kumilos.”  Dahil doon ay tumindig si Ezra at pinanumpa+ ang mga pinuno ng mga saserdote, ang mga Levita at ang buong Israel na gawin ang ayon sa salitang ito. Sa gayon ay nanumpa sila.  Si Ezra ngayon ay tumindig mula sa harap ng bahay ng tunay na Diyos at pumaroon sa bulwagang kainan+ ni Jehohanan na anak ni Eliasib. Bagaman nagpunta siya roon, hindi siya kumain ng tinapay+ at hindi uminom ng tubig, sapagkat nagdadalamhati+ siya dahil sa kawalang-katapatan ng itinapong bayan.  Pagkatapos ay nagpalabas sila ng isang panawagan sa buong Juda at Jerusalem na ang lahat ng dating tapon+ ay magtipon sa Jerusalem;  at ang sinumang hindi pumaroon+ sa loob ng tatlong araw ayon sa payo ng mga prinsipe+ at ng matatandang lalaki—ang lahat ng kaniyang pag-aari ay ipagbabawal+ at siya man ay ibubukod+ mula sa kongregasyon ng itinapong bayan.  Kaya ang lahat ng lalaki ng Juda at Benjamin ay nagtipon sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw, samakatuwid ay noong ikasiyam+ na buwan nang ikadalawampung araw ng buwan, at ang buong bayan ay nanatiling nakaupo sa hantad na dako ng bahay ng tunay na Diyos, na nangangatog dahil sa bagay na ito at dahil sa pagbuhos ng ulan.+ 10  Nang maglaon ay tumindig si Ezra na saserdote at nagsabi sa kanila: “Kayo ay gumawi nang di-tapat sa dahilang naglaan kayo ng tahanan sa mga asawang banyaga+ upang magdagdag sa pagkakasala ng Israel.+ 11  At ngayon ay magtapat+ kayo kay Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno at gawin ninyo ang kaniyang kaluguran+ at bumukod kayo mula sa mga tao ng lupain at mula sa mga asawang banyaga.”+ 12  Dito ay sumagot ang buong kongregasyon at nagsabi sa malakas na tinig: “Ang ayon mismo sa iyong salita ang nararapat naming gawin.+ 13  Gayunman, ang bayan ay marami, at kapanahunan noon ng pagbuhos ng ulan, at hindi nga maaaring tumayo sa labas; at ang gawain ay hindi gugugol ng isa o dalawang araw, sapagkat naghimagsik kami nang lubha tungkol sa bagay na ito. 14  Kaya, pakisuyo, hayaang katawanin ng ating mga prinsipe+ ang buong kongregasyon; at, kung tungkol sa lahat ng nasa ating mga lunsod na naglaan ng tahanan sa mga asawang banyaga, paparituhin sila sa mga panahong itinakda at isama nila ang matatandang lalaki ng kani-kaniyang lunsod at ang mga hukom nito, hanggang sa mapawi natin ang nag-aapoy na galit ng ating Diyos mula sa atin, dahil sa bagay na ito.” 15  (Gayunman, si Jonatan na anak ni Asahel at si Jahzeias na anak ni Tikva ang tumayo laban+ dito, at si Mesulam at si Sabetai+ na mga Levita ang tumulong sa kanila.) 16  At gayon ang ginawa ng mga dating tapon;+ at si Ezra na saserdote at ang mga lalaki na mga ulo ng mga ama para sa kanilang sambahayan sa panig ng ama,+ silang lahat nga ayon sa kanilang mga pangalan, ay bumukod ngayon at nagsimulang umupo nang unang araw ng ikasampung buwan+ upang mag-usisa tungkol sa bagay na ito;+ 17  at sa kalaunan ay natapos nila ang lahat ng lalaking naglaan ng tahanan sa mga asawang banyaga+ nang unang araw ng unang buwan. 18  At ang ilan sa mga anak ng mga saserdote+ ay nasumpungang naglaan ng tahanan sa mga asawang banyaga; sa mga anak ni Jesua+ na anak ni Jehozadak+ at sa kaniyang mga kapatid, si Maaseias at si Eliezer at si Jarib at si Gedalias. 19  Ngunit nangako sila sa pamamagitan ng pakikipagkamay na ihihiwalay ang kanilang mga asawa, at na, palibhasa’y nagkasala sila,+ dapat magkaroon ng isang barakong tupa+ mula sa kawan para sa kanilang pagkakasala. 20  At sa mga anak ni Imer+ ay naroon sina Hanani at Zebadias; 21  at sa mga anak ni Harim,+ si Maaseias at si Elias at si Semaias at si Jehiel at si Uzias; 22  at sa mga anak ni Pasur,+ si Elioenai, si Maaseias, si Ismael, si Netanel, si Jozabad at si Eleasa. 23  At sa mga Levita, si Jozabad at si Simei at si Kelaias (na siyang si Kelita), si Petahias, si Juda at si Eliezer; 24  at sa mga mang-aawit, si Eliasib; at sa mga bantay ng pintuang-daan, si Salum at si Telem at si Uri. 25  At sa Israel, sa mga anak ni Paros+ ay naroon sina Ramias at Izias at Malkias at Mijamin at Eleazar at Malkias at Benaias; 26  at sa mga anak ni Elam,+ si Matanias, si Zacarias at si Jehiel+ at si Abdi at si Jeremot at si Elias; 27  at sa mga anak ni Zatu,+ si Elioenai, si Eliasib, si Matanias at si Jeremot at si Zabad at si Aziza; 28  at sa mga anak ni Bebai,+ si Jehohanan, si Hananias, si Zabai, si Atlai; 29  at sa mga anak ni Bani, si Mesulam, si Maluc at si Adaias, si Jasub at si Seal at si Jeremot; 30  at sa mga anak ni Pahat-moab,+ si Adna at si Kelal, si Benaias, si Maaseias, si Matanias, si Bezalel at si Binui at si Manases; 31  at sa mga anak ni Harim,+ si Eliezer, si Isias, si Malkias,+ si Semaias, si Shimeon, 32  si Benjamin, si Maluc at si Semarias; 33  sa mga anak ni Hasum,+ si Matenai, si Matatah, si Zabad, si Elipelet, si Jeremai, si Manases at si Simei; 34  sa mga anak ni Bani, si Maadai, si Amram at si Uel, 35  si Benaias, si Bedaias, si Keluhi, 36  si Vanias, si Meremot, si Eliasib, 37  si Matanias, si Matenai at si Jaasu; 38  at sa mga anak ni Binui, si Simei 39  at si Selemias at si Natan at si Adaias, 40  si Macnadebai, si Sasai, si Sharai, 41  si Azarel at si Selemias, si Semarias, 42  si Salum, si Amarias, si Jose; 43  sa mga anak ni Nebo, si Jeiel, si Matitias, si Zabad, si Zebina, si Jadai at si Joel at si Benaias. 44  Ang lahat ng ito ay tumanggap ng mga asawang banyaga,+ at pinaalis nila ang mga asawa pati na ang mga anak.

Talababa