Filipos 1:1-30
1 Si Pablo at si Timoteo, mga alipin+ ni Kristo Jesus, sa lahat ng mga banal na kaisa ni Kristo Jesus na nasa Filipos,+ kasama ng mga tagapangasiwa at mga ministeryal na lingkod:+
2 Magkaroon nawa kayo ng di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Kristo.+
3 Ako ay laging nagpapasalamat sa aking Diyos sa tuwing maaalaala kayo+
4 sa bawat pagsusumamo ko para sa inyong lahat,+ habang inihahandog ko ang aking pagsusumamo nang may kagalakan,
5 dahil sa iniabuloy+ ninyo sa mabuting balita mula nang unang araw hanggang sa sandaling ito.
6 Sapagkat ako ay may tiwala sa mismong bagay na ito, na siya na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ang magdadala nito sa kaganapan+ hanggang sa araw+ ni Jesu-Kristo.
7 Matuwid lamang na isipin ko ito may kinalaman sa inyong lahat, dahil taglay ko kayo sa aking puso,+ yamang kayong lahat ay mga kabahagi+ ko sa di-sana-nararapat na kabaitan, kapuwa sa aking mga gapos ng bilangguan+ at sa pagtatanggol+ at sa legal+ na pagtatatag ng mabuting balita.
8 Sapagkat ang Diyos ang aking saksi kung paanong minimithi ko kayong lahat sa gayong magiliw na pagmamahal+ gaya ng taglay ni Kristo Jesus.
9 At ito ang patuloy kong ipinapanalangin, na ang inyong pag-ibig ay managana+ nawa nang higit at higit pa na may tumpak na kaalaman+ at lubos na kaunawaan;+
10 upang matiyak ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga,+ upang kayo ay maging walang kapintasan+ at hindi makatisod+ sa iba hanggang sa araw ni Kristo,
11 at mapuspos ng matuwid na bunga,+ na sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Diyos.+
12 Ngayon ay nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang mga nangyari sa akin ay naging para sa ikasusulong ng mabuting balita+ sa halip na sa kabaligtaran nito,
13 anupat ang aking mga gapos+ ay naging hayag na kaalaman+ may kaugnayan kay Kristo sa gitna ng lahat ng Tanod ng Pretorio at ng lahat ng iba pa;+
14 at ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, palibhasa’y nakadama ng pagtitiwala dahil sa aking mga gapos ng bilangguan, ay nagpapakita ng lalong higit pang lakas ng loob na salitain ang salita ng Diyos nang walang takot.+
15 Totoo, ipinangangaral ng ilan ang Kristo dahil sa inggit at pakikipagpaligsahan,+ ngunit ang iba naman ay dahil sa kabutihang-loob.+
16 Ang huling nabanggit ay naghahayag sa Kristo dahil sa pag-ibig, sapagkat alam nilang inilagay ako rito ukol sa pagtatanggol+ sa mabuting balita;
17 ngunit ang unang nabanggit ay gumagawa nito dahil sa hilig na makipagtalo,+ hindi taglay ang dalisay na motibo, sapagkat nagbabalak silang magsulsol ng kapighatian+ para sa akin sa aking mga gapos ng bilangguan.
18 Ano kung gayon? Wala, malibang sa bawat paraan, sa pagkukunwari man+ o sa katotohanan, si Kristo ay naihahayag,+ at dito ay nagsasaya ako. Sa katunayan, ako ay patuloy ring magsasaya,
19 sapagkat alam kong ito ay magbubunga ng aking kaligtasan sa pamamagitan ng inyong pagsusumamo+ at ng paglalaan ng espiritu ni Jesu-Kristo,+
20 kasuwato ng aking may-pananabik na pag-asam+ at pag-asa+ na hindi ako mapapahiya+ sa anumang paraan, kundi sa buong kalayaan sa pagsasalita+ ang Kristo, gaya ng dati, ay madadakila ngayon nang gayon sa pamamagitan ng aking katawan,+ sa pamamagitan man ng buhay o sa pamamagitan ng kamatayan.+
21 Sapagkat sa kalagayan ko ang mabuhay ay si Kristo,+ at ang mamatay,+ pakinabang.
22 At kung ang mangyayari ay ang patuloy na mabuhay sa laman, ito ay bunga ng aking gawa+—at gayunma’y kung aling bagay ang pipiliin ay hindi ko ipinaaalam.
23 Ako ay nasa ilalim ng panggigipit mula sa dalawang bagay na ito;+ ngunit ang akin ngang ninanais ay ang paglaya at ang pagiging kasama ni Kristo,+ sapagkat ito, sa katunayan, ay lalong higit na mabuti.+
24 Gayunman, ang manatili ako sa laman ay higit na kinakailangan dahil sa inyo.+
25 Kaya, yamang may tiwala tungkol dito, alam kong ako ay mananatili+ at mamamalaging kasama ninyong lahat para sa inyong pagsulong+ at sa kagalakang kaugnay ng inyong pananampalataya,
26 upang ang inyong pagbubunyi ay sumagana kay Kristo Jesus dahil sa akin sa pamamagitan ng aking pagkanaririyang muli na kasama ninyo.
27 Lamang ay gumawi kayo sa paraang karapat-dapat+ sa mabuting balita tungkol sa Kristo, upang, dumating man ako at makita kayo o wala man ako riyan, marinig ko ang tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa inyo, na kayo ay nakatayong matatag sa isang espiritu, na may isang kaluluwa+ at nagpupunyaging magkakaagapay para sa pananampalataya sa mabuting balita,
28 at sa anumang paraan ay hindi nagagawang takutin ng inyong mga kalaban.+ Ang mismong bagay na ito ay isang katunayan ng pagkapuksa para sa kanila, ngunit ng kaligtasan para sa inyo;+ at ang pahiwatig na ito ay mula sa Diyos,
29 sapagkat sa inyo ibinigay ang pribilehiyo alang-alang kay Kristo, hindi lamang upang manampalataya+ kayo sa kaniya, kundi upang magdusa+ rin alang-alang sa kaniya.
30 Sapagkat taglay ninyo ang gayunding pakikipagpunyagi gaya ng nakita ninyo sa kalagayan ko+ at gaya ng naririnig ninyo ngayon sa kalagayan ko.+