Filipos 2:1-30
2 Sa gayon, kung may anumang pampatibay-loob kay Kristo,+ kung may anumang kaaliwan ng pag-ibig, kung may anumang pagbabahagi ng espiritu,+ kung may anumang magiliw na pagmamahal+ at habag,
2 lubusin ninyo ang aking kagalakan sa bagay na kayo ay may magkakatulad na kaisipan+ at may magkakatulad na pag-ibig, na nabubuklod sa kaluluwa, na isinasaisip ang iisang kaisipan,+
3 na hindi gumagawa ng anuman dahil sa hilig na makipagtalo+ o dahil sa egotismo,+ kundi may kababaan ng pag-iisip na itinuturing na ang iba ay nakatataas+ sa inyo,
4 na itinutuon ang mata, hindi lamang sa personal na kapakanan ng inyong sariling mga bagay-bagay,+ kundi sa personal na kapakanan din ng iba.+
5 Panatilihin ninyo sa inyo ang pangkaisipang saloobing ito na nasa kay Kristo Jesus din,+
6 na siya, bagaman umiiral sa anyong Diyos,+ ay hindi nag-isip na mang-agaw, samakatuwid nga, na siya ay maging kapantay ng Diyos.+
7 Hindi, kundi hinubad niya ang kaniyang sarili at nag-anyong alipin+ at napasawangis ng tao.+
8 Higit pa riyan, nang masumpungan niya ang kaniyang sarili sa anyong tao,+ nagpakababa siya at naging masunurin hanggang sa kamatayan,+ oo, kamatayan sa pahirapang tulos.+
9 Sa mismong dahilan ding ito ay dinakila siya ng Diyos sa isang nakatataas na posisyon+ at may-kabaitang ibinigay sa kaniya ang pangalang nakahihigit sa lahat ng iba pang pangalan,+
10 upang sa pangalan ni Jesus ay lumuhod ang bawat tuhod niyaong mga nasa langit at niyaong mga nasa lupa at niyaong mga nasa ilalim ng lupa,+
11 at ang bawat dila ay hayagang kumilala+ na si Jesu-Kristo ay Panginoon+ sa ikaluluwalhati ng Diyos na Ama.+
12 Dahil dito, mga minamahal ko, kung paanong kayo ay laging sumusunod,+ hindi lamang kapag naririyan ako, kundi lalo pa ngang higit ngayon na wala ako riyan, patuloy kayong gumawa ukol sa inyong sariling kaligtasan nang may takot+ at panginginig;
13 sapagkat ang Diyos ang isa na alang-alang sa kaniyang ikinalulugod ay kumikilos sa loob ninyo+ upang kapuwa ninyo loobin at ikilos.+
14 Patuloy ninyong gawin ang lahat ng mga bagay nang walang mga bulung-bulungan+ at mga argumento,+
15 upang kayo ay maging walang kapintasan+ at walang muwang, mga anak+ ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang liko at pilipit na salinlahi,+ na sa gitna nila ay sumisikat kayo bilang mga tagapagbigay-liwanag sa sanlibutan,+
16 na nananatiling mahigpit na nakakapit sa salita ng buhay,+ upang magkaroon ako ng dahilan na magbunyi sa araw ni Kristo,+ na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan o nagpagal nang walang kabuluhan.+
17 Gayunpaman, kung ibinubuhos man akong tulad ng isang handog na inumin+ sa ibabaw ng hain+ at pangmadlang paglilingkod kung saan kayo inakay ng pananampalataya,+ ako ay natutuwa at ako ay nakikipagsaya+ sa inyong lahat.
18 Ngayon sa gayunding paraan ay matuwa rin kayo mismo at makipagsaya sa akin.+
19 Sa ganang akin ay umaasa ako sa Panginoong Jesus na maisugo sa inyo si Timoteo sa di-kalaunan, upang ako ay maging isang masayang kaluluwa+ kapag nalaman ko ang tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa inyo.
20 Sapagkat wala na akong iba pa na may saloobing katulad ng sa kaniya na tunay na magmamalasakit+ sa mga bagay na may kinalaman sa inyo.
21 Sapagkat ang lahat ng iba pa ay naghahangad ng kanilang sariling mga kapakanan,+ hindi yaong mga kay Kristo Jesus.
22 Ngunit alam ninyo ang katunayan na ipinakita niya tungkol sa kaniyang sarili, na tulad ng isang anak+ sa ama ay nagpaalipin siyang kasama ko sa ikasusulong ng mabuting balita.
23 Kaya nga, ito ang tao na inaasahan kong isugo sa sandaling makita ko kung ano ang kalagayan ng mga bagay may kinalaman sa akin.
24 Tunay ngang ako ay may tiwala sa Panginoon na ako rin mismo ay paririyan sa di-kalaunan.+
25 Gayunman, iniisip kong kailangang isugo sa inyo si Epafrodito,+ ang aking kapatid at kamanggagawa+ at kapuwa kawal,+ ngunit inyong sugo at pansariling lingkod para sa aking pangangailangan,
26 yamang nananabik siyang makita kayong lahat at nanlulumo sapagkat narinig ninyong siya ay nagkasakit.
27 Oo, tunay nga, nagkasakit siya anupat halos mamatay na; ngunit ang Diyos ay naawa+ sa kaniya, sa katunayan, hindi lamang sa kaniya, kundi sa akin din, upang hindi ako magkaroon ng pamimighati sa pamimighati.
28 Kaya nga isinusugo ko siya nang lalong madali upang kapag nakita ninyo siya ay magsaya kayong muli at ako naman ay maalisan ng pamimighati.
29 Kaya nga pagpakitaan ninyo siya ng kinaugaliang pagtanggap+ sa Panginoon taglay ang buong kagalakan; at patuloy ninyong ituring na mahalaga ang gayong uri ng mga tao,+
30 sapagkat dahil sa gawain ng Panginoon ay napasabingit siya ng kamatayan, na inilalantad sa panganib ang kaniyang kaluluwa,+ nang sa gayon ay lubusan niyang mapunan ang inyong pagiging wala rito upang mag-ukol ng pribadong paglilingkod sa akin.+