Ezra 7:1-28

7  At pagkatapos ng mga bagay na ito noong paghahari ni Artajerjes+ na hari ng Persia, si Ezra+ na anak ni Seraias+ na anak ni Azarias na anak ni Hilkias+  na anak ni Salum+ na anak ni Zadok na anak ni Ahitub+  na anak ni Amarias+ na anak ni Azarias+ na anak ni Meraiot+  na anak ni Zerahias+ na anak ni Uzi+ na anak ni Buki+  na anak ni Abisua+ na anak ni Pinehas+ na anak ni Eleazar+ na anak ni Aaron+ na punong saserdote+  ang nasabing Ezra ay umahon mula sa Babilonya; at siya ay isang dalubhasang tagakopya+ ng kautusan ni Moises,+ na ibinigay ni Jehova na Diyos ng Israel, kung kaya ipinagkaloob ng hari sa kaniya, kaayon ng kamay ni Jehova na kaniyang Diyos na sumasakaniya, ang lahat ng kahilingan niya.+  Dahil dito ang ilan sa mga anak ni Israel at sa mga saserdote+ at sa mga Levita+ at sa mga mang-aawit+ at sa mga bantay ng pintuang-daan+ at sa mga Netineo+ ay umahon sa Jerusalem nang ikapitong taon ni Artajerjes+ na hari.  Nang maglaon ay dumating siya sa Jerusalem nang ikalimang buwan, samakatuwid ay nang ikapitong taon ng hari.  Sapagkat noong unang araw ng unang buwan ay itinakda niya ang pag-ahon mula sa Babilonya, at noong unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, kaayon ng mabuting kamay ng kaniyang Diyos na sumasakaniya.+ 10  Sapagkat inihanda+ ni Ezra ang kaniyang puso upang sumangguni sa kautusan ni Jehova+ at upang magsagawa niyaon+ at upang magturo+ sa Israel ng tuntunin+ at katarungan.+ 11  At ito ay isang kopya ng liham na ibinigay ni Haring Artajerjes kay Ezra na saserdoteng tagakopya,+ isang tagakopya ng mga salita ng mga utos ni Jehova at ng kaniyang mga tuntunin sa Israel: 12  “Si Artajerjes,+ na hari ng mga hari,+ kay Ezra na saserdote, na tagakopya ng kautusan ng Diyos ng langit:+ Mapasakdal nawa ang kapayapaan.+ At ngayon 13  isang utos+ ang inilabas ko na ang bawat isa sa aking nasasakupan+ na mula sa bayan ng Israel at ang kanilang mga saserdote at ang mga Levita na nagnanais na pumaroong kasama mo sa Jerusalem ay dapat na pumaroon.+ 14  Yamang mula sa harap ng hari at ng kaniyang pitong tagapayo+ ay may isang utos na ipinadala upang magsiyasat+ may kinalaman sa Juda at sa Jerusalem sa kautusan+ ng iyong Diyos+ na nasa iyong kamay, 15  at upang dalhin ang pilak at ang ginto na kusang-loob na ibinigay+ ng hari at ng kaniyang mga tagapayo sa Diyos ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem,+ 16  pati ang lahat ng pilak at ginto na masusumpungan mo sa buong nasasakupang distrito ng Babilonya lakip na ang kaloob ng bayan+ at ng mga saserdote na kusang-loob na nagbibigay sa bahay ng kanilang Diyos,+ na nasa Jerusalem; 17  sa gayon ay kaagad mong ibibili ang salaping ito ng mga toro,+ mga barakong tupa,+ mga kordero+ at ng kanilang mga handog na mga butil+ at ng kanilang mga handog na inumin+ at ihahain mo ang mga iyon sa ibabaw ng altar ng bahay ng inyong Diyos,+ na nasa Jerusalem.+ 18  “At anuman ang waring mabuti sa iyo at sa iyong mga kapatid na gawin sa natirang pilak at ginto,+ ayon sa kalooban+ ng inyong Diyos, ay gagawin ninyo.+ 19  At ang mga sisidlang+ ibinibigay sa iyo para sa paglilingkod sa bahay ng iyong Diyos ay dalhin mong lahat sa harap ng Diyos sa Jerusalem.+ 20  At ang iba pang mga pangangailangan sa bahay ng iyong Diyos na maaatang sa iyo upang ibigay, ibibigay mo iyon mula sa bahay ng kayamanan ng hari.+ 21  “At ako naman, si Artajerjes na hari, ay naglabas ng isang utos+ sa lahat ng ingat-yamang+ nasa kabilang ibayo ng Ilog,+ na ang lahat ng bagay na hilingin sa inyo ni Ezra+ na saserdote, na tagakopya ng kautusan ng Diyos ng langit, isasagawa ito kaagad, 22  maging hanggang sa isang daang talento+ na pilak at isang daang takal na kor+ ng trigo at isang daang takal na bat+ ng alak+ at isang daang takal na bat ng langis,+ at asin+ na walang takdang dami. 23  Ang lahat ng ayon sa utos+ ng Diyos ng langit ay gawin nang may sigasig+ para sa bahay ng Diyos ng langit,+ upang walang poot na dumating laban sa nasasakupan ng hari at sa kaniyang mga anak.+ 24  At sa inyo ay ipinaaalam, na kung tungkol sa sinuman sa mga saserdote+ at sa mga Levita,+ mga manunugtog,+ mga bantay-pinto,+ mga Netineo,+ at mga manggagawa sa bahay na ito ng Diyos, walang buwis, tributo+ o singil+ ang ipahihintulot na ipataw sa kanila. 25  “At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan+ ng iyong Diyos na nasa iyong kamay ay mag-atas ka ng mga mahistrado at mga hukom upang patuluyan silang makahatol+ sa buong bayang nasa kabilang ibayo ng Ilog, ang lahat nga niyaong nakaaalam ng mga kautusan ng iyong Diyos; at ang sinumang hindi pa nakaaalam ng mga iyon ay tuturuan ninyo.+ 26  At kung tungkol sa sinumang hindi maging tagatupad ng kautusan ng iyong Diyos+ at ng kautusan ng hari, kaagad na ilapat sa kaniya ang kahatulan, ukol man sa kamatayan+ o ukol sa pagpapalayas,+ o ukol sa multang salapi+ o ukol sa pagkabilanggo.” 27  Pagpalain nawa si Jehova na Diyos ng ating mga ninuno,+ na naglagay ng ganitong bagay sa puso+ ng hari, upang pagandahin+ ang bahay ni Jehova, na nasa Jerusalem! 28  At sa akin ay naggawad siya ng maibiging-kabaitan+ sa harap ng hari at ng kaniyang mga tagapayo+ at may kinalaman sa lahat ng makapangyarihang prinsipe ng hari. At ako naman ay nagpakalakas kaayon ng kamay+ ni Jehova na aking Diyos na sumasaakin, at tinipon ko mula sa Israel ang mga pangulo upang umahong kasama ko.

Talababa