Ezra 4:1-24

4  Nang marinig ng mga kalaban+ ng Juda at Benjamin na ang mga anak ng Pagkatapon+ ay nagtatayo ng templo para kay Jehova na Diyos ng Israel,  kaagad silang lumapit kay Zerubabel+ at sa mga ulo+ ng mga sambahayan sa panig ng ama at nagsabi sa kanila: “Magtatayo kaming kasama ninyo;+ sapagkat, katulad ninyo, hinahanap namin ang inyong Diyos+ at sa kaniya kami naghahain mula pa nang mga araw ni Esar-hadon+ na hari ng Asirya, na nag-ahon sa amin dito.”+  Gayunman, si Zerubabel at si Jesua+ at ang iba pa sa mga ulo+ ng mga sambahayan ng Israel sa panig ng ama ay nagsabi sa kanila: “Wala kayong kinalaman sa amin sa pagtatayo ng bahay para sa aming Diyos,+ sapagkat kami ang magkakasamang magtatayo para kay Jehova na Diyos ng Israel, gaya ng iniutos sa amin ni Haring Ciro+ na hari ng Persia.”  Sa gayon ay patuloy na pinanghihina+ ng mga tao ng lupain ang mga kamay ng bayan ng Juda at sinisiraan sila ng loob sa pagtatayo,+  at umupa+ sila ng mga tagapayo laban sa kanila upang biguin ang kanilang panukala sa lahat ng mga araw ni Ciro na hari ng Persia hanggang sa paghahari ni Dario+ na hari ng Persia.  At nang paghahari ni Ahasuero, sa pasimula ng kaniyang paghahari, sumulat sila ng isang akusasyon+ laban sa mga tumatahan sa Juda at Jerusalem.  Gayundin, nang mga araw ni Artajerjes, si Bislam, si Mitredat, si Tabeel at ang iba pa niyang mga kasamahan ay sumulat kay Artajerjes na hari ng Persia, at ang sulat ng liham ay nakasulat sa mga titik Aramaiko at isinalin sa wikang Aramaiko.+  Si Rehum na punong opisyal ng pamahalaan at si Simsai na eskriba ay sumulat ng isang liham laban sa Jerusalem kay Artajerjes na hari, gaya ng sumusunod:  Sa gayon si Rehum+ na punong opisyal ng pamahalaan at si Simsai na eskriba at ang iba pa nilang mga kasamahan, ang mga hukom at ang mabababang gobernador sa kabila ng Ilog,+ ang mga kalihim,+ ang mga tao sa Erec,+ ang mga Babilonyo,+ ang mga tumatahan sa Susa,+ samakatuwid ay ang mga Elamita,+ 10  at ang iba pa sa mga bansang+ dinala ng dakila at kagalang-galang na si Asenapar+ sa pagkatapon at pinamayan sa mga lunsod ng Samaria,+ at ang iba pa sa kabilang ibayo ng Ilog, ——; at ngayon 11  ito ay isang kopya ng liham na ipinadala nila may kinalaman doon: “Kay Artajerjes+ na hari ang iyong mga lingkod, ang mga tao sa kabilang ibayo ng Ilog: At ngayon 12  ay talastasin ng hari na ang mga Judio na umahon dito sa amin mula sa iyo ay pumaroon sa Jerusalem. Itinatayo nila ang mapaghimagsik at masamang lunsod, at tinatapos nila ang mga pader+ at kinukumpuni ang mga pundasyon. 13  Ngayon ay talastasin ng hari, na kung ang lunsod na ito ay maitayong muli at ang mga pader nito ay matapos, hindi sila magbibigay ng buwis+ ni tributo+ ni singil man, at ito ay magiging sanhi ng kalugihan sa mga ingatang-yaman+ ng mga hari. 14  At yamang kinakain namin ang asin ng palasyo, at hindi wasto na makita naming nahuhubaran ang hari, sa dahilang ito ay nagsugo kami at ipinaalam iyon sa hari, 15  upang magkaroon ng pagsisiyasat sa aklat ng mga talaan+ ng iyong mga ninuno. Kung magkagayon ay masusumpungan mo sa aklat ng mga talaan at malalaman na ang lunsod na iyon ay isang lunsod na mapaghimagsik at sanhi ng kalugihan sa mga hari at sa mga nasasakupang distrito, at sa loob nito ay may mga pasimuno ng pagsalansang mula pa nang mga araw noong una. Sa dahilang ito ay iginuho ang lunsod na iyon.+ 16  Ipinaaalam namin sa hari, na kung ang lunsod na iyon ay maitayong muli at ang mga pader niyaon ay matapos, hindi ka nga magkakaroon ng anumang bahagi sa kabilang ibayo ng Ilog.”+ 17  Ang hari ay nagpadala ng salita kay Rehum+ na punong opisyal ng pamahalaan at kay Simsai na eskriba at sa iba pa nilang mga kasamahan+ na tumatahan sa Samaria at sa iba pa sa kabilang ibayo ng Ilog: “Mga pagbati!+ At ngayon 18  ang opisyal na dokumentong ipinadala ninyo sa amin ay binasa nang malinaw sa harap ko. 19  Kaya isang utos ang inilabas ko, at nagsiyasat+ sila at nasumpungan nilang ang lunsod na iyon mula pa nang mga araw noong una ay bumabangon na laban sa mga hari at doon ay isinasagawa ang paghihimagsik at pagsalansang.+ 20  At nagkaroon ng malalakas na hari+ sa Jerusalem na namamahala sa lahat ng nasa kabilang ibayo ng Ilog,+ at ang buwis, tributo at singil ay ibinibigay sa kanila.+ 21  Ngayon ay maglabas kayo ng utos na pahintuin ang matitipunong lalaking ito, upang ang lunsod na iyon ay hindi muling maitayo hanggang sa mailabas ko ang utos. 22  Kaya mag-ingat kayo na huwag magpabaya sa pagkilos may kinalaman dito, upang ang pinsala ay hindi maragdagan sa ikapapahamak ng mga hari.”+ 23  At pagkatapos na ang kopya ng opisyal na dokumento ni Artajerjes na hari ay mabasa sa harap ni Rehum+ at ni Simsai+ na eskriba at ng kanilang mga kasamahan,+ dali-dali silang pumaroon sa Jerusalem sa mga Judio at pinahinto sila sa pamamagitan ng lakas ng sandata.+ 24  Noon huminto ang paggawa sa bahay ng Diyos, na nasa Jerusalem; at iyon ay nanatiling nakahinto hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario+ na hari ng Persia.

Talababa